Chapter 46:Hopeless

2.4K 78 2
                                    

Jasmin's POV

Pinag-patuloy namin ang paglalakad,  matapos makapagpahinga kanina ay naging mabuti na ang katawan ni Jacob

"Nasaan na kaya sila ?" Wala sa wisyong tanong ko

"Kaya nga e, nag-aalala na ako , maaaring nagaya na sila sa mga nangyari sa mga kaklase niyo sa bus." Saad naman ni Jacob

Oo nga , hindi malabong mangyari yun.

"Anong oras na ?" Pagtatanong naman ni Sam at agad namang tinignan ni Jacob ang kanyang Relo

"10:36" maikling sagot nito.

Nawawala na yata kami, kaylangan na na naming mahanap sina Marvin .

Yun ay k-kung buhay pa sila.

"Thea?" Napatingin naman sa amin ang isang babae na nakita ko sa kakahuyan at narinig kong umiiyak

Napatingin naman siya sa direksiyon namin at nagmadaling tumakbo palapit sa amin

Siguro sa sobrang emosyon na nararamdaman niya ay napayakap siya sa akin.

Nasan si Aya?

"Jasmin , wala na si Aya , wala na siya" nagdadalamahating saad niya sa akin.

Ano ba talagang gusto ni Angelo? Kailangan ba talagang mamatay kaming lahat?

Inalo-alo ko naman siya at hinimas ang kanyang likod.

"Makakasama yan sa baby mo"

"Ano?!" Gulantang naman nung dalawang lalaki na kasama ko

Nakalimutan ko , hindi pa pala alam nang buong Class 103 na nagdadalang tao si Thea

"B-buntis si Thea?" tanong muli ni Sam na tila hindi makapaniwala sa narinig.

Inayos naman ni Thea ang kanyang itsura at pinahid niya ang mga luha na tumulo sa kanyang mukha

"O-oo , b-buntis ako" parang nahihiya niyang sabi

"Kung ganun ... S-sinong---"

"Sam, hindi ito ang panahon para pag-usapan yan, nanganganib tayo, at kailangan nating makaalis sa lugar na ito." Sambit ko, malamang sa malamang ay makakaramdam si Thea ng Awkwardness.

Tumango-tango na lamang siya at nauna na sa paglalakad

"Anong nangyari kay Aya?"

Tumingin siya sa akin, kita ko sa mga mata niya ang labis na kalungkutan

"S-sumapi si Angelo kay Jeffrix at ginamit niya ang katawan ni Jeff, para patayin si Aya" saad niyang muli na naiiyak nanaman

Nakakalungkot, oo dahil hindi imposibleng kami na lang ang natitira ngayon.

Pero nasaan ang iba? Sina Marvin? Sina Angel? Ano nang gagawin namin ngayon sa isang madilim na gubat?

Paul's POV

Napagpasiyahan naming bumalik na lamang sa bus kung saan naroroon ang mga kaklase namin, kinakailangan na naming makaalis dito, hihingi kami ng tulong, ngayon wala na si Jhunrey.

Sa hindi malaman na dahilan ay nakita agad namin kung saan namin iniwan ang sasakyan na ginamit.

"Bat parang ang bilis nating makabalik?" Nagtatakang sambit ni Roland.

Oo nga , bakit nga ang bilis naming makabalik dito? Halos piting oras yata kaming naghahanapan tapos halos 30 minutes lang at nakabalik kami agad ?

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon