Chapter 11

298 13 25
                                    

Chapter 11 - Preparation

Stella P.O.V

Ngayon ay Sunday. We officers will have to prepare some of the decorations para sa mga booths and etc para sa foundation kinabukasan. Kukuha daw kami ng mga kakilala naming tutulong sa pag-aayos. Tinawag ko na kung sino ang mga kelangan ko. Si Aki, Tiffany, Britteny, at si Daniel.

Sabi nila pupunta nalang daw sila sa school grounds kaya andito ako ngayon mag-isa naglalakad sa covered walk papunta ng school grounds. Alam kong magiging mahirap na naman ito sa akin dahil nga hindi na naman kami magpapansinan ni President. Pero nangako ako sa sarili kong lalayuan ko na rin siya. At di ko alam kung bakit ako pinapalayo ni Chead kay President.


Pagkarating ko doon laking gulat ko nang makita kong si President palang ang naroroon. Sino kayang tinawag niyang kasama niya? Lalapitan ko ba siya? Kakausapin ko ba? Napa-iling ako. Di pwede lalayuan ko na nga siya diba? 


Pero patuloy parin ako sa paglalakad. Nang malapit na ako sa grounds nagulat nalang ako nang biglang lumitaw itong babaeng malandi na kasama noon ni President. At bigla niyang nilingkis ang braso nito sa bewang ni President. Nasaktan ako siyempre. Napahawak ako sa laylayan ng shirt ko at mahigpit ko itong hinawakan.


At parang kinurot ang puso ko nang makita kong akbayan ni President ang babae. Naluluha na naman ako. Napahakbang ako ng palikod pero nanatili parin akong nakatingin sakanila.

Di ko na kaya. Kaya tumalikod na ako at naglakad pero biglang may nakabundol ako kaya napatingala ako. "D-daniel?" 


"Stella? Bakit ka umiiyak?" Aniya. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Lumuluha na pala ako.


"W-wala ito." Ang sabi ko pero nakatitig parin siya ng seryoso sa akin. Napatingin siya sa direksyon nila President at binalik sa akin ang tingin.


"Si Kyle ba?" Aniya. Napahagulgol ako sa iyak at tumango. Bakit ba napakaemosyonal ko? Pero di ko alam at napayakap nalang ako bigla sakanya.


Alam kong nagulat si Daniel sa ginawa ko at ganun din ako. Pero naramdaman ko nalang na tumugon siya sa yakap at hinimas niya ang ulo ko. "Sssshhhh tahan na Stella." Ang pagpapatahan nito sa akin. Pero nanatili akong luhaan. 


"Ssshhh." Aniya. Agad naman siyang kumalas at hinawakan ako sa dalawang balikat ko at tinitigan niya ako sa mata ng seryoso.


"Tama na. Ayokong nakikita kang ganyan." Aniya at halata sa mga mata niya ang pag-aalala. Pinunasan niya naman ng hinlalaki niya ang mga luha ko sa pisngi. Tumango naman ako sakanya.


"Sorry." sabi ko.


"Sorry saan?" Aniya.


"Naluhaan ko na tuloy yang damit mo!" Ang natatawa kong sambit sakanya sabay turo sa shirt niyang basa.


"Haha okay lang." Aniya. "Lika na?" Aniya sabay hawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kamay niya at dahan dahang tumingin sakanya na nakangiti sa akin..

"Hahaha. Wag kang OA walang meaning yan. Friends lang." Sabay kindat nito sa akin. 


Nginitian ko nalang siya. Grabe yung dimple niya. Napakalakas ng charisma ng lalakeng to. 

KINGDOM HIGHOù les histoires vivent. Découvrez maintenant