Chapter 20

256 16 10
                                    

Chapter 20 - Masquerade Ball

Stella P.O.V

Naramdaman ko ang paglagaslas ng bladde ng machete sa leeg ko pero laking gulat ko nang ibinaba niya ito at narinig ko siyang humalakhak ng mahina.


"Hindi pa ngayon Stella.." Di ko alam pero nakahinga ako ng maluwag.


Ano ba kasing iniisip ko at nagtatapangtapangan ako. Ngumiti ako ng mapakla.


"May araw rin para dyan." Ang sabi nito saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.


Natawa ako. Pero may tumulong luha sa mata ko.


Kahit kelan.. Tangkain ko mang patayin ang sarili ko o ibigay man ang sarili ko kay kamatayan ay hindi pa nito binibigay ang oras ko.. Ang oras ko para mawala.. Gusto ko lang namang matapos na ang paghihirap ko.. Ang bangungot na ito.. Pero napaisip ako..


Sinu-sino ang mga iiwanan ko dito? Si Aki... Si Kyle... Ang mga kaibigan ko... Sobra akong nakonsensya sa pinaggagawa ko.. Ni hindi ko man lang naisip ang mga kaibigan ko.. Ang mga taong mahal ko.. Ang mga taong minamahal ako..


Napansin kong medyo ginagabi na.. Kaya pinunasan ko na ang mga luha ko saka ako naglakad papuntang lockers para kunin ang damit ko..

.

.

.

"Stella.. tapos ka na ba?" Tanong ni Aki mula sa labas ng kwarto ko..


"Almost.." ang sagot ko..


Nakuha ko na ang damit ko.. Isang royal blue na dress with matching glitters.. Open back ito at wala siyang strap kaya medyo maiilang ako nito.. Hindi pa kasi ako nakaksuot ng ganito..


"Stella.. It's Tiffany..." Rinig kong boses mula sa labas ng kwarto.. Mukha ngang siya kaya binuksan ko muna.


"Hindi ka pa nagpapalit?!" Medyo irita niyang tanong..


Nakatapis pa kasi ako ng tuwalya dahil parang nagdadalawang isip ako sa damit ko.. Umiling ako.. "Naiilang kasi ako.. Never pa akong nakasuot ng ganyan eh." Ang sagot ko naman.


"Hay naku! Buti nalang at dumating ako.." Aniya saka bigla siyang pumasok. Napansin kong may dala siyang parang maliit na box.. or ataul? Malay ko ba?


Isinara ko naman ang pinto saka ako nagtungo sa harap ng salamin. Lumapit si Tiffany at nilapag niya ang box sa harapan ko at binuksan niya ito. Laking gulat ko nang makita ko ang mga make-ups niya. Sobrang dami!


"Let me do the thang(thing)." Aniya saka niya sinumulang suklayin ang buhok ko.


Nilabas niya mula sa bag niya ang isang blower at curler at doon niya na ako inumpisahang pinagexperimentuhan.. Hahaha.


Aki P.O.V

Ang tagal naman ng dalawang yun! Lumabas muna ako sa dorm saka nagliwaliw sa labas..

KINGDOM HIGHWhere stories live. Discover now