Chapter 22:Adviser

2.9K 92 7
                                    


Jasmin's POV

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang sunod-sunod na namatay ang iba naming kaklase .

Tatlong Linggo na din ang nakalipas nang huling magpakita ang lalaking iyon, ang lalaking nag mumulto sa amin, sinabi sa akin lahat ni Marvin ang nangyari , kung paano ba namatay si Mark, pero wala naman silang ideya na namatay din pala si Renz nang mga Oras na iyon

Sinabi namin ang lahat nang nangyari , pero parang hindi naniniwala ang mga pulis, maging ang mga guro sa aming eskwelahan ay naguguluhan kung ano nga ba ang nangyari sa Section namin, kaya naman natigil ang imbitagasyon ng mga pulis.

Ikinagalit naman ito nang magulang ng mga kakase namin na binawian nang buhay , maging sila ay galit na galit sa amin.

Naniniwala sila na kami ang dahilan kung bakit ang mga ito ay namatay.

"Oy, Jas. Sabay na tayo ."

"Ahh, sige lang " kaya naman sumabay na sa akin paakyat si Jhunrey at Heidi

About naman sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pinapansin na nila ako . Basta pagkatapos nang nangyari na iyon ay nagulat na lang ako na pinapansin na kami nang buong klase , pati na din si Angel.

Pagka-akyat namin sa 5th Floor ay kapansin pansin ang ibang tingin nang mga taga ibang section.

Halos lahat sila ay parang lumalayo. After din nang nangyari iyon , nag iba na din ang tingin ng ibang istudyante sa aming mga taga Class 103

Maging ang mga Guro namin sa ibang asignatura ay parang nilalayuan kami , kung magtuturo man ay mga kalahating oras na lamang .

Tatlong Linggo na din na hindi namin nakikita si Ma'am Mila . Hindi din namin alam kung naki-libing ba siya nuong libing ng iba naming kaklase . Hindi naman kase kami naki-libing sa kahit isa sa kanila sapagkat galit sa amin ang mga magulang nila.

"Ang hirap talaga kapag artista ka" sabat ni Angel. nandito na pala siya

"Haha Sira , may artistang bang nilalayuan "- Jhunrey

Agad naman kaming pumasok sa loob ng Room namin .

"Whhoo! Natapos din ang apat na minutong kalbaryo" -Heidi

"Oyy, Heidi , Jasmin! Dali may sasabihin ako" tawag sa amin ni Caryl at agad naman kaming pumunta duon.

Caryl's POV

"Omeged!" Napabulalas ako sa pinakita sa aking litrato ni Rina

"Ano ba? Ingay mo naman!" Sabi niya sa akin.

Pinakita niya kase sa akin ang Picture ni Ma'am Mila na ibang-iba na ang itsura simula nang makita namin siya nuon.

"E kase naman , ang laki na nang pinagbago ni Ma'am " saad ko

"Na-istress yun malamang sa malamang" -Rina

Biglang may pumasok at nakita ko na pumasok sa Loob .

Iilan pa lang naman kase kami dito .

"Oyy, Heidi, Jasmin! Dali may sasabihin ako" agad kong tawag sa kanila.

Agad naman silang lumapit sa amin .

"Bakit?" Tanong ni Rey.

Agad naman naming pinakita sa kanila ang litarato ni Ma'am Mila.

At kagaya ko nagulat din naman sila.

"Saan mo naman nakuha yan?"-Jhunrey

"Edi sa Instagram" saad ni Rina.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon