Chapter 7

336 18 20
                                    

Chapter 7 - Dream

Stella P.O.V


"Stella! Stella!" Nagising ako sa sobrang lakas ng pagkakauga sa akin. Napamulat ako at kinusot kusot ko ang mga mata ko. Nakita ko si Aki na balot sa mukha niya na para siyang nag-aalala.


Inilibot ko ang paningin ko at nasa pamilyar akong lugar. T-teka! Biglang nabuhayan ang dugo ko nang maalala ko kung saan ako nahimatay.


"A-aki?" Ang nagtatakang tanong ko. Nasa loob na ako ng kwarto ko.


"Nananaginip ka eh. Mukha kang tanga kakasigaw!" Ang inis na sambit nito saka lumabas.


Ano raw? Nanaginip lang ba ako? Parang totoo..


Hinawakan ko ang braso ko at ang sikmura ko. Medyo masakit ito. 


Hindi.. Hindi ito isang panaginip lang. Totoong nangyare ito! 

Agad akong lumabas ng kwarto at nakita ko si Aki na nagkakape sa kusina. Agad akong lumapit sakanya at umupo sa harapan niya.


"Magkape ka muna." Aniya pero umiling ako.


"Nandito lang ba ako buong gabi?" Ang tanong ko dito.


"Malay ko? Kasi pagkarating ko kagabi nasa loob ka naman ng kwarto mo nang madatnan kita." Aniya. Tumango tango naman ako.


Tinignan ko naman ang damit na suot ko at iba na. Naka white shirt na ako at pajamas. Hindi.. Hindi ako maaaring magkamali. Hindi yun panaginip.


"Pero himala ah. Di ka putikan ngayon."Dagdag pa nito na ikinanuot ng noo ko.


"Ha?" ang naguguluhang tanong ko dito.


"Anong ha? Ka dyan? Palagi kitang nahuhuling lumalabas noon. Dalawang beses ng nangyare yun!" Aniya sabay higop niya ng kape. 


Teka. I'm confused. Paano ako lalabas eh kagabi palang ako lumabas?


"Hindi naman ako sinumpong siguro ng sakit ko." Ang bulong ko sa sarili.


"Ano kamo?" Ang nagtatakang tanong nitong kaharap ko. Umiling ako.


"W-wala. Ang sabi ko magkakape na ako." Ang sabi ko. Inabot naman nito ang kape at asukal na nakakunot ang noo nito.


Nagtataka parin ako. Paano ako nakabalik sa dorm nang hindi manlang napapahamak? Sino nagligtas sa akin? Napakalaking utang na loob ko sakanya. Sobrang laki. Pero anung nangyare sa mga clown gang? Sigurado akong hindi nila ako papalagpasin ng mga nun.


Pagkatapos kong magkape ay agad akong naggayak at ganun din si Aki. Pero dahil sa sobrang tagal ng lalakeng ito agad na akong umalis.


Habang naglalakad ako na malapit sa school building ay nasilayan ko ang mga nagkukumpulang mga estudyante doon. Ito ang building na kung saan ko nakita ang mga clown gang at kung saan namatay ang babaeng ginahasa nila.

KINGDOM HIGHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora