Chapter 8:New Classmate

3.3K 96 0
                                    

Jasmin's POV

Pumunta ako ng canteen para kumakain mag-isa. Oo tama kayo ng pag-kakabasa, mag isa akong kumakain dito sa Canteen. Nagpaalam sa akin sina Saveena na hindi sila makakasabay sakin na mag-breaktime kasi inutusan daw sila ni Ma'am Mila.

Kaso ang pinagtataka ko bakit parang buong Class 103 yata ang inutusan? Maliban kasi sa akin ay wala ng ibang kaklase ko ang narito, ako lang talaga.

Pagkatapos kong kumain e napagpasyahan kong umakyat muna sa rooftop, may iba din namang umaakyat dito kapag natapos ng kumain.

Hayy . . Sarap talaga magpahangin dito, pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin. Ganun lang ako hanggang sa natapos ang 30 minutes ko.

Matapos iyon ay bumaba na ako at pumasok sa Classroom. Pagpasok ko ay nakita ko na nandito na silang lahat. Umupo ako sa upuan ko na katabi ng kay Saveena.

"Savee bakit ang tahimik niyo nanaman? wag mong sabihin na pinagalitan nanaman kayo ni Ma'am Becky?" bahagya pa akong natawa ng sabihin ko yun.

Si Ma'am Rebeca ang aming Ass. Principal, pero gusto niyang tinatawag siyang Ma'am Becky, kahit na may iilan na ginagawa iyong katatawanan.

Nawala naman ang aking mga ngiti nang hindi manlang niya ako pinansin. Ano bang meron? Bakit ang tahimik nanaman nila? kesa sa guluhin siya ay tinigilan ko na lamang ang pakikipag-usap. Halata namang wala siyang balak makipag-usap sakin.

"Goodmorning Class!"  Bati agad sa amin ni Ma'am Ken ng makapasok siya. Literal na babae siya kahit na panlalaki ang pangalan niya, Kenneth kase ang buo pangalan niya. Siya ang Instructor namin sa 21st Century.

"Goodmorning Ma'am" balik na bati namin sa kanya na nakangiti, ginantihan niyang muli ang ngiti namin at pinaupo na kaming lahat.

"Okay sit down, before i proceed i want to tell you guys that you will have a new classmate " deretso niyang sabi, ang iba ay nagulat at ang iba naman ay parang wala lang, bigla tuloy akong nagtaka 'nung karamihan sa kanila ay tumingin kay Marvin na tila ay may sinasabi, weird.

"Okay Miss come in"

Pumasok naman ang isang babae na may mahabang buhok, maputi at makinis ang balat. May bangs din siya sa gilid at medyo kulot-kulot ang buhok nito sa bandang ibaba.

"Please introduce yourself"
Dugtong pa ni Ma'am Ken na agad namang tina-nguhan nang bago naming kaklase.

"Hi, Hello My name is Angel Abanag, 16 years Old, I'm from Makati, nice to meet you all" ngiti niyang sabi, sa ngiti palang niya halata na mabait siyang tao. Pinaupo naman siya ni Ma'am Ken sa dulo kung saan ay may bakanteng upuan, mabilis na pinuntahan yun ni Angel at umupo 'dun. After nun ay nag discuss na si Ma'am.

●●

Adee's POV

Matapos ang lesson namin kay Ma'am Mila ay nakatangap kaming lahat ng chat mula kay Marvin.

'Guys kita kita tayo sa baba. After this'

Kaya naman pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Ma'am ay nag paalam agad si Saveena kay Jasmin, sinabi niya na lang na inutusan kami ni Ma'am Mila dahil may ipapagawa ito amin, sana lang ay hindi ito magtaka kung wala siyang makitang Class 103 sa canteen kahit na isa, mukha namang naniwala si Jasmin at umakyat nang mag-isa sa itaas kung nasaan ang canteen ng school, samantalang kami naman ay bumaba ng second floor, may isa kasing kwarto 'dun na hindi na ginagamit, kaya 'dun kami pumunta para mag-usap lahat.

"Okay Guys, kung walang aamin kung sino ang nag hack nang account ni Angelo, naisip namin na ibigay niyo sa amin lahat ng acc. niyo sa facebook, titignan namin kung sino o hindi ang gumagawa ng kung ano-anong kabalustugan kagaya nang nangyari kanina" Paliwanag ni Brix na ikinagulat ng karamihan.

"LOL, kung ano-ano pakana mo e noh! Aminin mo na lang kase! Pinag-babayad na kayo sa ginawa niyo!" Sigaw naman ni Thea at binigyan ng nakakainis na tingin si Brix. Hindi ko na nagawang mag-salita, kasi this time alam kong tama si Thea. Hindi naman kami hahantong sa ganitong sitawasiyon kung hindi nila ginawa ang bagay na iyon.

"Mga gago kase kayo! pati kami dinadamay niyo!" Singhal na din ni Nikka kay Brix, napansin kong hindi nakaimik si Brix sa sigaw 'nung dalawa.

"Guys, Guys! ano ba? kaya nga tayo nandito para makapag-usap ng maayos" Singit ni Paul sa mga nagsisigawan.

Hindi naman ako makapag-isip ng maayos, walang pumapasok sa isip ko na kahit na ano, maging ako ay hindi naiintidihan kung ano ba ang nangyayari ngayon.

Napansin namin na medyo lumapit si Saveena sa harapan, kung nasaan sina Marvin at Brix.

"Guys, damay-damay na tayo dito . . . Wag na tayong mag-sisihan pwede? kasi kung magsisigawan lang tayo dito, walang mangyayari." saad niya
"Ang magagawa na lang natin ngayon ay magtulungan, kaya please . . . please lang, umayos naman tayo" dugtong pa niyang sabi.

Hindi naman sana mangayayari to, kung wala kaming tinatago. Lahat kami ay may kasalanan sa nangyari, hindi namin maikakaila yun, lahat kami sumang-ayon sa kagustuhan ng lahat, kaya ngayon . . . hindi ko din maita-tanggi na lahat kami sinisingil.

"Paano si Jasmin? paano kung malaman niya ang tungkol dito? paano kung madamay siya? e diba ka-close niyo yun?" Pag-putol ni Mark sa nakakabinging katahimikan.

"Oo nga paano siya? kanina nga nag-tataka siya kung bakit ba ang tahi-tahimik natin." may mahinang tono na pag-kakasabi ni Heidi.

Napaisip tuloy ako, paano nga kung malaman ni Jasmin yun? paano kapag nalaman niya yung sikreto namin? Baka layuan niya kami? or should i say, kamuhian niya kami.

"Kung ganun . . . isa lang ang naiisip ko, kung ayaw niyong mapahamak si Jasmin at para hindi siya madamay dito. .   Iwasan niyo siya"

H-huh? Iwasan si Jasmin?

"T-teka! Edi lalong magtataka yun!" Mabilis kong protesta, hindi naman siguro madadamay si Jasmin dito, hindi naman siya kasama noon sa nangyari. Hindi pa namin siya kaklase ng mga panahong iyon.

"E kesa naman sa madamay siya sa atin diba? Oh, Anong pipiliin mo?.b. ninyo?.. " sabi niya sa akin at tumingin na din kina Caryl at kina Jhunrey.

P-pero . . Hays, Napabuntong hininga ako at medyo napayuko, iniisip ko pa lang na lalayuan namin si Jasmin ay parang hindi ko na kaya. Siya tong walang ka alam-alam.

"Kung ganun gagawin na muna namin yang sinasabi niyo hangang sa malutas natin to" Sang ayon ni Saveena. Alam kong mahirap din to para sa kanya kase kaibigan na namin si Jasmin, pero kase . . . Para din naman to sa ikakaligtas niya.

Pagkatapos ng pag-uusap ay bumalik na kami sa classroom at umupo kaming lahat ng tahimik, sumunod namang pumasok si Jasmin, siguro kakatapos niya lang kumain. Narinig kong sinubukan niya pang kausapin si Saveena pero hindi siya inimikan nito.... mukang ito na ang simula para hindi namin siya pansinin, hindi na din niya sinubukan kausapin si Saveena, napansin niya na siguro na hindi siya kakausapin nito.

Maya maya ay pumasok na si ma'am Kenneth ang Instructor namin sa 21st.
May pinakilala siyang babae mula sa Makati, bago daw naming kaklase. Angel daw ang pangalan, nagpakilala pa ito bago umupo sa likuran kung saan may bakanteng upuan. Napansin ko din na napatingin sina Caryl kay Mavin, nakakainis lang kasi, mukhang walang makaka-close itong si Angel.

Napabuntong hinina pa ak bago nakinig sa disscussion ni ma'am. Hiling ko lang na sana matapos na ito

Pero Paano?

~*~

EDITED.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon