Chapter 36:Concealing the Truth

2.4K 70 0
                                    

Jasmin's POV

Ito na , ito na ang oras para sabihin ko sa lahat , kung paano ba ako ginulo ng lalaking iyon, kung paano ba nabago ang buhay ko nang pumasok ako sa eskwelahan na to at napabilang sa Sekyon na to

Tinignan ko ang mga kaklase ko na tahimik lamang. Maging si Saveena ay tahimik lang din na nakaupo , nahuhuli ko siya minsang tumitingin sa akin pero agad ay binabawi niya ito.

Gusto ko na talaga malaman ang totoo.

"Ang tagal naman ni Ma'am" dinig kong sabi ni Angel.

Hindi na lamang ako sumagot.
Dahil matagal ngang dumating si ma'am Cathy.

"Pasensya na late ako " tuloy tuloy na pasok ni Ma'am Cathy .

Agad naman kaming umayos ng pag kakaupo , hindi na kami nag abala pa na bumati sa kanya.

"Okay , gaya nang napag-usapan kahapon. Pag uusapan natin ngayon ang problema ng sekyon niyong ito."

"So , i think , ready na kayong mag-open , Jasmin?"

Tawag sa akin ni Ma'am

Pumunta ako sa harapan, bakit ganun? Parang ... Parang hindi ko na alam ang sasabihin ko ?

Ilang minuto na akong nakatayo duon kaya naman hindi na maiwasang magtanong muli ni Ma'am Cathy

"Jasmin, are you okay?"

Tumango na lamang ako at huminga ng malalim

"May ...may isang lalaking laging nagpapakita sa akin."

Panimula ko , nakita ko namang nakatingin lamang silang lahat sa akin at sa tingin ko nakikinig naman sila.

"Nuong unang araw ko dito sa eskwelahan , kung naaalala niyo na napasigaw ako , duon nag simula ang lahat... Y-yung lalaking yun, nag pakita din siya nung araw na yun.. "

Halata ang gulat sa kanilang mga tingin.

"Nuong una , lagi akong nababangungot, tapos....yun nga.. Nuong unang araw ko dito.... Nagulat ako na... Totoo siya "

Hindi ko alam pero naiiyak ako , tahimik lang ang lahat . Halata na hindi sila makapaniwala sa mga naririnig nila.

" may dumating pa ngang pagkakataon na nabangungot nanaman ako , at duon ko nalaman na , gusto akong patayin ng lalaking iyon, kaya pala.. Kaya pala lagi siyang nagpapakita sa akin"

Tuluyan na akong naiyak....

Saveena's POV

Hindi ko alam... Hindi ko alam na All this time , nararanasan na pala ni Jasmin ang mga iyon.

Mas malala pa pala ang nararanasan niya .

"It's okay Jasmin, you can sit now."

Nakita ko namang bumalik na si Jasmin sa upuan niya at hinagod ni Angel ang kanyang likod.

Kung ganun , matagal na palang nag papakita sa kanya si Angelo.

Pero bakit?? Bakit niya dinadamay ang ibang tao dito ?? Pero kung matagal na rin pala siyang gustong patayin ni Angelo, paano siya nakakaligtas ? Samantalang sina Brix...

"Saveena"

"P-po?"

Tinatawag na pala ako ni Ma'am

"Pwede mo bang ikwento sa amin ang side mo? At kung bakit ayaw mong may makaalam nito?"

Huminga din ako ng malalim at pumunta sa harapan

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon