Chapter 13

296 14 26
                                    

Chapter 13 - Foundation part 2

Stella P.O.V

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang sabihin sa akin ni Kyle yun. Kausap niya ngayon ang organizer at hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Pero pagkatapos niyang kausapin ito ay lumapit siya sa akin at bigla niya akong hinila papasok sa dressing room..


"Kyle! Wait kelangan kong magready para sa swim wear.." Ang sabi ko habang pilit kong tinatanggala ng pagkakahawak niya sa braso ko.


"A beautiful yung lady doesn't match up with someone like Aki." Aniya at doon ako natigilan. Hanggang sa nakaabot na kami dressing room. Naabutan namin si Haydee na inaayusan..


"Oh? Kyle.. Dinala mo yan? Bakit?" Ang takang tanong ni Haydee.

"Get out of here Haydee. Simula ngayon si Stella na ang partner ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Napalingon ako kay Haydee. At nagliliyab na ang tingin sa akin..


"Faster! We don't have much time!" Ang sigaw ni Kyle kaya agad na umalis si Haydee at ako ang pinaupo ni Kyle at sinimulan na akong ayusan.


"Come." Ang sabi ni Kyle at sumunod sakanya si Haydee.


Binago nila ang style ng buhok ko at ang make-up kong una ay binura nila at pinalitan ng bago. Binigay nila sa akin ang swim suit ko at laking gulat ko nang 2 piece ito. Pero di na dapat pa ako aangal pa. Hawak hawak ko ito nang biglang pumasok si Kyle at lumaki ang mga mata nito nang makita ang hawak kong two piece.


"Wag yan!" Aniya. 


"We don't have much time President." Ang reklamo ng make-up artist na babae na kasalukuyan akong nilalagyan ng maskara sa pilik mata,

"O-osige pero kelangan may tela.." Aniya.


"Paano po maeexpose ang sexiness niya kung tatakpan niyo din lang?" Ang pabalang na sagot ng nagaayos ng buhok ko.


Halatang hindi nagustuhan ni Kyle ang pananalita nito kaya nauna na akong nagsalita.


"Kyle.. Its okay.." Ang nakangiti kong sambit dito kaya kumalma naman siya kahit papano.

Matapos akong ayusan ay si Kyle na ang sumunod. Lumabas muna ako dahil kelangan kong ipractice ang paglakad ko. And yung tindig ko.. Ngayon palang kasi ako sasali ng ganito. Pero kakayanin ko.. Hanggang question and answer.


"Candidates mount up!" Sigaw ng organizer kaya agad akong kumaripas ng takbo sa linya namin. Hindi ko na nakita ang lagay ni Kyle. May abs kaya siya? Hahaha... Magkakakitaan na.


Nang matapos na ang mga nagintermission number nagsalita na naman ang host.

"And now! For the most awaited part... Let's welcome the candidates with their swim wears!" Biglang naghiyawan ang mga tao ng pagkalakas lakas. Bigla akong kinabahan. Kaya huminga ako ng malalim.. 


'Kaya ko to..' ang sabi ko sa isip isip ko.


KINGDOM HIGHWhere stories live. Discover now