Malapit na ako ng may matanaw akong pamilyar na kotse. Bea. I thought. At hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya ay nakita ko siyang palabas ng kotse niya at papalapit sakin.

"Bakit ka naglalakad? Hindi ka ba hinatid ng unggoy na yun?" Hindi ko siya sinagot. Pero ng makalapit siya sa akin ay agad ko siyang niyakap "L-love? What's wrong?"

Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. Letting all my frustrations vanished as I feel her warmth.

"Hindi mo ko iiwan di'ba?" I ask habang nakatingala sa kanya

"Never" She answered with a kiss on my forehead. Ngumiti nalang ako at inaya na siyang pumasok. Tinatanong niya kung bakit naglalakad ako at sinabi ko nalang na gusto ko lang magpahangin saglit.

"Hindi ka man lang hinatid ng Ged na yun? Eh kung sapakin ko kaya siya! Hindi nga kita pinapayagang sumakay ng taxi tapos---"

"Sssh. Tama na. Ako naman ang umalis eh" She let out a sigh at bago pa kami makapasok ng bahay ay humarap siya sakin, hawak niya ang kamay ko at nakatingin siya ng seryoso.

"Basta, I promise you, I won't leave. I'll stay with you until we're gray and old" inirapan ko siya

"Kanta yun eh"

"I know. But I mean it. Papakasal pa tayo di'ba?" She wiggled her brows and I can't help but to laugh and nod "Stop overthinking, okay? Don't worry, kahit entrance ng mall, hindi tayo mapaghihiwalay"

Hinampas ko siya sa braso habang tumatawa.

"Malamang, hindi talaga"

"Oh kaya nga wag ka na mag-worry. Hindi nila tayo mapaghihiwalay, never!" Parang batang sabi niya kaya hinalikan ko siya ng mabilis sa labi "I love you so much, Jho"

Kahit ilang beses ko ng narinig yun, hindi ko pa rin mapigilang hindi bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun. I'd love to hear it everday, from her.

"I love you more"

I can't wait to spend my whole life with her.

BEA's POV

"Kinakabahan talaga ako" narinig ko ang tawa ni Jia kaya tinignan ko siya ng masama "Stop laughing!"

Nandito kami sa kwarto niya. Nasa banyo pa kasi si Jho at naliligo. May pupuntahan kasi kami ngayon.

"Sorry. Hindi ko mapigilan eh. Seryoso? Kinakabahan ka? Para namang first time mong im-meet parents ni Jho. Eh dun ka na nga nakatira dati sa kanila"

"Iba kasi to!" I stood up at nagpalakad-lakad sa harap niya "This is different! Galit sila sakin dahil iniwan ko si Jho dati. Paano kung di na nila ko tanggapin? Paano kung ayaw na talaga nila sakin para kay Jho? Hindi ko alam ---"

I was cut off by Jia's words.

"Si Jho nga tinanggap ka, sila pa kaya?" I stopped infront of her and she was just eating her pizza "Don't overthink. Just be yourself. Sabihin mo ang totoo sa kanila"

"Kung bakit ako umalis? No way!"

"No. Not that. Sabihin mo ang totoo, kung gaano mo kamahal si Jho. Pag nakita nilang sincere ka, alam kong mapapatawad ka rin nila"

Hindi ko napigilan at bigla ko nalang nayakap si Jia. Muntik pa tuloy kaming matumba kasi nakaupo siya sa kama eh.

"Thank you, Ju. The best ka talaga"

"Eew Bea. Bitaw nga"

Hinigpitan ko ang yakap habang tumatawa.

"Ang arte mo! Pasalamat ka nga at niyayakap kita. Ang daming may gustong makayakap ako oh!"

Complicated HappinessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz