Chapter 50:Behind the truth

2.2K 73 2
                                    

Paul's POV

Nakatingin lang kami kay Angel ngayon , nakapikit siya at nakahawak pa din sa ulo ng bangkay.

"A-anong nangyayari sa kanya"
Pagtatanong ni Thea.

"Wala din akong Ideya" saad naman ni Sam.

Halos 25 minutes na siyang nakaganun. Alam kong hindi siya nagdarasal.

Natigilan naman kami ng bigla siyang nagpakita ng emosyon nang pagka-gulat . Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na yakapin siya at ilayo siya sa Bangkay

Pareho naman kaming napahiga sa sahig.

"Argh, a-aray!"

"A-ayos ka lang ba ?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Anong nangyari ? " tumingin sa amin si Angel na hinahabol ang kanyang pag hinga.

Lumunok siya at napapikit bago muli siyang tumingin sa amin at tsaka nagsalita.

"T-tama ang hinala ko"

Anong hinala ?

"Na ano?" Puno na siguro sila ng kuryusidad. Maging ako din naman ay nag ku-curious na pero..parang kinakabahan ako sa kung ano ang natuklasan niya

"T-tama ako , n-na may kaugnayan nga ang pagkamatay ni Angelo sa pagkamatay ng teacher niyo"

Ano?! M-may kaugnayan ?!

Gusto kong matawa , pero hindi ko magawa dahil mukha naman talaga siyang seryoso.

Pero paanong may kaugnayan ?

"P-pero, paano mo nasabi ?"

Tanong kong muli

"Hindi ba't sabi mo sa akin , nahuli na ang pumatay sa teacher niyo noon?"

Tumango ako sa kanya , dahil sa pagkakatanda ko , nahuli naman na talaga .

"You mean , si Ma'am Tyne ?"

Pagtatanong ni Thea.

"Oo , yung pumatay sa kanya , hindi ba't nahuli na?" Tanong niya sa aming lahat .

"Oo" sagot na din ni Thea.

"I-ilan ba yung suspect dun?"

Pagtatanong muli ni Angel

"Isa lang, isang lang naman talaga yun "

sagot naman ni Sam

Napatingin ako kay Angel, bakit niya naman tinatanong?

"S-sigurado ba kayo?"

Pagtatanong niyang muli.

Tumango na lang ulit kami .

"Sa tingin ko , hindi pa tapos ang kaso, d-dahil hindi lang isa ang pumatay kay Ma'am Tyne , k-kundi dalawa"

Nanlaki nanaman ang mata ko .
Imposible!

"Paano mo nalaman Angel? Hinawakan mo lang naman yung bangkay , paano mo nasasabi ang mga iyan?"

Pagtatanong naman ni Thea
Natahimik siyang saglit bago magsalit ulit .

"Tignan niyo , hindi ba't pupunta na dapat tayo sa kung saan ang probinsiya ni Angelo ? Para humingi ng tawad? Hindi niyo ba naisip na , bakit niya to ginagawa ? E hihingi na nga tayo ng tawad "

Oo nga , dapat hinahayaan na kami ngayon ni Angelo kung iyon naman talaga ang kagustuhan niya.

"Kung ganun, anong gusto mong iparating?"

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon