Chapter 20:Complicated

2.7K 106 3
                                    

Bunny's POV

Matapos tumawag si Renz ay parang mas lalong sumakit ang ulo ko , si Brix ? Kaibigan ko siya , sa apat na buwan na nakasama ko siya , alam kong nagkaroon ako ng magandang ala-ala kasama siya .

Pero bakit kami nahantong sa ganitong sitwasyon ngayon ?!

Naluha ako habang iniisip ko kung paano ba kami napunta sa sitwasyon na ganito, hindi ako sigurado pero mukhang tama ako .

Napukaw ng paningin ko ang larawan namin na buong section, ito ang picture namin na mag kakasama nuong Fieldtrip .

Nang mailapit ko ito ay nagulat ako sa aking nakita !

Kaylangan kong pumunta nang School!

Marvin's POV

"Guys , kaylangan na nating mag-ingat"

Agad kong sabi nang makapasok ako sa aming Room

Bakas naman sa kanilang mga mukha ang pagtataka

"Marvin ? Si Thea ? Okay na ba siya?" Tanong sa akin ni Veronica.

Halata sa kanyang mga mata ang pagluha at pag-aalala sa kaibigan , pero mas kailangan na naming alalahanin ang aming mga sarili sa mga oras na ito .

"Oo , sa tingin ko maayos naman siya dahil kasama siya ngayon nina Jasmin" nakita ko namang umupo siya

Teka? Nasaan si Renz?

Hindi bale na nga muna , kaylangan ko munang balaan ang mga kaklase ko , dahil sa mga oras na ito , siguradong-sigurado na ako na tama nga ang hinala ko .

"Ano ba iyon , Marvs?" Dinig kong tanong sa akin ni Adee.

"Guys , kailangan natin mag-ingat "

"Mag-ingat, kanino nga ?" -Caryl

"Kay Angelo"

Pagkasabi ko pa lang ng pangalan niya ay nakita ko ang mga gulat na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

"Ano?! Hindi ba't pa-patay na siya?!" Napatayo si Mark habang sinasabi niya ito

"Oo nga ,patay na siy--"

"Oh ?! Kung ganun,?! Bakit tayo mag-iingat sa isang patay na ?!"

Naputol ko ang sasabihin ko nang biglang sumagot nanaman si Mark.

Pero nagulat ako ng pag-kaupo niya ay nakita ko sa likuran niya ang isang pigura ng isang lalaki.

Lalaki na isang duguan!!

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko , na siya namang napansin ng lahat .

At nang tumingin sila kay Mark ay sigurado akong nanlaki din ang kanilang mga mata

Dahan dahan na tumayo ang lahat at nakatingin pa din sa likod kung nasaan naka upo si Mark

Pinilit kong ibinuka ang aking bibig

"Ma-Mark, w-wag ka-kang gagalaw"

Dahan-dahan kong sabi

Third Person's POV

Nagulat ang lahat nang makita nila na napatulala ang tingin ni Marvin sa gawi ni Mark na kanina lang ay sumagot ng sumagot sa kanya

Pero mas lalong nagulat ang lahat ng biglang nakita nila kung ano nga ba ang dahilan nang pagkagulat ni Marvin

Duon ay nakita ng lahat ang isang lalaking duguan na nakatayo lamang sa likuran ni Mark.

"Ju-jusko" kinakabahang bulalas ni Caryl

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon