Chapter 52: Completely Mess

2.2K 66 4
                                    

Thea's POV

"H-hello! N-Nikka!"

"Hello bhe! Bakit ang tagal mong tumawag! Kanina pa ako nag-aalala sa inyo!"

Sa sandaling ito ay parang nais kong magbunyi dahil sa wakas ay nasagot din niya ang tawag ko.
Gusto ko ding matawa , dahil alam kong nagagalit na siya . Lalo na't kanina pa kami hindi nakatawag sa kanya, pero kailangan na namin ng tulong, at ngayong nasagot na niya, hindi na dapat kami mag sayang pa ng oras.

"N-Nikka! , m-makinig ka sa sasabihin ko! Kaylangan namin nang tulong, na trap kami dito, isa-isa kaming pinapatay!"

Nagsimula nanaman akong kabahan! Sheez . Gusto ko nang maiyak dahil kausap ko na siya , gusto kong mag sumbong at lalong lalo na, gusto ko nang umuwi!

Para naman siyang natigilan dahil wala na akong narinig na kahit na ano sa kaniya , kaya naman tinignan ko ng bahagya ang telepono ko , at nakita ko naman duon na on going pa din ang call.

Sh*t Nikka ! Magsalita ka!

"Jasmin!"

"Saveena! Marvin!"

Dinig kong saad ni Jasmin kaya naman napatingin din ako , at nakita namin duon na patakbong papalapit sa amin sina Saveena.

"Buti , okay kayo!"

Saad naman ni Sam

"Nikka?, are you okay?"

Nabalik naman ako sa wisyo nang marinig ko ang lalaking nagsalita sa kabilang linya. May kasama si Nikka? P-parang si Sir Oliver yata?

"H-hello! NIKKA! "

Hindi ko na napigilan pang maisagaw ng konti ang kanyang pangalan , sapagkat kanina pa siya hindi kimikibo.

"A-a-aanong gagawin ko?? S-sabihin niyo"

Halata ang pagkaranta sa kanya , argh! Nakalimutan ko nasa hospital pa pala siya, but we need her help at siya lang ang maasahan namin ngayon.

"Sinong kausap ni Thea?"

Pagtatanong ni Marvin na agad namang pinatahimik ni Jacob

"Sshhhh"

"Huminga ka ng tulong Nikka ! Please! I-ikaw na lang ang pag-asa namin para makaalis dito!"

Sunod na sabi ko agad sa kanya

"Nikka, nandito kami sa Sitio Laging Bago!, please humingi ka ng tulong para sa amin, please Bhe!"

Naiiyak na ako ! Gusto ko nang makaalis dito, i'm so desperate!

Matapos kong masabi yun ay nawala naman na ang tawag ko sa kanya.

At kung sa minamalas ka naman oo , lowbat na ako! .

Napa-upo ako dahil sa nararamdaman ko nanaman ang kaba at kawalan ng pag-asa, sana... Sana... Makahingi ng tulong si Nikka.

Naramdaman ko naman ang mga kamay sa likod ko

"Ayos lang yan Thea, matutulungan tayo ni Nikka"

Tama ...tama si Jasmin, matutulungan kami ni Nikka. Makakaalis kami dito , kaylangan ko lang magtiwala sa kanya.

"Wag tayo dito , umalis tayo dito , dahil baka masundan niya tayo"

Ha? Nino? Sino ang tinutukoy ni Saveena?

"Tama, kaylangan natin humanap ng lugar na medyo malayo dito, at kaylangan magkakasama tayo , para hindi na tayo mag kahiwa-hiwalay"

Pag sang ayon naman ni Marvin at tumayo na ako , at nasimula na ulit kaming maglakad.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon