Narinig ko ang mahinang tunog ng dummy at sunod ko na naramdaman ay ang pagsuntok sa mukha ko.

"Ahh!" Tili ko. Sinapo ko ang pisngi at gumapang palayo. Tawa lamang nang tawa si Lyndon at tingin ko na sa kaniya ngayon ay isang demonyo.

"Ang sama mo, itigil mo na 'to." Iyak ako nang iyak. Nakaramdam ako ng pagsipa sa paa. Kahit isa siyang dummy, ang sakit pa rin niya umatake.

Nakatanggap ako ng ilang suntok pa bago iyon tumigil. Pinagdikit ko ang tuhod saka sumubsob do'n at lalong napaiyak. Nanginginig ang bawat sulok ng katawan ko sa takot at pagod na nararamdaman. Hindi naman kasi dapat ako narito. Hindi ako nababagay rito.

Narinig ko ang bawat yapak niya palapit. I can even hear his low chuckles na tila tuwang tuwa.

Umupo siya sa harap ko at pilit na pinaangat ang mukha ko. Hinawakan niya ako sa baba saka ako tinitigan. Ineksamin ng mata niya ang aking mukha at unti-unting napalis ang ngisi sa kaniyang labis. Kinuyom ko ang kamao at lalong nanginig.

Hindi ko napigilan ang sarili at sinuntok siya sa mukha. Natamaan ang kaniyang ilong at labi. Napaatras siya at natumba sa pagkakaupo. Tumayo ako at masama siyang tinitigan. Natauhan ako sa ginawa pero pinilit ko na magmukhang galit kahit ang totoo ay naawa ako sa kaniya at natakot.

"Ang sama mo!" Sigaw ko.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkasapo sa kaniyang mukha. Nanlaki ang mata ko at natigilan nang makita ang tuloy-tuloy na pagdugo ng kaniyang ilong at labi. Kinuyom ko ang kamao at nanginig pa 'yun bago lumuhod sa kaniya harapan.

"S-sorry.." Bulong ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Unti-unti siyang umupo at pinunasan ng suot na t-shirt ang mga dugo. Napalis iyon ngunit may mga umalpas muli kaya lalo akong nabahala.

"Don't say sorry for the thing that you intended to do," malamig niyang utas. Nag-init ang mata ko.

"So you're not really sorry sa ginawa mo sa 'kin kanina?" tanong ko. Walang emosyon siyang ngumisi. I shook my head.

"Then babawiin ko ang sorry ko. Dapat lang 'yan sa'yo. Hindi ka naawa sa 'kin kanina. Mas pinabilisan mo pa 'yung dummy tapos ano.." Pinahid ko ang luha ngunit para iyon gripo na patuloy sa paglabas ng tubig, "tuwang-tuwa ka pa habang pinapanood mo akong binubugbog!" Tinulak-tulak ko siya sa dibdib.

"Masaya ka ba na may nakikita kang isang tao na walang ginawang masama na sinasaktan? Alam kong training iyon pero kailangan mo pa bang tumawa? Masaya ka ba na may nasasaktan at nahihirapan? You're a beast!" I shouted. Tulala lang siya na nakatingin sa 'kin.

Matagal akong umiyak sa harap niya hanggang sa mapagod. Tumayo ako nang walang imik at iniwan siya doon. Mabuti na lamang bukas na ang pinto.

Alam kong training iyong pinuntahan ko pero mali iyong ginawa niya. Pinagtawanan pa niya ako. Knowing na wala akong kahit anong alam sa pakikipaglaban ay pina-atake na niya ako sa dummy na 'yun. Sana kung pinahabol lang niya nang pinahabol, e. Pero pinabugbog pa talaga niya ako. Ang sama niya. Alam kong may atraso siguro ako sa kaniya no'n sa cafeteria, pero hindi pa ba siya nakaganti no'n noong sinakal niya ako? Pati sa training dinadamay niya 'yon.

Pagdating sa dorm ay binagsak ko ang katawan. Hindi na ako lumabas kahit kumain pa.

Kinabukasan na ako pumasok. Pumunta agad ako sa cafeteria. Nakasalubong ko pa si Lyndon ngunit hindi ko siya tinignan. Wala rin naman siyang pakialam sa 'kin. Siguro tuwang-tuwa iyon nang makita ang mga pasa ko sa mga braso.

Pagka-order ko ng pagkain ay umupo na ako sa may bakante. Hinubad ko ang face mask na suot para makakain. May pasa kasi ako sa may bandang ibaba ng pisngi, magkabilaan at natatakpan naman ng face mask. Masakit rin ang katawan ko.

Mukhang na-inat talaga ang bawat sulok ng katawan ko. Mas grabe pa 'to sa pinagawa sa 'min ng prof ko. Tahimik akong kumakain nang may umupo sa harap ko. Hindi ko na inalam kung sino 'yun dahil sa labis na tamlay ng katawan.

Pero halos mapaigtad ako nang may humawak sa baba ko at inangat 'yon. Si Greg ang tumambad sa 'kin. Mariin na magkalapat ang kaniyang labi. Nabigla ako at napatitig sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga at nagsalubong ang kilay. Natauhan ako ng haplusin niya ang aking pisngi. Bigla siyang tumayo at natumba ang kaniyang kinauupuan.

Nanlaki ang mata ko nang makita siyang malalaki ang hakbang na tinungo ang mesa ni Lyndon na tulalang kumakain.

"Putangína, Arguilles!" He growled. Sinipa niya ang lamesa na nasa harap ni Lyndon kaya bumaliktad iyon. Lahat ay naalerto at napatingin sa kanilang pwesto.

Agad niyang hinila ang kwelyo ni Lyndon patayo at sinuntok sa mukha.

"Anong ginawa mo kay Agape! Sumagot ka, putangina ka!" sigaw niya. Ngumisi si Lyndon kaya nakatanggap siya ng suntok sa sikmura.

Pabalya niyang hinagis si Lyndon at bumagsak sa mga lamesa. Mabilis siyang naglakad at nilapitan si Lyndon. Pinaghahagis niya ang mga nakaharang na upuan at sinipa ang mga lamesa. Napatayo ako nang matauhan at agad na lumapit.

Sinusuntok pa niya si Lyndon kaya niyakap ko siya sa likod. I can feel how his muscles were tensed up. Mahigpit kong niyakap siya at pinigilan.

"Tama na..Greg.." Bulong ko.

Pero wala siyang narinig at patuloy na binugbog si Lyndon. I can hear his loud growl habang pinagsusuntok ang kawawang lalaki. Puro mura rin siya. And I noticed that Lyndon didn't fight back. Kahit pagdepensa lang, hindi niya ginawa.

"Greg! Tama na!" Sigaw ko. Napahikbi ako at humigpit ang yakap sa kaniya. Nagsimula ng magdilim ang paningin ko nang masamyo ang amoy ng dugo. Sa pagkakataon na 'to ay mukhang may epekto.

Unti-unting kumalas ang yakap ko sa kaniya ngunit bago pa ako makabitaw ay humarap na siya at niyakap ako nang mahigpit.

"I'm sorry kitten.." He murmured. Nanginginig pa ang mga braso niya dahil sa galit but I can sense that he's calming his self.

Tumango ako at mariin na pumikit. Inakay niya ako palayo at unti-unti ng naging maayos ang paningin ko. Nawala na ang aking hilo at mabuti na lang ay hindi ako hinimatay.

"Are you okay now?" He cupped my face. Nagmulat ako ng mata at tiningala siya. Tumango ako. He sighed at hinalikan ako sa noo.

"Damn it! Hindi ako papayag na mangyari 'to ulit. Don't worry, I'll be the one who will train you, kitten," he murmured. Ngumiti ako at hinayaan siyang yakapin ako.

*******

Author's comment (2020): Grabe pala talaga ang pagiging sadista ko HAHAHAHA kawawa character ko sa akin, grabe.

Supladdict<3

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now