Chapter 5 : Fieldtrip

4.4K 106 2
                                    

Jasmin's POV

Halos dalawang buwan na din ang nakakalipas matapos ang pangyayaring naranasan ko sa School noon, matapos kong umuwi nang araw na iyon ay hindi na naulit pa ang insidente na yun at medyo nakakahinga ako ng maluwag, walang multo , walang masamang elemento.

Habang nag aayos ng gamit ay biglang pumasok si mama sa kwarto ko, kasalukuyan ko kasing nilalagay ang iba kong damit sa isang bag.

"Oh ito pinapadala ng lola mo, baka daw may gusto kang bilhin"

Natuwa naman ako ng bahagya dahil binigyan ako ni lola ng 500 pesos. Fieldtrip kase namin ngayong araw na ito kaya naman maaga akong nagising at nag aayos ng gamit. Ayaw ko namang ma-late at baka maiwanan ako ng Bus.

"Salamat po, nasan po si lola?"

"Tulog pa. i-text mo ako kung nasaan na kayo ha, o kung pauwi na ba kayo"

"Opo ma, sige na po aalis na po ako "

"O sige ingat"

Lumabas na ako ng bahay namin at pumara na ng trycicle, kadalasan kase jeep ang sinasakyan ko kapag may pasok, kaso 4:30 pa lang ng umaga kaya wala pang dumadaan dito.

Pagkababa ko ng trycicle ay nakita ko agad ang napakadaming istudyante na naririto at halatang-halata na excited din ang lahat.

Agad ko namang binuksan ang data ng cellphone ko, i cha-chat ko sina Saveena kung nasaan ba sila. Dahil sa sobrang dami ng tao ay halos hindi ko na makita ang Class 103. Nasan kaya sila?

Kailangan ko na silang mahanap, ngayon pa lang din kasi ibibigay yung mga Bus number nang bawat section kaya maaga din kaming pumunta dito, nag reply naman agad si Saveena at sinabing nasa pangalawang linya daw sila, nasa likod kase ng school nakaparada lahat ng bus , kaya agad naman akong pumunta duon.

"Yow, Jasmin" bati sa akin ni Joshua nang makita ko kung saan sila nakapila."Oy!" nakangiting bati ko sa kanya, nakipag-apir pa ito at agad ko namang tinugunan.

Oo, sa dalawang buwan na nakasama ko sila e masasabi kong naging close na kami, at masaya naman ako dun. Humingi din ng tawad si Thea sa nangyari nuon, hindi naman daw nila iyon sinasadya dahil sadyang nagulat lang daw sila ni Nikka sa pag-sigaw ko, naging maayos na din ang pakikitungo nila sa akin kaya naman kinalimutan ko na ang nangyari.

"Jassssssssssssssssssssssss!"

Sigaw naman ni Caryl ng makita niya ako, May dala-dala siyang Bag na halatang madaming nakalagay. Lumapit siya sakin na nakangiti at ginantihan ko naman.

"Oh? Bakit ?"

"Anong bakit ?! "

pataray na tanong niya.

"Oh galit na yan oh, galit na yan oh" singit naman ni Saveena, nandito na din pala siya.

"HAHAHAHA joke lang sira, Oy Jasmin tabi tayo sa upuan ahh"

"Sige lang " ngiting sagot ko kay Caryl, kahit sino naman sa kanila okay lang sa akin na makatabi sa upuan, kaibigan ko naman na silang lahat.

At Si Caryl, Oo ayos na ang kalagayan niya, matapos siyang isugod sa Hospital ay naging okay din naman siya, halos dalawang linggo din siya dun, kapag tinatanong namin siya kung ano ba talagang nangyari e hindi na daw niya maalala, pero dahil sa may dugong kakulitan itong sina Adee e lagi pa din nilang tinatanong, kaya nauuwi nanaman sa pag kainis ni Caryl. Natatawa tuloy  ako sa tuwing naaalala  ko ang mukha ni Caryl kapag naiinis na kay Adee.

"Oh, bakit ka tumatawa?" Nakita pala niya na natatawa ako, hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Natatawa kasi ako sa mukha mo' kaya sumagot na lang ako ng 'wala' at hindi na niya ako pinansin. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago nagsipagdatingan ang mga guro.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon