Nag-warm up kaming apat para hindi daw mabigla ang katawan namin.

Unang ibinigay sa 'kin ni Elene ang dalawang bilugan na kahoy. Iyong pang-arnis.

"Marunong ka ba nito?" Tanong ni Elene na pinaikot-ikot iyon sa kamay na parang baton lamang.

"Alam ko lang nang kaunti. Pinag-aralan namin iyan no'ng Grade 7, e. Pero hindi ako magaling." Tumango siya at kinuha ang isang kahoy kaya isa na lamang ang hawak ko.

Pinaayos niya ako nang tamang tayo at porma ng katawan.

"Dito ka humawak. Grip tightly on it, ganiyan.." Sinunod ko ang sinabi niya lalo na ang postura.

"Kapag sinabi kong one, dito sa may left ear ko kunwari mo ipapatama, kapag two sa right. Okay?"

Ginawa ko ang sinabi niya hanggang sa nasanay na ako sa tamang pwersa at ayos. Hindi kasi basta makakahampas nang maayos kung hindi tama ang posture. Mabuti na lang at maraming alam sila Elene sa ganito.

"Woah! Baseball bat?" Pinulot ko iyon na nasa gilid ng malaking closet. Nagpapahinga pa sila Elene samantalang ako ay nag-iikot ikot lang.

Dinala ko iyon sa kanila at pinakita.

"Bakit may ganito dito? Ginagamit rin ba 'to pang laban?" Tanong ko at hinaplos ang baseball bat. Hindi iyon magaan pero hindi naman gaano kabigat kaya nabubuhat ko.

"Mukhang naligaw lang 'yan dito," saad ni Clarence.

"Ha? May buhay 'to? Bakit wala siyang mapa?" Maang na tanong ko. Nag-face palm silang tatlo. I pouted.

"Kasi ikaw, e. Sinabi mo naligaw, naisip ko na naglakad-lakad siya then he lost tapos napagpasyahan niya na magpahinga sa tabi." I teased. Nanlaki ang mata ni Clarence.

"Aba't naga-upgrade ka na, Eirian! Marunong ka na mamilosopo!" mangha niyang saad. Humagikhik ako at hinawakan nang maayos ang baseball bat.

Humarap ako sa punching bag saka iyon hinampas.

"Shit! Eirian!" Tili ni Elene.

Nanlaki ang mata ko at natulala.

"Anong ginawa mo?" Nanlalaki ang mata ni Elene na lumapit sa 'kin at sinulyapan ang tumalsik na punching bag.

"Bakit mo hinampas!? Sa tagal na niyan dito pangalawang beses pa lang 'yan tumalsik. Ang tibay kasi niyan," she said. Hinawakan nito ang naputol na kadena saka sinulyapan ako.

"Una si Greg when he kicked it. Pangalawa ka."

Magsasalita sana ako nang lumapit si Clarence at nakaawang ang labi na nakatingin sa 'kin.

"Hinampas mo?" Namutla ako sa reaksyon niya. Kinabahan ako lalo, baka pagalitan ako dahil nasira.

"O-oo, sorry. Lagot ako.." Bulong ko.

"Paano mo 'yon nagawa!? Kahit malakas iyang baseball bat kung humampas, e hindi naman yan makakasira kung hindi rin malakas ang may hawak," saad ni Clarence. Lumapit rin si Sunshine at tumingin sa 'kin.

"Ikaw 'yong may gawa kay Lyndom 'di ba? Kaya nagkagano'n ang bibig at ilong no'n?" Tanong ni Sunshine. Napakamot ako.

"Nasuntok ko siya sa inis ko, e. Alam kong mali 'yon kaso hindi ko na-kontrol ang sarili ko." Bulong ko. Pinaglaruan ko ang hawak na baseball bat at yumuko.

"Eirian, hampasin mo ulit 'to. 'Yong tamang lakas lang, relax ka lang," saad ni Elene at tinulak ang isa pang punching bag na nakasabit na papunta sa harap ko.

"Bakit? Nakasira na nga ako, e." Umatras ako at lumayo sa kanila. Umiling naman si Elene.

"Sige na. Huwag mong bigyan ng sobrang lakas na pwersa para hindi tumalsik. 'Yung tama lang na lakas mo, okay?" Magpo-protesta pa sana ako pero nakatingin na silang tatlo sa 'kin. I heaved a sigh and step forward. Sila naman ang umatras at lumayo.

Pumusisyon ako saka hinawakan nang mahigpit ang bat. Itinaas ko 'yon saka pinatama sa katawan ng punching bag.

"Fuck! Tumalsik!" Tili ni Elene. Nanlaki ang mata ko.

"Sabi ko kasi sa inyo, e! Nakasira tuloy ulit ako!" Uminit ang gilid ng mata ko. Paano kung magalit sa 'kin ang headmaster dahil nakasira ako?

Tulala lamang sila Sunshine at Clarence samantalang si Elene ay lumapit sa 'kin at niyugyog ang balikat ko. Tumalon-talon pa siya.

"Hindi pa rin ba nag-sink in sa'yo ang nangyari?" Nanlalaki ang mata niya. My forehead creased and look at her.

"Ha?" Hindi ko siya maintindihan. Nakasira na nga ako pero ang saya pa rin niya.

"Gosh Eirian! Slow ka! Ipinapakita lang ng nangyari na malakas ka!" saad niya. Ngumuso ako at pinakita sa kaniya ang baseball bat.

"Ito ang may gawa no'n," saad ko.

"Punyeta ka Eirian! Tingin mo ba makakaya niyan tumayo at humampas mag-isa? Ikaw ang malakas! Ikaw ang nag-exert ng energy at strength kaya ikaw ang may gawa no'n!" saad niya.

"Pero.."

"Anong pero? Ang lakas mo! Hindi ka pa nga bumebwelo at kitang-kita namin 'yun! Hindi ka pa nagbigay ng sobra na lakas do'n pero anong nangyari, tumalsik iyong dalawa at natanggal sa kadena!" Niyakap pa niya ako nang mahigpit at tumalon-talon. Kumamot ako sa noo.

"Baka sira na kasi-"

"Tama na Eirian! Gigil mo si ako! Bakit hindi mo matanggap na ikaw ang gumawa no'n! Suntukin mo pa si Clarence, e," Elene said.

"Bakit ako?" Clarence's eyes widen.

"Ikaw lalake, e." Singit ni Sunshine.

Tumili si Clarence, "Oh gosh! Babae ako! Babae! Gusto mo ba mag-war ulit tayo, Sunshine? Aaaah! Babae ako!" Tili ito nang tili.

"Pero Eirian, seryoso ako. Ikaw ang may gawa no'n."

Napatitig ako sa kamay ko at baseball bat. Bahagya pa iyon na nanginginig.

"Imposible naman. Bakit hindi ako nakakalaban sa mga nambully sa 'kin noon?" saad ko. Pabiro akong sinabunutan ni Elene.

"Because you never tried. Naalala mo no'ng may sumugod sa 'tin? Kinabukasan puro pasa 'yung mga babae, natanggalan pa ng ngipin 'yung isa. Hindi mo lang napansin pero malakas ka Eirian. Gamitin mo 'yan para hindi ka na nila laging saktan. Precious things were always protected pero ang pinaka-precious ay kaya ring protektahan ang sarili niya! Gaya ng diamond na hindi nababasag. You're a gemme, Eirian."

Hinigpitan ko ang hawak sa baseball bat at huminga nang malalim. Tinignan ko si Elene at ngumiti.

"Akin na lang 'tong baseball bat," saad ko. Ngumiti siya.

"Okay, wala ng nagmamay-ari niyan. Ikaw na."

********

Supladdict<3

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now