Chapter 44:Inside

2.3K 76 4
                                    

Jasmin's POV

Nagpatuloy kami sa pagtahak nang aming nadaanan kanina, pero walang Paul at Angel kaming nakita.

"S-saglit lang, p-parang ... Yun yung Bus natin!" Masayang saad muli ni Sam kaya't napatingin kami sa tinuturo niya, oo nga yun nga yung Bus , agad naman kaming pumunta duon

Nasa loob siguro silang lahat .kumatok ako sa Glass Door dahil nakasara ito .

At maya-maya pa ay nabukasan na din, agad na pumasok si Rina

At natigil kami sa pagpasok ni Sam nang makita naming napatigil din siya. T-teka ? B-bakit umiiyak si A-Adee??

"A-anong nangyayari dito?" Pagtatanong ni Rina na halatang naguguluhan sa nangyayari.

Nagulat naman ako ng biglang may lalaking yumakap sa akin, t-teka anong ginagawa niya ?!

"Ahm insan?" Tawag ni Sam sa pinsan niyang si Jacob , dali din naman iting kumalas sa pagkakayakap sa akin

"Ay, s-sorry a-akla ko ikaw s-si Pinasan" hindi ko na iyon binigyang pansin pa , baka nga akala niya ako si Sam, agad kong inikot ang aking mga mata .

Si Kuya Max, bakit nakatali siya??

Ngunit napatigil ulit kaming lahat nang marinig namin na sumigaw silang lahat sa bandang likuran ng bus .

"M-Mae, a-ako t-to s-si C-caryl"

Nanlaki ang mga mata namin nina Adee nang makita si Mae na nililigti si Caryl gamit ang isang kamay kaya naman napaatras ang iba naming mga kaklase papunta sa kinaroroonan namin

"Mamatay ka!" Saad niya at agad niyang itinusok ang hawak na gunting sa ulo ni Caryl!

"CARYYYLLLLLL" sigaw ni Heidi na siya namang ikinatakbo palabas nang iba naming mga kakalase

Anong nangyayari?! P-paano nangyari iyon ? Dahil sa pagtatakbuhan nila palabas ay napatumba ako sa sahig ,nasa may pintuan pa kase ako kanina, at agad kong naramdaman ang mga paa nang mga kaklase kong nag mamadaling lumabas , naramdaman ko namang may yumakap sa akin kaya naman hindi na ako nasasagi at natatamaan ng mga kaklase ko.

"J-jacob"

"A-ayos ka lang ba?"

"Siraulo ka ba ? Ikaw nga ton---Jacob!!" Napahiga siya sa sahig.

"Insan!" Pumunta na din sa kinalalagyan namin si Sam.

"Insan!, insan! Gumising ka Insan!" Natatarantang saad nito.

Napaungol naman si Jacob dahil na din siguro sa sakit ng kanyang likod.

"Tayo na Jasmin! Kaylangan na nating makaalis dito"

Sabi niya at inalalayang makatayo si Jacob

"Adee ! Halika na ! " napako naman ang tingin ko sa loob ng bus at nakita ko duon si Rina na pilit hinhila si Adee papalabas ng bus , pero hindi ito matinag na tila ay na statwa na sa nakita.

"Adee ano ba ?!"

Pero hindi pa din ito umalis sa kinalalagyan niya

Lalabas na sana si Rina ng biglang nagsarado ang pintuan at pinipilit niya itong buksan.

Pinalo-palo niya pa ito na akala mo e mabubuksan niya ito sa ganoong paraan.

Nakikita ko sa mga pagbukas ng labi niya ang mga sinasabi niyang salita

"Tulungan mo ako Jasmin" mangiyak ngiyak na saad niya sa loob.

Pero wala akong magawa , agad namang nanlaki ang mata ko nang makita ko na papalapit na mula sa kanyang likod ang lalaking walang mata , s-si Angelo.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon