Chapter 60: How could it be?

2.6K 70 1
                                    

Saveena's POV

Hearing that story...... Parang lalong nagbago ang pagtingin ko sa kanya , hindi na siya makatao , at maging ang kanyang pamangkin , ginamit pa niya?

"What a beautifull tragic story eh?" Pang-aasar nanaman niya sa amin. Saglit kaming natigilan nang marinig ang mga sinabi niya..

"Let's end this dramatic scene , and proceed to our last show . I will give you a time , at sa oras na iyon ay kaylangan niyo lang magtago at wag magpakita sa amin , dahil kung hindi ..... Matutulad ang kapalaran niyo sa mga yumao niyong kaklase"

Biktima lang kami dito, maging si Angelo , biktima lang din siya ... At itong lalaking nasa harapan namin ang siyang may kasalanan nang lahat.

"Bakit hindi mo pa kami patayin ngayon?! Ang dami mo pang arte e"

Napalingon naman kami sa kasamahan naming babae na nagsalita , what is she doing?!

"Angel, tumahimik na lang tayo please" nag-aalalang pakiusap ni Paul, ano ba naman kaseng nangyayari sa babaeng yan? Anong akala niya , matapos ang lahat ng pinagdaanan namin kanina sa Sitio Laging bago ay may pag-asa pa kaya kaming makaligtas sa pagkakataong ito? Thankful ako dahil nakaligtas ako sa lahat ng nangyari but this time?...... It's different. Alam naming nasa matinding panganib na talaga kami ngayon , dahil kung ang mga tao nga na pinagtangkaan niyang o
Patayin ay nagawa niyang tapusin, kami pa kaya ?

Isang malakas na tawa nanaman ang namayani sa buong 5th Floor kung saan kami naroroon , napadako naman ang tingin ko sa babaeng may hawak na baril.......Jasmin.

Ramdam ko na hindi niya din gusto ang mga nangyayari, dahil base sa mga nakikita ko sa kanya ngayon, kahit na madilim ,alam kong nanggaling siya sa matinding pag-iyak.

"Siyempre , hindi naman ako makakapayag na ang lolo lang ni Angelo ang makakapagsaya. Kaylangan ko din namang maisakatuparan ang lahat ng plano ko sa inyo, Lucky for you dahil kayo ang makakatikim nang lahat ng iyon"

"Pwe! Dami mong satsat! Kung kaya mo talaga kaming patayin ngayon gawin mo na ! May palaro-laro ka pang nalalaman e!"

"ANGEL!!!" Ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ng babaeng to?! Nilalagay niya kami lalo sa kapahamakan e , bakit ngayon pa lumabas yang kamalditahan niya?!

Hindi naman siya kumibo sa ginawa naming pagsigaw, halos lahat kami ay naitawag ang kanyang pangalan.

"HAHAHAHAHAHAHAHA talagang sinusubukan niyo ako huh? "

Sa sobrang bilis nang pangyayari ay hindi na namin namalayan ang pagtama ng bala ng baril sa katawan ni Sam na siyang naging dahilan ng pagtumba niya .

"Argh! "

"HAHAHAHAHA , Ano ? Yan ba ang gusto niyong mangyari sa inyo? Agad-agarang pagkamatay? Mabuti pa nga kayo patatakbuhin ko pa e! Samantalang sina Nikka diretsahang patay agad HAHAHAHAHA"

Napapikit ako sa galit , napakahayop niya pala talaga ! Gusto kong gulumusin ang mukha niya ! Pero sa kabilang banda ay naroon pa din naman ang takot sa akin. It's just that.... It's just that....... Wala pa kaming kayang gawin ngayon para maalis sa sitwasyon na to.
Tinutok niyang muli ang baril kay Sam na siyang napaupo sa sahig , agad namang humarang dito si Marvin

"Huwag! S-sige na, si-sige na! G-gagawin namin ang mga sinabi mo ,magtatago kami!"

Tila parang isang malaking Joke ang narinig ni Oliver(Oo Oliver lang!) Kay Marvin .

"Psh, susunod din naman pala e, then good! Let' start."

Nagmadali naman kaming pumunta sa kinaroroonan ni Sam at inalalayan naman siya nina Marvin at Paul.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon