Chapter 25:Behind The Story

2.5K 94 4
                                    


Third Person's POV

Magbabayad na sana si Ej nang magulat siya sa nakita niya

Ang driver na aabutan sana niya ng bayad ay hindi ang driver na nakita niya kanina kundi ang isang lalaki

Ito ang Lalaking nagpakita sa School nila , tatlong linggo na ang nakakalipas . Ang lalaking pumatay sa kanyang mga kaklase!

Ang lalaking walang mata !

Mabilis na kinalibutan si Ej , at mas lalo siyang nagulat nang makita niya sa tabi niya ang kanyang namayapang kaklase na sina Jhorene, Genea,Renz, at Mark. Na nakatingin sa kanya na wala ding mata at umiiyak ng dugo .

Sa sobrang kaba ay agad siyang nag-sisigaw at pinagpilitang buksan ang pintuan ngunit naramdaman niyang hinawakan siya ng mga ito sa braso na siyang lalong nag pa kumbinsi sa kanyang sarili na buksan ang pintuan ng Fx.

Samantala ang mga pasahero na kasama ni Ej ay nagtataka kung bakit ito nag sisigaw , at nagulat silang lahat nang pinapilitang buksan ng binata ang pintuan ng Fx

Kaya hinawakan ng isang ale ang braso ng binata , ngunit dahil sa malakas ang binata ay nabuksan nito ang pintuan at agad ay nahulog ito sa kalsada habang patuloy pa ding umaandar ang Fx.

Huminto ang sasakyan at nag babaan ang mga pasahero, pati na din ang driver at lalapitan na sana nila si Ej , nang tumayo ito ay tumingin sa kanila na wari mo ay takot na takot at may tinatakbuhan, sinikap nitong tumayo kahit na nahihirapan at nag-simulang tumakbo .

Nabigla ang lahat at ang iba naman ay nag-sitilian sa mga sumunod na nangyari

Sapagkat , sa pagtakbo ni Ej ay hindi na niya namalayan na may paparating na palang Bus.

Marvin's POV

SCHOOL

Lahat kami ay nasa Room namin ngayon at nababalot nanaman kami ng katahimikan dahil sa nangyari kay Ej .

Sa katunayan nga e wala pa akong tulog , maging sina Saveena , Michael, at Harreson

Kaya naman ay tulog si Harreson at Michael, samantala si Saveena ay tulala at tahimik.

Maya maya ay dumating na ang guro namin na si Ms.Cath .

"Okay , nabalitaan ko ang nangyari sa isa niyong kaklase ."

Sabi niya at tumigil ng kaunti .

Nakita naming nag buntong hininga siya tsaka umupo sa sa upuan

"Alam kong , bago pa lamang ako dito , kaya naman ay naguguluhan ako sa mga usap-usapan sa Facualty na may sumpa daw ang Section ninyo"

Tuloy tuloy na saad niya .

"Any way, as your adviser kinuha ko lahat ng Information ni Cortez , at nakausap ko na din ang mga magulang niya , babalik sila dito sa bansa para sa burol ng anak nila." Dugtong ni ma'am

Tahimik pa din kaming lahat at walang umiimik .

"Okay , so now , mag le-lesson lang ako saglit at i di-dimiss ko agad kayo " sabi ni Ma'am Cath.

Third Person's POV

FLASHBACK

Kararating lang ni Ms. Cath at dumeretso agad siya sa Facualty upang kunin ang mga gamit niya

Sa katunayan ay excited siyang magturo ngayon, sapagkat ito ang pangalawang beses na makikita niya ang kanyang klase.

"Kaya nga e, sa palagay ko talaga may Sumpa yung section na yun!"- Teacher Avy

"Nung nakaraang buwan nga apat ang namatay sa klase nila tapos ngayon may namatay nanaman !, nakakatakot na talaga"-Teacher Ada

"Kaya nga hindi ko na pinapasukan yang Class 103 na yan e , baka mamaya mapahamak pa ako"- Teacher Cess.

Lalabas na sana siya ng Facualty Room ng bigla niyang narinig na ang Advisory Class niya pala ang pinag-uusapan ng mga Co-Teacher's niya .

"Ahm , ma'am sandali lang po? Yung Class 103 po ba ang tinutukoy niyong malas?" Tanong nito ng marahan

"Hay naku ma'am !, Oo! Malas ang section na yun , alam mo bang apat na ang namatay duon nung nakaraang buwan ? Tapos kagabi ay may namatay nanamang isa!" Pagpapaliwanag ni Ms. Avy .

Nagulat siya sa tinuran ng babae , lalo na't hindi niya alam na may namatay pala sa mga klase niya kagabi . Pero hindi niya ito pinahalata at tsaka tumingin muli sa mga guro at ang salita

"Mawalang galang na po ? Pero sa pag kakaalam ko , binabayaran tayo dito para mag turo , hindi para pag usapan ang mga istudyante . So excuse me , pupuntahan ko na ang klase ko"

Nakangiti pero may pag ka- sarkastikong saad ni Ms. Cath at agad ay lumabas ng Facualty Room

Siya namang pasok ni Mr. Oliver

"Oh ? , anong nangyari duon?"
Tanong nito .
"Hmph!, ke-bago bago e. Akala mo kung sino na ?! "-Ms.Cess

"E bakit ba ?"-Mr.Oliver

"Sinasabi lang naman namin na mag-ingat siya sa Class 103 , kase nga malas yun, e kung ano ano mga sinabi sa amin"- Ms.Ada

Para namang nagulat si Mr.Oliver sa sinabi ng mga ito.

"Ahm kase ma'am. Mukhang hindi naman talaga tama na sabihin niyo yun sa kanya . Lalo na't advisory niya ang klaseng iyon" paliwanag ni Mr.Oliver

Na siyan namang ikinagulat ng mga guro .

-----------

A.N: Kamusta :) , pasensya na sa matagal na Update , masyadong masipag para mag-aral e Huehue.

Keep on Reading guys :)

Support! Support! Vote ! 😂😂

Nag-aral,Nag-Exam,Nag-update.

Lols. hahahahaha :)

Annyeongg!









CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon