Chapter 4

387 19 1
                                    

Chapter 4 - President

Aki P.O.V

Napadilat ako dahil sa pagsara ng pinto. Kinusot kuso ko ang mata ko saka ako bumangon. Pumihit ako sa labas at nakita kong pumasok si Stella sa kanyang kwarto. Napakunot naman ang noo ko. Nakita ko ang pinaglakaran niya. 

"Putik?" Ang bulong ko. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko na ang putik ay nanggaling sa labas dahil sa footprints ni Stella na nanggaling sa labas. 


Wait. 


"Sa labas?" Bulalas ko at tinignan ko ang oras at 3:54am palang ah! So lumabas siya na kasalukuyan ang HELL NIGHT? Nangilabot naman ako sa nalaman ko at dali-dali kong chineck ang pinto kung nakalock nga ba ito. At nakalock nga.


Agad kong kinuha ang basahan at nilinisan ko ang putik. Anu ba yan! Ako na naman ang maglilinis ng kalat ng babaeng to. Pero.. Nanggaling siya sa labas? Totoo?


Di parin ako makapaniwala. Hanggang sa naka nalinisan ko na ang putik hanggang sa tapat ng kwarto ni Stella. 


'Baka putik putik din sa loob.' ang sabi ko sa isip isip ko.


Agad ko namang pinihit ang pinto nito at di nga ako nagkamali. Nakita ko si Stella na nakadapa sa paghiga at naka T-shirt siya ng puti. Habang nadapo naman ang paningin ko sa paanan niya.. 

Napailing nalang ako nang makita ko ang putik dito. Lumabas nga siya.

Para siyang lalake kung matulog. 


Pinunasan ko naman kaagad ang mga putik kasama na ang paa ni Stella. Napa-iling nalang ako nang makita ko ang mukha niyang maamo habang humihilik. Di ko alam pero naramadaman ko nalang ang pagbuo ng ngiti sa labi ko. Agad naman akong napasimangot.


"Bakit ako nakangiti?" Tanong ko sa sarili. At saka umiling iling na lumabas.


~*~


Stella P.O.V

"Hoy! Halimaw! Gumising kana at baka malelate ka na naman!"


Napakunot ako ng noo. Bakit ba ang ingay ng lalakeng to? Kahit kelan talaga di ako tinatantanan ng madaldal niyang bunganga. Napamulat nalang ako dahil yinuyugyog pa ako nito.


"Ano ba? Ang kulit naman." Sabay irap ko sakanya at magtatakip na sana ng kumot nang hablutin ng mokong ito.


"Ano ba?" Ang galit kong tanong.


"Yung lugaw na niluto ko. Lalamigin na." Ang singhal nito. Kaya wala na akong nagawa kundi bumangon. Ang kulit eh. Kinudkod ko ang ulo ko na parang naiinis.


"Halika na! Para mainitan naman ang tiyan mo." Aniya. Tinitigan ko naman ito ng masama.

"Sure kang walang lason yan ha?" Ang pambibiro ko.


"Hoy! Grabe ka makapagjudge ha? Alam ko naman magluto ng lugaw kahit papano." Ang nakangusong sagot nito. Ako ba pinapakonsensya nito? Kasi epektib. 

KINGDOM HIGHWhere stories live. Discover now