Nagpatuloy kami sa paglalakad at tumungo kami sa cafeteria. Lahat ng nakakasalubong namin ay napapatingin sa amin tapos titigil sa kamay namin na magkahawak tapos aangat sa buhok ni Greg. Siguro na-cute-an rin sila sa hitsura ni Greg.

Namataan namin sila Elene sa isang table. Nanahimik nang sobra ang cafeteria at tanging mga hakbang namin ang maririnig. Tsaka pala ang tawanan nila Elene at Clarence, kasama si Sunshine. Mukhang okay na ang dalawa. Natigil sila nang makita kami.

Tatakbo sana ako palapit sa 'kin nang pigilan ako ni Greg. Awtomatikong tumingala ako sa kaniya. His face was so serious.

"Don't— isa 'to sa utos ko bilang master mo. Ayoko sana na masyado kang madikit sa lalake na 'yon.." Sinulyapan niya si Clarence. My forehead creased.

"Bakit? Friend ko po siya," kontra ko. He shook his head.

"I—i think he likes you. It's not impossible.." Nanlaki ang mata ko at umiling.

"Naku po, master. Hindi niya ako magugustuhan. Hindi siya nagkakagusto sa tao, sabi niya sa hotdog daw siya may gusto. Jumbo hotdog daw," saad ko. Nakita ko ang pagnguso niya na tila nagpipigil ng tawa. Ang tatlo naman ay humagalpak ng tawa at naagaw ang pansin ng lahat na nasa cafeteria.

"Damn innocent." He murmured while staring at me intently. He touched my cheeks before dipping down to kiss me on my forehead.

Napakurap ako at pinanood siyang umayos ng tayo. Narinig ko pa ang tili nila Elene. Binitawan niya ang kamay ko at namulsa.

"Pwede ako rin pa-kiss.." Nakangisi si Elixir at tumingin sa 'min.

"What? What do you want Elixir?" Nagtiim-bagang si Greg at malamig na tinignan si Elixir.

Unti-unting nawala ang ngisi ni Elixir at namutla. Pilit siyang tumawa at tila kinakabahan.

"I-ibig sabihin ko, Dieu i-kiss mo ako. Kiss mo rin ako!" aniya. Binatukan siya ni Xicarus samantalang si Last ay umiling-iling habang natatawa.

Tumango si Greg at sumulyap muna sa 'kin.

"Ah, I thought you're wishing for your coffin. And Elixir, I don't kiss gays. I don't kiss anyone..just the Queen."

Pinanood ko ang paglakad nila palayo. Kailangan na nila pumunta sa headmaster. Huminga ako nang malalim at tumingin sa gawi nila Elene. Tila nanunukso ang mga mata nila.

Tinaas ni Elene ang isang may balot na sandwich kaya tumango ako at naglakad palapit sa kanila. Inabot niya iyon sa 'kin at agad kong binuksan. My favorite tuna spread!

Nagsimula akong kumain samantalang sila ay nakatingin sa akin at may nakakalokong ngisi.

"So Eirian.." Sinuklay ni Clarence ang buhok ko, "kamusta ang pagiging s slave?" Tanong niya. Hinampas siya ni Elene samantalang si Sunshine ay humalakhak.

"S slave? Ano 'yun? Pero okay naman na maging master si Greg. Mabait siya tapos ang cute." Kumagat ulit ako sa sandwich at nginuya 'yon. Tumingin sa 'kin si Elene at sinundot ako sa pisngi.

"Ikaw ba may gawa no'ng buhok niya?" Nangingiti nitong tanong.

"Ah, oo. Cute niya, no?" saad ko. They giggled.

"Oo nga, he's so adorable. Ang gwapo at hot niya pero cute at the same time. How can he be so perfect!" Tili ni Elene. Umiling si Sunshine.

"Nobody is perfect." Paalala niya.

"Bitter mo day! Ang gwapogi kaya ni fafa Greg. Pero kay bebe Eirian na 'yon tutal sa kaniya naman head over heels iyon. Swerte mo baklita!" Saad ni Clarence. I frowned.

"Head over heels? Wag kayong ganiyan. Nakakahiya kapag may nakarinig. M-mabait lang talaga siya.." saad ko at inubos ang kinakain. Hinampas ni Elene ang lamesa kaya nagitla ako.

"No! Hindi siya mabait, bebe girl. Matagal na akong narito. Hindi kita tinatakot or what, gusto ko lang malaman na may something talaga 'yan sa'yo si Greg. Swerte nang marami dahil hindi na siya gaanong katulad dati." Kumunot ang noo ko.

"B-bakit, ano ba siya dati? Anong ugali niya?" Kinakabahan na tanong ko.

"He's the Dieu, means he's the highest student here. Hindi lang siya basta presidente ng Plus Élévee. Everyone is afraid of him. He's so strict, stiff and ruthless. Hindi sa kaniya dumadaan ang problema sa mga rule breaker dahil sa dami na nakaatang na gawain niya. He's so powerful na nakikipag-negosasyon na rin siya sa mga mafia groups at ano pang mapanganib na organisasyon. But once na siya ang makahuli na lumabag ka sa batas— which I didn't experience, talagang lagot ka. I saw how he punished those students." Suminghap ako ng hangin at tumitig sa kaniya.

"N-nakikipag-usap siya sa mga gano'ng tao?" Tanong ko. She nodded.

"Yes. Kapag may problema sa paaralan at konektado sa mga organisasyon, siya ang nakikipag-usap. No one really knows kung saan siya nakapabilang. Kung mula ba siya sa mafia, gangsters, assassin or what. Basta't kinakatakutan siya. But I think.." She leaned forward, "he's from a mafia group."

Napapikit ako at naisip kung anong klaseng mga tao ang nakakasalamuha niya kapag kailangan. That is so dangerous. Paano kung may nagagalit na pala sa kaniya at i-ambush siya.

"Hoy! Ano ba iniisip mo? Parang 'di ka naman natakot sa kaniya kahit sinabi ko na 'yung theory ko," ani Elene. Napailing ako.

"Not really. Iniisip ko lang kung gaano kadelikado ang posisyon niya." Tinampal niya ang noo. Clarence chuckled and Sunshine just smile.

"In love alert na ba 'to. Isa na yata 'yan sa symptoms." Napailing-iling si Elene.

"Lopez.." Natigilan kami nang may tumawag sa 'kin. Paglingon ko ay nakita ko si Lyndon. Narinig ko ang pigil na tili nila Clarence.

"L-lyndon.." I murmured. He boredly look at me.

"Ako ang naatasan ng headmaster, kinausap niya ako kanina. I'll train you. You need to learn in combat fighting. Lalo na ng depensa." Nanlaki ang mata ko at napatayo.

"H-ha? Bakit?" Takhang tanong ko. He rolled his eyes at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"You're so clumsy, stupid. Kailangan mong matuto lumaban, tss," aniya. Hindi ko na pinansin ang pang-insulto niya sa 'kin.

"Ahm, fafa Lyndon, hindi siya pwede. Dieu is so possessive." Tila naipit ang dila ni Elene. Lyndon just smirked.

"Don't care, wala siyang magagawa. Kapag siya ang nagturo sa stupid na 'to, wala itong matututunan because I'm sure, hindi niya hahayaan na masaktan 'to." Nanlaki ang mata ko.

"Ibig sabihin, masasaktan ako sa training?" Tanong ko.

"That's understatement, stupid. So get ready. We will go to the Salle de formation, now." Tinalikuran niya ako.

Habang ako, kabadong-kabado.

******

Supladdict<3

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now