Chapter 18:Protection

2.6K 115 10
                                    


Jasmin's POV

Nandito lang kami ni Angel sa labas ng Room ni Thea , dumating na din kase ang Mama niya . Si Ma'am Mila naman umalis na at bumalik na sa School .

Siguro ay para asikasuhin ang buong klase .

"Hija , aalis lang kami saglit ha ? Kukuha lang kami ng mga damit ni Thea "

Sabi sa amin ng kanyang Mama

"Kung pwede kayo muna ang mag bantay , pwede ba ?" Pakikiusap nito .

Tumango naman kami ni Angel at tsaka pumasok sa loob .

"Ka-kamusta ka na ?" Tanong ko

Nilihis niya lamang ang kanyang tingin at tsaka hindi ako pinansin

"Alam mo Thea , wag ka nang mag inarte ! Pasalamat ka pinagtitiyagaan ka pa namin e!" Pasigaw na sabi ni Angel.

Tinignan ko naman siya nang masama.

"Gel!?" Ma otoridad na pansin ko sa kanya.

Nakita ko naman na nananahimik siya

Naupo naman ako sa gilid nang kama kung saan nakahiga si Thea .

"Thea , alam kong alam mo na hindi kami ang may gawa sayo nito" mahinahon na sabi ko

Pero nanatili lamang siyang tahimik

"Kaya sana, hindi mo na din kami sisihin sa mga nangyayari"

Pero nananatili pa din siyang tahimik at nakatingin sa gilid.

"The-Thea, na-nakita mo din ba si-siya?"

Sinabi ko yun kahit na hindi ako sigurado kung yung lalaki ba na yun ang may kagagawan nito sa kanila

Pero , nagulat ako nang unti-unti ay tumingin sa akin si Thea na gulat na gulat

"A-anong i-ibig mong sa-sabihin?" Saad niya

"Thea, yung Lalaki , yung lalaki, si-siya ba ang may kagagawan nito sa inyo?" Tanong ko na kinakabahan .

Pero binaling niyang muli ang kanyang ulo sa dati niyang tinitignan , pero nararamdaman ko na natatakot siya.

"Thea sa-sag---"

"HINDI!, WALA! Please Jasmin! Umalis na kayo ! Please!" Sigaw niya .

Lumabas naman kami ni Angel agad , kesa sa pag sigawin namin siya , e alam naman naming may dinadala siya.

"Psh, napakaarte naman nang buntis na yun " mataray na sabi ni Angel

"Hayaan mo na siya Angel, kaylangan kong malaman kung anong gusto ng lalaking yun" sabi ko sa kanya.

"But, i don't think so na tama ang gagawin mong sabihin kina Saveena ang mga napagdaanan mo sa lalaking yun, I mean , yung koneksyon ng lalaking yun sa iyo at sa mga nangyayari sa Klase natin, Hindi mo ba naisip na , baka mas lalong ikaw ang sisihin nila ? Dahil baka isipin nila na , ikaw nga talaga ang nag dadala ng malas sa Section natin" mahabang paliwanag niya.

Oo nga, tama nga si Angel. Baka mas lalong ako ang pag-initan nila , pero? Paano ko naman malalaman kung bakit ito ginagawa ng Lalaking iyon?

Naaalala ko tuloy yung sinabi ni Lola , kaylangan ko daw malaman kung bakit gusto akong patayin ng Lalaking yun . Pero....Paano ?

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang bigla kaming nakarinig ng isang sigaw na nag mumula sa kwarto ni Thea.

Thea's POV

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon