EPILOGUE

2.8K 73 2
                                    

Jasmin's POV

Hindi ko akalain na hahantong ako sa sitwasyon na hahawak din ako ng baril....na darating din ang panahon na kinakailangan kong gumamit nito para manakot at makapanakit ng ibang tao.

Sa simula't simula....hindi naman ako naghahangad nang kung ano pa, basta buo at maayos ang pamilya namin ayos na ako, kaso....hindi ganun ang mayroon ako e, may mga magulang akong walang araw at oras na hindi nag-aaway . Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko .... Paano kaya kung hindi kami lumipat ng bahay ? Paano kaya kung hindi ako lumipat ng eskwelahan? Mangyayari kaya ito? Pero sa hindi malamang dahilan ay nasasagot ko din naman ang mga katanungan na iyon, siguro ... Iyon na talaga ang naging plano ng Diyos sa akin, ang mapunta sa ganung sitwasyon.

Hindi ko din naman ginusto ang lahat, nadamay lang naman ako sa mga nangyari . But then... Marami naman akong natutunan sa mga nangyari sa akin.....sa amin , I can't blame Tito Oliver kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon, hindi ko din naman sinasabi na tama ang ginawa niya , siguro.... Yun lang ang kaya niyang gawin nung mga oras na iyon para makaalis sa kahihiyan.... Ang pumatay . Hindi naman kase natin nako-kontrol ang emosyon at nararamdaman ng ibang tao.

Kung meron man akong natutunan na pinka-importante sa lahat nang nangyari , yun ay ang Pagtitiwala

Yup. Tiwala ang isa sa mga natutunan ko sa lahat nang nangyari, hindi ko rin naman sinasabi na ibigay mo ang tiwala mo basta-basta sa kung sino-sino lang, what i mean is patuloy tayong magtiwala sa mga taong nagmamalasakit sa atin at itinuturing tayong kaibigan.

Hindi ko siguro alam kung nasaan na ako ngayon kung hindi ako nagtiwala kay Angel, kung hindi niya ako kinausap ng gabing iyon siguro ay nag-iba ang pangyayari sa amin ngayon.

Kalalabas ko lang nuon kung nasaan itinago ni Tito Oliver si Lola at si Mama , sinabi niyang duon daw niya tuluyang pinatay si Angelo . Maging ako ay hindi makapaniwala sapagkat hindi na siya ang Tito Oliver na nakilala ko nuon. Nalaman ko din na may porselas din siya katulad nang sa amin ni Roland at Angel ,humingi pala ito kay Lola nang mga panahon na ginagambala siya ni Angelo.

Saktong pagsarado ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni Angel na siyang nagpagulat sa akin, nagtaka pa nga ako sapagkat ng mga oras na iyon ay pinagtatago na sila ni Tito para sa larong ginagawa nito .

Sinabi niya ang lahat sa akin, maging ang kanyang plano, nang oras na umuwi ako ay sumunod pala siya sa akin para daw sana humingi nang tawad pero narinig niya ang pananakot sa amin ni Tito.

Nang mga panahon naman na nakatanggap sila ng Text na nagmula sa akin na nagsasabing pumunta sa ekswelahan namin ,ay siya ang pumilit kina Saveena na pumunta dito , dahil alam din daw niya na hindi ito papayag na pumunta kaya naman ay pinilit niyang papuntahin ang iba.

Sobra akong kinakabahan ng oras na hawak na namin si Angel , tuwang-tuwa naman si Tito dahil nahuli ko daw ang isa sa mga kaklase ko .

Patuloy kami sa pagpapanggap , kahit na hindi ko alam kung gagana ba ang plano niya , inaaalala ko kase si Lola at si Mama dahil sa sandaling malaman ni Tito Oliver ang katotohanan ay hindi siya magdadalawang isip na pasabugin ang mga bomba na nakakabit sa katawan ng mga ito.

Nakarating kaming agad sa kwarto kung saan sila nagtatago ,walang iba kundi ang Clinic ng eskwelahan at duon na nangyari ang lahat.

Halos hindi ako makapag-isip ng maayos , inaalala kung makakatakas at magtatagumpay ba kami dito. Sinabi sa akin ni Angel na kapag dumating ang oras na may papuputukan si Tito Oliver na isa sa mga kaklase namin na naroon ay uunahan ko daw na barilin si Tito, nang sa ganun ay maging hudyat daw ito para sa mga pulis na nasa Ibaba. Pnilano na talaga ni Angel ang lahat , kaya hindi niya pinasama si Jacob dahil ito pala ang magiging katulong namin sa labas , yun naman ang hindi alam ni Tito,na may naging kasamahan kami na hindi namin kaklase . Na hindi kabilang sa Class 103.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon