Chapter 55: Bait

2.4K 62 2
                                    

Jasmin's POV

Tumakbo kami hanggang sa makakaya namin .

Matapos na tumawag ang lola ni Nikka sa amin ay hindi na natigil ang pagluha ni Thea

"Thea , tigil na okay? Everything will be okay "

Pero hindi siya sumagot sa sinabi ni Sam , ni hindi din siya tumingin dito .

Maging ako ay kinakabahan, hindi lang dahil sa nawala na si Nikka kundi dahil sa iniisip ko na may kinalaman nga dito si Tito .

"N-nasaan po si Nikka?"

Humihikbing tanong ni Thea nang nilapitan niya ang isang matanda , sa tingin ko ito na nga ang lola ni Nikka.

Sa mukha pa lang nito ay halata na galing ito sa pag-iyak.

"Nasa morgue na siya hija , hindi ko alam kung paano nangyari to, iniwan ko siya ng maayos diyan tapos....tapos......wala na ang apo ko"

Muli ay tumangis ang matanda.

Nanatili lamang kaming nakatayo , hindi namin alam kung ano ire-react ,maging ang ibang mga tao ay nagtitinginan na sa amin dahil sa iyak nang matanda at dahil na din sa hitsura namin na kagagaling lang sa patayan.

"Sino po ang pumatay kay Nikka?"

"Tinitignan pa ngayon ang CCTV para malaman kung sino ang pumasok sa kwarto niya"

Pero sabi ni Thea kanina, kasama ni Nikka si Tito .... At sinabi din ni Angel na..

"Excuse me ma'am?"

Base sa suot ng mga ito ay sila qng pulis na nag iimbestigasyon dito.

"May kakilala po ba kayo na lalaki ? O kaibigan nang biktima ? Kase siya lang huling lalaki na pumasok at lumabas sa kwarto ng apo niyo"

Dugtong nito.

"W-wala po , ako lamang ang pamilya ng apo ko." Lumuluha niting sagot.

Lalong nanikip ang aking dib-dib.
Hindi nga kaya... No! Hindi si Tito yun!

Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang usapan at umalis na lugar na iyon, narinig ko pang tinawag ako nina Jacob pero hindi ko na sila nilingon pa.

Sumakay ako agad ng trycicle at sinabi ang aming address

Pagkababa ko pa lang sa tapat ng bahay namin at tinakbo ko na ang bahay at agad na binuksan iyon

Duon ay nakita ko si Lola na nag-tutupi ng mga damit at si mama na nakaupo sa upuan na kausap ang isang lalaki.

Ang lalaking tumulong sa akin para makapasok sa eskwelahan at sa Class 103.

"Oh Jasmin, nandiyan ka na pal--"

Hindi na natapos pa ni mama ang kanyang sasabihin dahil siguro sa nakita niya ang hitsura ko

"Apo! Anong nangyari sa iyo, bakit may mga dugo ka ?!"

"Anak, ayos ka lang ba?"

Unti-unti kong ginalaw ang ulo ko at tumango.

"N-naglaro po kase k-kami"

"Naku , kayo talagang mga bata kayo, oh nga pala , ano nang nangyari sa lakad niyo ? Nakausap niyo na ba ang pamilya ng kaklase niyo ?"

Napalitan nanaman ng pag-aalala ang tono ni Mama.

Bagkus na sagutin siya ay nalipat ang paningin ko kay Tito

Nakatingin din siya sa akin at nakangiti , by seeing him now parang ang hirap isipin na pumatay siya.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon