Chapter 14

270 16 0
                                    

Chapter 14 - Incomplete

Stella P.O.V


Dahil sa hindi ko na nahintay si Dianne kanina kaya pauwi na ako ng dorm. Nag-iisa akong naglalakad dito papuntang dormitory pero kanina ko pa halatang hindi ako nag-iisa. Lumilingon lingon ako sa gilid ko pero hindi ako lumilingon sa likod ko dahil natatakot ako. Tanging tunog ng cricket ang naririnig ko pero sa totoo lang kanina pa ako naiirita sa tunog nito. Nakayakap ako sa sarili ko habang naglalakad. Sobrang lamig ng hangin..


Kaya di ko maiwasang manginig.


Papalapit na ako sa dorm pero may narinig ako sa likod ko na talagang nagpatingid ng balahibo ko. Alam kong may nakasunod sa akin kaya tumigil ako... Dahan dahan at unti unti akong umiikiot para lingunin ang likod ko. Kinakabahan ako nangingilabot diko alam kung bakit... Pero nang nakaharap na ako wala naman pala.


Napabitaw ako sa pagkakayakap ko sa sarili ko saka ako nagbuntong hininga. Umiling iling akong humarap muli pero bigla akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang nakatayo sa mismong harap ko. Bumalik ang paninindig ng balahibo ko at maslalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. 


Unti unti kong itinaas ang paningin ko at nakita ko ang nakapulang mask..


"Hellsing." Ang tanging bulalas ko.

Napahakbang ako ng palikod pero siya namang hakbang niya palapit sa akin.


"Anong kailangan mo?" Ang tanging tanong ko.


"How's your head?" Biglang nanigas ang mga paa ko at parang hindi na ako makalakad. A-anong ibig niyang sabihin?


"B-bakit? A-anong kailangan mo?" Ang tanong ko dito. 


Narinig kong tumawa siya ng mahinhin. 


"Anong nakakatawa?" Ang tanong ko dito.


"How's your head? The last time we met? I smashed your head to calm you down after you charge against the GOD WARRIORS." Aniya na may pagdidiin pa sa gang ng god warriors.


"Walang hiya ka!" Ang sigaw ko at aakmang susuntukin ko na siya pero mabilis siyang umilag at hinawakan nito ang braso ko. Pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya kaya napasigaw ako.


"AAAAAAAAAAAH!" Ang sigaw ko dito kaya nabitawan niya.


"S-sorry." Aniya saka siya napahakbang palikod. At ako nama'y napa-upo sa damuhan.


"S-sorry." Pag-uulit niya saka siya tumakbo diretsyo sa dilim at doon na siya naglaho.


Napapikit ako sa paginda ng sakit ng aking braso sa sobrang sakit nito. Sino ba kasi ang gagong yun? Ang sakit! Sinubukan kong tumayo at saka na ako dumeretsyo sa dorm. Pagpasok ko ay agad kong ni-lock ang pinto at saka ako dumeretsyo sa kwarto ko at napa-upo ako sa gilid ng kama ko.


Tinignan ko ang braso ko at may konting galos at nangitim na ito.

Napailing nalang ako at kinuha ang first aid kit sa kusina. Bumalik ako sa kwarto para gamutin ito. Malay mo baka mavirus pa ako sa pagkakahawak nito sa braso ko. Nasugatan pa tuloy ako. Kaasar! Sino ba siya? Ang lakas ng loob niyang saktan ako! Sa susunod na magkikita kami ay paghahandaan ko na. At sisiguraduhin kong makakabawi na ako sakanya.

KINGDOM HIGHWhere stories live. Discover now