Chapter 47:Dead

2.3K 71 0
                                    

Saveena's POV

Hindi ako makapaniwala. Akala ko...akala ko si Jhunrey lang ang nawala sa amin. Pero... Pati pala ang mga kaklase namin na naiwan dito ay napahamak din.

Mukhang sobrang dami nang nangyari kanina ..

Kaya naman hindi ko nanaman napigilang umiyak.

Natigilan kami nang bigla kaming nakarinig nang isang sigaw.

"S-sino kaya yun?" Bakas ang takot na saad ni Angel

"Tara puntahan natin"

Ano?! Nababaliw na ba siya ?

"What?! Hindi mo ba iniisip na baka tayo naman ang mapahamak Paul ?!" Nangangalaiti kong saad .

Muntika-muntikan na ako kanina, at akala ko talaga hindi na ako maliligtas pa .

"E ikaw ! Hindi mo ba naiisip ang mga kaklase natin na ngayon ay nasa kalagayan mo lang kanina na nais makaligtas!? Hindi ba dapat tulungan din natin sila gaya ng ginawa naming pagtulong sayo !" Sambit niya na halos ipamukha sa akin ang mga ginawa nila

Oo, sobra-sobra ang pasasalamat ko dahil..kung hindi sila dumating baka maaring wala na ako ngayon.

Pero naiisip ko naman na baka mabalewala lang din ang pagkaligtas sa akin kung ilalagay ko nanaman sa peligro ang buhay ko ..

Nanatili akong tahimik, kahit labag sa kalooban ko ay alam kong tama ang mga sinabi ni Paul.

"Kung ayaw mong sumama , bahala ka !" Saad niya at naglakad na patalikod. Nakita ko din na tumayo na sina Angel at sumunod sa daan kung saan pumaroon si Paul

No. T-tama sila. All this time. Naging Selfish ako. Dahil sa pinagpipiltan kong itago ang katotohanan ay napahamak ang iba naming mga kaklase.  I know , everything happens for a reason

"Sandali."

Napahinto naman sila nang bahagya at tumingin sa akin si Roland at Angel samantalang nakatalikod pa din at walang kibo si Marvin at Paul.

"Sasama na ako" saad ko at nagsimula na ding maglakad kung saan sila naroroon.

Jasmin's POV

"AAAAAHHHH"

Napahinto kami saglit at nagkatinginan kaming lahat .

"Kailangan na nating magmadali" saad ni Sam"

Kaya naman mabilis naming pinagpatuloy ang paglalakad.

"Tahan na Thea" saad ko naman sa babaeng kasabay ko sa paglalakad.

"Natatakot ako Jasmin, natatakot sa mga maaring mangyari sa atin."
Sagot niya

"Sandali" napatingin ako kay Jacob na siyang nagsalita at natuon naman ang pansin ko sa isang bahay na tinitignan niya.

T-Teka.. Paanong...

"May bahay dito?" Nagtatakang saad ni Thea

Akma na sana silang paroroon kung nasaan ang pintuan nang biglang kaming napasigaw ni Sam

"Wag!"

Lumingon sila sa amin na puno ng pagtataka

"W-wag, k-kase may multo diyan" nanginginig na saad ko.

"Nakita namin jan si Ma'am Tyne, Thea"  dugtong naman ni Sam

Para namang utomatikong naglakad pabalik si Thea kung saan kami naroroon ni Sam

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon