Chapter 57: Angelo

2.4K 60 0
                                    

Third Person POV

Marami ang nagulat sa naging balita na patay na si Ms. Tyne lalo na't natapuan ang bangkay nito sa Facualty Room.

Nabahala ang lahat sa nangyari at kinabahan sapagkat iniisip nila kung bakit ito pinatay ,kilala din kase itong bilang isang mabuting guro.

Naging usap-usapan sa buong eskwelahan ang nangyari sa guro maging ang bawat klase ay nabahala.

"Grabe nakakaawa naman si Ma'am Tyne "

Mga halimbawa na maririnig sa lugar na iyon.

Ngunit may isang istudyante na tahimik lamang at hindi alam ang gagawin , hindi siya pinatulog nang pangyayari.

Dumaan ang isang araw na hindi pa din natatapos ang imbestigasyon, hindi nila matukoy kung sino ba ang pumatay sapagkat wala pang mga CCTV camera nung mga araw na iyon sa pinangyarihan nang krimen. Hindi din nagkaroon ng regular na klase nang mga panahon na iyon kaya maagang pinauwi ang mga istudyante .

"Grabe nakakalungkot naman ang nangyari kay Ma'am Tyne , kahit na kailan lang natin siya nakilala ay halata naman na mabuti talaga siyang tao" wala sa sarili na saad ni Bunny , kasalukuyan kase siyang kumakain sa canteen kasama ang ibang mga kaklase.

"Oyy, ano ? Okay ka lang ba ?" Patawag niya sa kanyang katabi na si Angelo , kanina pa kase siya nagsasalita pero kanina pa din itong walang imik.

"H-Ha? Ah.. Oo ang hirap nga nga statistic natin kanina, i wonder kung bakit hindi maayos na nagturo si Ma'am Mila"

Kumunot naman ang noo ni Bunny at nakumpirma na hindi nga nakikinig sa kanya ang kanyang kasama.

"Baliw! Ang sinasabi ko yung tungkol kay Ma'am Tyne, anong Statistic? E wala namang nag lesson ngayon"

"A-ah Oo nga pala ! Ha-ha., any way n-nakalimutan ko may tatapusin pa pala akong assignment sa Understanding mauna na ako"

Nagmadali naman itong nag-ayos ng gamit at iniwan ang pagkain na halos hindi pa nagagalaw.

"Anong nangyari dun? At anong assignment? E wala ngang nag-lesson kanina, weird... Okay lang kaya siya?"

Tumingin siyang muli sa daan na tinahak ni Angelo at napalaki ang kanyang mata sa kanyang nakita.

Samantala ,umakyat naman si Angelo sa Rooftop kung saan naganap ang nangyari , nabalitaan niya din kase na ililipat ang Facualty Room sa ibang kwarto .

Hindi niya kase kanyang manahimik lalo na't hindi talaga siya pinatulog ng pangyayari.

Umakyat siya roon at nakita naman niya ang taong nais niyang makita, ang taong pumatay sa kanyang guro sa Web Programming.

"Ahm. Sir pwede ba tayong mag-usap?"

Pagtawag niya sa pansin ng kanyang guro at ngumiti naman ito sa kanya , kung tutuosin ay wala sa mukha nito ang gumawa ng isang bagay na katulad nang nakita niya kagabi

"Oh ikaw si......?"

"Angelo po sir , Angelo po ng Class 103"

"Uhmm, okay ano yun? "

Luminga-linga muna siya sa paligid at tinignan kung may mga tao ba.

"Importante ba yan? Wag kang mag-alala walang tao ngayon dito , naglilipat na kase ang mga teachers nang mga gamit sa ibaba, duon na ang bagong Facualty Room ngayon."

Saad nito habang inaayos ang mga gamit niya sa kahon.

"Alam ko po ang totoo"

Natigilan naman si Mr.Oliver nang marinig niya ang sinabi ni ni Angelo.
May pakiramdam na siya kung ano tinutukoy nito pero mas pinili niyang ngumiti na lamang at umaktong hindi niya alam ang sinsabi nito , ngumiti siyang muli sa binata at humarap "Anong totoo?"

"Ang totoo na kayo ang nagpapatay kay Ms. Tyne" dere-deretso nitong saad. Hindi niya din alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob na sabihin ito .

"Nasa Facualty Room ako kahapon , dito mismo."

Tuluyan nang naglaho ang ngiti ni Mr. Oliver at napalitan na ito ng pagkabahala, napayuko siya at muli hinarap ang lalaki, nagmadali siyang lumapit duon at hinawakan sa magkabilang balikat.

"H-hindi mo alam ang bu-buong kwento, m-mali ang iniisip mo! P-please w-wag mo akong i-isumbong sa mga pulis" puno ng pagmamakaawa na pakiusap niya kay Angelo.

Natahimik naman ang binata at muling hinarap ang guro "Hindi po ako mag-susumbong sa mga pulis , dahil dapat ...... Ikaw po mismo ang kusang sumuko"

"H-Hindi! Kasalanan niya iyon!"

"Sir, Kahit na ano pa ang dahilan niyo , hindi niyo dapat siya binawian sa pagpatay sa kanya"

Nanahimik si Mr. Oliver na tila hindi makapaniwala sa narinig , naisip niya na heto nanaman siya nakikiusap nanaman pero hindi na sa kapwa guro kundi sa isang istudyante.

Tila natuyo ang kanyang lalamunan at tuluyan na siyang iniwan ni Angelo na nakatayo duon pero bago siya tuluyang lumabas ay may sinabi pa siya dito.

"Kung hindi po kayo kusang susuko , mag-pasensiyahan na lang po tayo."

Nanlaki sa galit ang mga mata ni Mr. Oliver , ang ayaw niya sa lahat ay bina-black mail siya o kaya naman ay tinatakot.

Kaya't nasabi niya sa kanyang isip na kung kinakailangan niya ulit pumatay para manatiling lihim ang lahat ay gagawin niya.

Bumalik naman si Angelo sa Classroom nila at muling naupo sa kanyang upuan. Natahimik siyang muli habang iniisip kung mapapa suko niya si Mr. Oliver , hindi niya rin kase kayang mag sumbong sa mga pulis dahil na rin sa nabalitaan nila kani-kanina lang na nahuli na ang pumatay sa guro nila .

Pero nagtataka siya na kung bakit inamin nito lahat nang ginawang krimen.

Inayos agad ni Angelo ang kanyang mga gamit sapagkat uwian na , inaya pa siya ni Ejay na sabay ng umuwi pero tinanggihan niya ito , nakatanggap naman siya ng tawag na nagmula sa unknown no. Kaya naman ay sinagot niya na rin ito

"Hello" panimulang bati niya sa kabilang linya , pero nagulat siya nang marinig kung sino ang tumawag sa kanya , lubos din siyang nagtaka, sapagkat iniisip niya kung paano nakuha ng taong ito ang kanyang cellphone no.

"Angelo , si Sir.Oliver mo ito , pwede ba tayo mag-usap?"

"Wala po akong oras" mabilis niyang sagot , sapagkat alam niyang makikiusap nanaman ito.

"Sige na Angelo, pagbigyan mo ako, makinig ka sa akin. Hindi ko kasalanan yun! Tinakot niya ako! Kaya nagawa ko ang bagay na iyon!"

"Hindi ko po alam, k-kase m-mali po yung ginawa niyo"

Muli ay nagulat si Mr. Oliver sa naging sagot nang binata kaya naman ay namuo nanaman ang galit sa kanyang dib-dib.

"Makinig ka Sa akin! Wa---"

"pasensiya na po , ibababa ko na"

At pinutol na ni Angelo ang linya . Samantala ay nag ngit-ngit sa galit si Mr. Oliver , kinuha niyang muli ang telepono at dina-ial ang isang numero

"Sige , ituloy niyo na ang plano".

Itutuloy...

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon