Chapter 39

234 8 3
                                    

Author's Note: Guys! Maghintay uli kayo ng isang linggo ha? Hahaha Promise dalawang chapter na yun! Chapter 40 at finale kaya abangan! :)

And I also dedicate this to my reader na biglang lumitaw. And natuwa ako sa comment niya. Although may mga active readers din na iba, but may I welcome and accompany you dahil bago kitang nakilala sa wattpad. Hello PJMendez2! :) 

Chapter 39 - Hope


Arnel P.O.V


"Kim!" Sigaw ko nang makita ko kung paano siya apakan ng isa sa horde. Nanlabo ang mga paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.


Naaawa na ako sa mga kasama ko sa gang. Nandirito parin kami nakikipaglaban sa mga horde habang abala din sa paghahanap kila Stella.


Agad kong pinunasan ang luha ko. "Hindi ito oras para magpakaduwag." Ang banggit ko sa sarili saka ako sumugod.



"Arnel!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Daniel na hirap na makawala sa pagkakahawak sakanya ng horde. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya at agad kong tinalon sa ulo ang halimaw na to.



Agad kong itinusok sa ulo nito ang machete na hawak ko. Agad itong nabitawan si Daniel at ito ay natumba.


"Ayos ka lang?" tanong ko kay Daniel.


Hingal na hingal siyang tumango. "Si Stella?" tanong nito.



"Sorry. I lost her." Ang kagat labi kong sagot.


"WHAT?! We're dead." Ang sabi niya.


"I know. Let's find her please?" Ang pagmamakaawa ko sakanya.



"Okay. Let's split up. Do you know where the laboratory is?" he asked.


Napaisip ako. "Why?" taka kong tanong.


"Come on tell me!" sigaw niya.


Agad naman akong nataranta. "School garden sa may cubicle. I-press mo yung flush para bumukas yung pinto." Ang payo ko dito.


Agad naman siyang tumango. "I saw her taken there." Ang sagot nito na ikinabigla ko.


"T-talaga? TARA!" Sigaw ko saka kami naghiwalay ng landas.


Patay ako kay Kyle nito kapag nalaman niyang nawawala si Stella. "Stella. Wait for us. Help is coming." Ang sabi ko sa sarili habang tumatakbo papunta sa garden.



Pagkarating ko sa garden laking taka ko nang wala akong nakitang Daniel. "Daniel?" Bulong ko.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon