Chapter 10

315 16 4
                                    

Chapter 10 - Weird

Stella P.O.V

Sabi nga nila LOVE grows as TIME PASS BY. Is it really true? 


Kasi...


Makalipas ng tatlong araw simula nang sinabi sa akin ni President yun hindi na niya ako pinapansin. Di ko alam kung bakit. Ako naman ang secretary niya but he's doing all the work. I can't understand him. He's ignoring me. Para lang akong anino sakanya na sa tuwing nagkakasalubong kami wala lang sakanya at di niya ako papansinin. 


Sobrang sakit sa part ko ang ginagawa niya. Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa pinaggagawa niya? Pero.. Am I falling for him too?


No.. Kelangan ko ng pigilan pa ang nararamdaman kong ito dahil nagpapakita na siya ng motibong layuan ko siya. Kaya yun ang mismo ang gagawin ko. Lalayuan ko na din siya. 


Kaya ko ba?


Kakayanin.


Nandito ako ngayon sa covered walk habang naglalakad. Ayoko kasing sumulong sa malakas na ulan. Sobrang lakas at parang may bagyo. Nakikiramay ata sa pagdudusa ko ngayon. T-teka? Saan naman ako magdudusa? Sa hindi pagpansin ni President sa akin? Hindi! Hindi... 


Nagdudusa ako sa impyernong ito. Gustong gusto ko na talagang makalabas.


"Stella! Glad I caught you!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Tiffany.


"Bakit?" Ang takang tanong ko.


"Wait.. Are you Stella?" Biglang tanong niya na nagpakunot ng noo ko.


"A-ako nga. Ano ba?" Ang sabi ko saka ko siya pinaikutan ng mata.


"Di nga! Baka mamaya papatay ka nalang diyan ha?" Ang biro nito. Agad ko naman siyang pinalo sa braso.

"Alam mo nageemote na nga yung tao iniistorbo mo pa." Ang sagot ko dito saka binilisan ko ang paglakad.


"Teka!" Aniya at nahawakan niya ang balikat ko.


Tinabig ko ito saka ko pinilipit ang braso niya. Napangiwi siya sa sakit.


"S-stella! Masakit!" Ang daing niya at napabalik ako sa wisyo saka ko siya nabitawan.


Anong nangyayare sa akin? Bakit nananakit na ako ng tao? Hinawakan ko ang kanang kamay ko at tinitigan ko ito. Is something driving me do this?


"S-sorry." Ang taning sambit ko saka ako tumakbo palayo sakanya. Hindi ko parin maiwaglit sa isipan ko ang nagawa ko. Paano ko nagawa yun? Ni hindi ko nga kayang manakit kahit isang langaw lang.


Napagtanto ko kung saan ako dinala ng mga paa ko habang tumatakbo ako. Nasa harap na ako ngayon ng office. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako na ewan. Palapit na ako sa pinto nang makarinig ako ng pamilyar na mga boses.

KINGDOM HIGHWhere stories live. Discover now