Chapter 2

426 22 0
                                    

Chapter 2 - Halimaw

Stella P.O.V

"Hey!" Ang bungad sa akin ni Tiffany. Kilala kong siya ito kasi nga smiling face siya. Si Britteny di niya magagawa ito. Ang pumansin ng nakangiti.

Tinaasan ko lang ng kilay si Tiffany habang naglalakad papuntang room.

"Ang taray. Umagang umaga. Haha bakit?" Ang tanong nito. Ayoko naman ikwento sakanya ang nangyare kagabi. Na muntikan na kaming mapatay. Baka pagtawanan lang kami.

"Halimaw okay ka lang?" ang tanong ni Aki na kasama ko. Tumingin ako sakanya saka tumango.

"Oo okay lang ako." Ang nakangiting tugon ko dito.

"Aray siya pinansin samantalang ako hindi." Ang nakapout na sabi ni Tiffany.

"Hey. Bakit ka nga pala tinawag na halimaw ng mokong na to?" Ang tanong ni Tiffany.

"Kasi-- asdasfkjskadjfa" bigla kong tinakpan ang bunganga ni Aki.

"Ah eh.. Wala call sign lang." Ang kinakabahang sagot ko dito.

Tinitigan naman ako nito ng maiigi. "You're not a good liar." Ang sabi nito saka siya umayos.

"Pwe!" -si Aki.

"Aki, Stella bakit di ba kayo nacucurious kung bakit may patayan sa school na to?" Ang sabi niya. Napakunot naman ako ng noo na tumitig sakanya.

"Syempre curious." Ang sagot ko.

"Haha. Naman pala. Bakit hindi mo sundin ang curiosity mo?" Ang sabi nito saka siya humiwalay ng landas.

Weird.

Mag-oopen ng topic tapos iiwan kaming bitin?

"Cliff hanger naman nun!" Ang sabi ni Aki na nakabusangot. Umiling iling nalang ako hanggang sa nakaabot na kami sa room..

Umupo ako sa likod at tumabi naman sa kanan ko si Aki. Napansin ko ang mga bakanteng upuan sa paligid namin. Bilang ko lang ang mga kaklase ko ah. Sampu lang kami.

BLAAAAAAAG!

Biglang bumukas ng padabog ang pinto at pumasok ang mga lalakeng hindi maaayos ang uniporme. Para silang ginahasa or something. Pero ang nakakapagtaka ang hindi sila pinaki-elaman ng guro. Late sila ah!

Tinignan ko ng isa isa ang mga kakapasok lang hanggang sa dumapo ang tingin ko sa kaliwa ko.

"AAAAAAH!" napatili ako sa sobrang gulat.

"Ano yan Ms. De Guzman!" Napatingin ako sa teacher namin na nag-uusok na ang ilong sa galit.

Biglang tumawa ang katabi kong lalake na parang baliw. Nakakakilabot siya.

"Sir siya po kasi ginulat ako." Ang sabi ko. Paano ba naman pagkalingon ko ay mga 1 inch nalang ang pagitan ng mukha namin. At ang mas nakakatakot pa nakangisi ito sa akin na akala mo demonyo.

"Kung mang-iistorbo ka ng klase ko get out!" Ang sigaw ng guro kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo nalang at kinuha ang mga gamit ko. Narinig ko pa ang mga tawanan ng buong klase kaya tumakbo na ako palayo.

Wala akong pake kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Hanggang sa namalayan kong nasa likod na pala ako ng building namin. Sobrang mapusok ang mga damuhan dito at matatayog ang mga puno na animo'y gubat. Napansin kong may park sa gubat kaya agad akong nagpunta doon.

"Wow!" Ang bulalas ko habang pinagmamasdan ko ang lumang fountain pero di na gumagana pero astig ang design nito. Para siyang greek god.

"Ehem."

KINGDOM HIGHOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz