Chapter 28

195 13 0
                                    

Chapter 28 - Daniel

Stella P.O.V

Hindi ko alam kung hanggang kelan pa ako magtatagal dito sa impyernong ito..

Nakakatakot na.. Nakakakilabot na.

Parang hindi na'to paaralan.

Parang isang arena na ang buong eskwelahan.




Natatakot ako na baka isang araw ay kelangan naming magpatayang magkakaibigan.


Ayaw ko! Ayaw kong mangyare iyon..


Naglalakad ako ngayon papuntang main building.. Napakatahimik ng paligid at tanging laguslus lang ng hangin ang naririnig. Kasama ng mga dahong ininilipad sa lakas ng hangin.. Makulimlim ang langit at mukhang uulan.


Malapit na ako sa main building ng school pero bigla akong kinabahan ng makarinig ako ng mga boses.



"Gago ka pala eh! Mang-aagaw ng girlfriend!" Isang sigaw ng lalake. Nagpunta ako sa likod ng puno at sinilip ko ito. Laking gulat ko nalang nang makita kong sinasaksak na ng isang lalake ang isa pang lalake.



Bigla akong tinamaan ng takot at kilabot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.. Yung para bang nakadikit na ang mga paa mo sa kinatatayuan mo? Hindi ko magawang makagalaw.


Sumilip akong muli at nakita kong naka-upo na ang lalake at nakahawak siya sa dalawa niyang noo. Bigla akong nakaramdam ng awa nang marinig ko iyang umiiyak..


Bakit?
Bakit siya umiiyak?
Parang may nagtutulak sa aking lapitan ko siya.
At nagulat nalang ako nang nagsimulang maglakad ang mga paa ko.
Ano to?! Wait! Hindi ko mapigilan ang mga paa ko!
Parang may kumokontrol sa akin!


Bigla akong nakaapak ng isang sangang tuyo kaya lumikha ito ng ingay. Napalingon ang lalake sa gawi ko at doon na naman ako nanigas.



"Ikaw!" Sigaw ng lalake at doon na ako nanginig sa takot.



Bigla siyang tumayo at ang sama ng tingin niya sa akin.. Nakita ko ang kutsilyong hawak niya sa kanang kamay niya at duguan ito. Tinignan ko ang lalakeng pinatay niya. Nakamulat lang ang mga mata nito habang punong puno ng saksak sa katawan.




Bigla akong kwinelyuhan ng lalake kaya napahawak ako sa kamay niya.



"Anong ginagawa mo? Ha?!" Galit niyang tanong. "Pinapanood mo ba kung paano ako pumatay ha!?" Ang galit niya pang giit.



Huminga ako ng malalim.. "Bakit?" tanging bulalas ko at napakunot ang noo ng lalake.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon