Chapter 19:Slowly

2.7K 119 10
                                    

Marvin's POV

"Marvin" rinig kong tawag sa akin ni Ma'am Mila nandito na pala siya .

"Ma'am " malungkot na bati ko sa kanya

Pinipigilan ko na lang umiyak dahil di ko alam kung ano ang ire reak ko .

Narinig ko namang bumuntong hininga si Ma'am Mila tsaka lumapit sa akin.

"Bumalik ka na sa School, papunta na dito ang mga parents ni Brix bago dalhin sa purenarya ang katawan niya" saad ni Ma'am

Pero nanatili akong tahimik, naramdaman ko na lang na ti-nap ni Ma'am ang aking likod at tsaka umalis

"Babalikan ko lang ang mga kaklase mo" dugtong niya. Bago siya tuluyan lumabas ng hospital.

Umupo na lang muna ako sa isa sa mga upuan dito .

Ang daming gumugulo sa isip ko , pero parang isa lang ang sagot sa mga nangyayari ngayon.

Pero may isang bagay pa na gumugulo sa akin. Ang mga narinig ko sa pag-uusap nina Angel at Jasmin.

FLASHBACK

Pagkarating na pagkarating namin Hospital ay ti-nry pa din ng mga Doctor na i survive si Brix pero hindi niya pa din nakayanan ang kanyang natamo.

Napaiyak na ako ng mga oras na iyon. Wala na akong paki kung anong isipin nang mga makakakita sa akin .

Sumilip naman ako sa pintuan kung saan nakatabon na nang puting tela ang katawan ni Brix.

Masakit lang isipin na kanina lang ay kausap ko siya tapos ngayon.. Wala na siya

Hindi nga kaya tama ako?
Hindi nga kaya tama ang hinala namin ni Saveena?

Bigla ko naman naalala si Thea
Kaya naman ay agad akong lumabas ng kwarto na iyon at tsaka pumunta sa Room kung saan dinala si Thea

"At sa tingin ko, yung lalaking iyong ang may kagagawan kung bakit namatay si Genea at Jhorene at kung bakit ngayon napahamak si Thea at Brix"

Liliko na sana ako nang bigla kong narinig ang usapan nina Jasmin at Angel

Kaya naman ay bigla akong na Curios sa pinag-uusapan nila .

Sinong lalaki ang tinutukoy niya?

"Well. Sabihin na natin na totoo ang sinasabi mo , ano naman dahilan nang multong yan para patayin ang mga kaklase natin?"

Duon ay mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Angel

Anong multo ang sinasabi nila ?
S-sino ba ang tinutukoy nila ?!

Anong alam ni Jasmin? Hindi nga kaya s-si ....

Hindi ! Hindi pwede to! Pero , pwede nga ba ? Pwede ba talaga na bumalik siya para lang paghigantihan kami? Maari ba yun ? Kase kung oo, kaylangan naming gumawa ng paraan para maging ligtas kami.

Dahan dahan akong naglakad pabalik kung saan ako nang-galing kanina at nilabas ang aking cellphone para i-chat si Saveena

'Wag muna kayong uuwi , may sasabihin ako , importante'

END OF FLASHBACK

Agad naman akong tumayo para lumabas nang hospital , hahabulin ko na din sana si Ma'am Mila para sana sumabay pabalik sa school

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon