Chapter 14:Argument

2.8K 93 3
                                    

Jasmin's POV

Nandito na ako sa School , kahapon pagkatapos na makipag usap sa amin ng mga pulis e nahimatay ako , naaalala ko kasi yung pinag usapan namin ni Angel.

Nung oras na yun ako lang pala ang nakakita kay Genea , hindi ko alam kung bakit pero natatakot talaga ako.

"Nandito na pala ang Killer" rinig kong sabi ni Maria kasama niyang pumasok sa loob sina Thea, Veronica at Aya, nasaan si Jhorene? Bakit hindi nila kasama ?

"Omg gurl! Baka tayo na ang isunod niya!" Sabat na sabi ni Veronica na nag a-acting na natatakot .

Pinili ko na lamang na manahimik , kaming apat pa lang ang nandito e at tsaka ayoko ng away.

Nanahimik naman sina Thea at nagkwentuhan na lang hanggang sa dumating na yung iba naming kaklase. Dumating na din sina Saveena na saglit akong tinignan.

Nandito na kase ako naka upo sa tabi ni Angel e. Maya maya dumating na din siya..

"Hay naku ! Nakakaloka! Sobrang Traffic ugh!"
Agad na sabi niya pag kapasok pa lang .

Ngumiti na lang ako . At siya naman ay umupo .

"Nga pala kumusta ka na ? Nag alala ako sayo kahapon , kase ba naman First Time yun ,na makakita ako ng nahimatay" nanlalaking mata na sabi niya

"Hahaha sira , okay naman na ako , thank's"

"Hay naku, masyado yatang natutuwa ang dalawa jan !" Biglang sabi ni Maria na agad naman nakakuha ang atensyon ng lahat

Pero hindi na lang kami umimik, nakita naman namin siyang tumayo at agad na lumapit sa pwesto namin

"Ano ?! Masyado ba kayong natutuwa dahil nagtagumpay kayo sa plano niyo ?!" Saad niya.

"Teka ?! Ano bang Problema mo ?! Ke-aga-aga e akala mo naputukan ka ng tambutso sa bibig!"
nagulat naman ako ng biglang tumayo si Angel at hinarap si Maria

"Angel Tama na"

hawak ko sa kamay niya at pinipigilan siya
Pero hindi siya nag patinag at pinagpatuloy ang sinasabi

"Kung akala mong matatakot mo ako , pwes ! Ibahin mo ako, dahil wala akong kinatatakutan dito kahit isa sa inyo !"

Sigaw niya at dinuro ang lahat .

"Gel. Ano ba?" Patuloy na awat ko

"Ah Ganun! Pwe-"

"Maria Tama na !" Natigilan si Maria sa sasabihin niya ng biglang sumigaw si Rina

"Ang aga aga e !" Dugtong naman ni Adee.

Pairap na umalis si Maria sa harapan namin at umupo naman ulit si Angel sa tabi ko

"Bwesit yung Mariang yun ! Maria pa naman ang pangalan mala demonyo naman ang ugali " bulong niya.

"Ano ka ba naman , wag na natin siyang patulan"  saad ko

"Pwes !, hindi ako kagaya mo noh, hindi ako nag papa api ! lalo na sa chararat na yun" sabi niya

Natawa naman ako ng bahagya dahil sa ekspresyon nang kanyang mukha  hahahaha

Natigilan kami nang biglang pumasok sa loob ng kwarto si Ma'am Mila na parang umiiyak

"Morning Class"

"Morning Ma'am" malumanay na bati din namin

"Okay ,Sit Down" saad niya at umupo naman kami agad

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon