Chapter 54: Wrong Thoughts?

2.3K 79 6
                                    

Jasmin's POV

"Walang darating na tulong , dahil nasa Panganib si Nikka!"

Saglit kaming natahimik at nagkatinginan sa isa't-isa

"What are you talking about? Nakausap ko na nga si Nikka at hihingi nga siya ng tulong , and just to remind you , tayo ang nasa panganib at hindi siya"

Tila walang narinig si Angel sa mga sinabi ni Thea .

Ano bang nangyayari sa kanya ? Well tama naman si Thea na nasa panganib nga kami kanina pero sa tingin ko hindi na ngayon.

--Flashback--

Nagulat kami ni Thea nang napasigaw si Saveena .

"Anong nangyayari ? "

"H-hindi ko ala--"

Mukhang hindi na kaylangan pang tapusin ni Thea ang kanyang isasagot , sapagkat nakikita na din namin kung ano ang dahilan ng pagkabahala nila .

Naririnig ko ang mabilis na pagbuntong hininga ni Thea , siguradong kinakabahan na din siya .

Lalong nadagdagan ang aking kaba nang mawala na ang ilaw na sumusuporta sa amin para makakita , ang ilaw ng cellphone ni Thea.

Nadinig namin ang pagsigaw nina Saveena na siya din namang pagsigaw ni Thea , kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon ay baka nasampal ko na siya , dahil sa pagkagulat ko .

"Come on Jasmin! Tumayo ka na jan"

Inalalayan niya akong tumayo kahit na hindi na namin makita ang isa't-isa at ang mga nangyayari sa loob ng bahay , basta nariring namin ang mga tunog ng pagtakbo nila .

Kahit na kabang-kaba ay binilasan ko ang pagtayo at nasimula na ding tumakbo habang hawak-hawak ni Thea ang kamay ko!

Natigilan kami nang may tumapat na ilaw sa aming mukha at kasunod nito ang isang malakas na pagsigaw.

No! M-may nangyari nanaman ba?!

"Ako to si Marvin!" Bakas din sa kanya ang takot dahil na din sa butil ng mga pawis na makikita mo. Mabuti na lamang at nakuha niyang muli ang cellphone ni Thea

Luminga-linga kami sa paligid kasabay ng pag ilaw niya sa kabuuan ng bahay na ito at kusang nanlaki ang aming mga mata nang makita namin na nakalutang sa ere ang walang malay na katawan ni Angel!

"Angel!"

Hindi naman siguro siya nawalan ng buhay diba ?! N-no! Hindi to pwede ! Hindi pwedeng may mawala nanaman sa amin!

Agad kaming pumunta duon kung nasaan malapit ang kanyang nakalutang na katawan

Sa hindi malaman na dahilan ay biglang nagbukas ang mga nakasaradong bintana at umihip ang isang napakalas na hangin, na siya namang nagpadagdag sa kaba na aming nararamdaman .

"What's happening!?"

Wait? Bakit lumutang din ang bangkay ni Angelo?!

Wala pa ding malay si Angel at nakalutang siya na parang nakapako sa krus .

Maging ang bangkay ni Angelo ay ganun din.

"Hindi to maganda ! Kaylangan nating pigilan iyan"

Hindi man namin alam kung bakit peto dama din namin na kaylangan nga namin tong pigilan

"Marvin! Sa tingin ko ngayon na natin kaylangan ang Holy Water !"

Halos pasigaw na saad ni Saveena.
Lumakas kase lalo ang hangin na para bang may bagyo !

Pahakbang na si Marvin nang bigla namang gumalaw ang isang mallit na mesa at hinarangan ang daan niya .

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon