Chapter 31:His Name

2.5K 81 0
                                    


Third Person's POV

Unang araw ng pasukan at handa nang pumasok ang mga mag-aaral

Ito kase ang simula ng batch ng K-12

"Whoo , okay . Nandito na ako "

Saad ng isang lalaki

"Kirin Art Academy" dugtong niya tsaka pumasok sa Entrance ng gate.

Agad naman silang pinapasok sapagkat wala pa naman silang I.D at wala pa din namang Uniform kaya naka sibilyan pa silang lahat . Dahil dun ay natatawa siya sapagkat iniisip niyang Christmas Party ang pupuntahan niya at ng ibang mga istudyante .

"Deretso lang kayo ng court" sabi ng isang babae na makikilala mong isang guro sa eskwelahan na yun.

Agad na pumunta ang mga istudyante sa nasabing court.

Maging siya ay Excited na at kinakabahan.

"Goodmorning Students!" Agaw pansin na bati sa kanila ng isang guro sa Stage

"Welcome sa Kirin Art Academy ! And please find your section here in front , may nakalagay diyan na mga section niyo . Pakitignan na lang ang form na binigay namin sa inyo nuong nag register kayo "

Agad namang nag-puntahan ang istudyante sa harapan at hinanap ang section nila ,tsaka pumila

Kinuha naman niya ang Form na binigay sa kanya nuong nagregister siya.

"Class 103" sambit nito at tsaka pumunta sa harapan

Nakita niyang wala pang pumipila kaya agad siyang pumunta duon.

Naramdaman niyang may mga pumila na din sa likuran niya

"Sila na siguro yung mga classmates ko" bulong nito sa sarili.

Hindi siya makalingon sapagkat nahihiya siya .

Ipinagpatuloy naman ng Guro sa Harapan ang kaniyang sinabi

Ang gurong ito ay nagpakilalang si Ms. Rebecca ang Ass.Principal ng School nila

Hanggang sa mag simula silang mag-flag ceremony .

"Okay. That's all for today you may now proceed in your respectives room, but please mag mag-aasist sa inyo, mga teachers , paki assist po ang mga bata , papunta sa kanilang room"

Patuloy nito , agad namang may isang lalaking pumunta duon at sinabi sa kanila na sundan siya

Pumasok na sila sa gusali at umakyat sa hagdan, sa 5th floor kase ang Room na naka assign sa kanila .

Hindi sila pinagamit ng elevator , sapagkat sobrang dami ng istudyante at unfair naman sa iba.

Pagkarating nila sa itaas , ay nakita niyang napagod ang iba , maging siya naman ay napagod din

Pumasok naman ang ang guro na nanguna sa kanila sa isang kwarto at pumasok na din sila

Umupo siya sa isang bakanteng upuan .

"Okay nandito na ba lahat ?" Tanong ng guro , ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot

"Salamat sa pagsagot ha? " pa-sarkastikong saad ng guro

Sa isip-isip naman niya ay , paano nila masasabi kung nandito na ba lahat ng kaklase niya kung ito pa lang naman ang unang araw na magkikita kita at mag kakakilala silang lahat

"Ako si Sir Neil, at isa ako sa mga I.T Teachers dito , kaya may posibilidad na maging guro niyo ako, kaya gawin natin ang laging ritwal sa unang pasukan , Introduce yourself"

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon