Chapter 56: Real Motive

2.4K 65 0
                                    

Saveena's POV

Dahan dahan naming itinahak ang loob ng gusali nang aming paaralan.

Wala kaming makita dahil na din sa kadiliman.

"Nasan na ba si Jasmin? Sana naman sinundo niya tayo dito"

"Wag ka nang magreklamo Thea , pwede ?"

"Hindi ako nagrereklamo!"

"Ssssshhhhhh!"

Natigilan naman sila ng sa pagtatalo ni Sam nang  sawayin naman sila ni Marvin.

Psh. Sobrang tatanda na ,mga isip bata pa din.

Nasa ikalimang palapag na kami pero wala pa ding Jasmin ang nagpapakita sa amin.

Nandito ba talaga siya? Kase kahit sa Room namin ay wala namang ilaw na nakikita , tanging mga ilaw lamang nang aming mga cellphone ang siyang nagbibigay nang ilaw sa aming dinaraanan

"Nandito na pala kayo"

Jusko! Nagulat naman ako dun, este kami pala , dahan-dahan kaming naglalakad ng biglang nagsalita si Jasmin sa aming likuran

"J-Jas.."

Saglit kaming natigilan na para bang hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi rin naman siya nag react nang tawagin ni Angel ang kanyang pangalan, hindi pa din siya nagpapalit ng damit simula nang kami'y makauwi kanina.

Bakit parang pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari ?

"Sorry"

Ha? Bakit siya nagso-sorry?

Lalapit sana ako sa kanya nang matigilan ako , at unti-unti nang nauunawaan kung bakit siya humihingi ng pasenya.

"Jasmin ....B-bakit may hawak kang baril?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko at itunutok sa pwesto namin ang baril.

"Jasmin, ibaba mo yan"

"What are you doing Jasmin?!"

Pero wala din siyang ni-react sa mga sinabi ni Marvin at Thea.

"I'm sorry"

Ginagamit ba siya ni Sir Oliver?! Kung ganun! Si Sir Oliv--

"Bravo! Bravo!"

Sabay nang palakpak ay dumating na din ang isang lalaki na pinagkatiwalaan namin ng lubos , ang lalaking naglagay sa amin sa ganitong sitwasyo . How dare him!

"Mukhang nagulat yata kayo?"

"Hindi naman masyado SIR"

Tanging ngisi lamang ang sinagot niya sa nakakainis na sinabi ko .

"I know , Saveena. I'm your Teacher RIGHT?"

Gusto ko siyang irapan at mura-murahin! Anong pumasok sa kukote niya at nagawa niya itong lahat?

"Sigurado akong madami nang pumapasok ngayon na katanungan sa isip niyo ,tulad nang ' bakit ko ba pinatay si Angelo , si Nikka , at si Ma'am Tyne"

Ilang minuto pa ang nangdaan nang mag-sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya.

Ano?! Siya talaga ang pumatay kay Angelo at Nikka?! At....at....k-kay Ma'am Tyne!? P-paanong nangyari yun?!. Akala namin nahuli na ang salarin... Unless....

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA , natatawa ako sa mga pagmumukha niyo, nakakagulat ba? Well... OO! PINATAY KO SI MA'AM TYNE!"

Hindi ko man nakikita ay alam kung nagulat din sila sa mga sinabi ni Sir Oliver , pero ang salarin nakangiti lang na parang siraulo at proud na proud pa sa mga sinasabi niya.

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon