Chapter 5

352 21 9
                                    

Chapter 5 - Fear

Stella P.O.V

Nakalipas ang dalawang buwan at ganun nalang ang mga nangyayare sa KINGDOM HIGH. Puro patayan. Well buhay pa naman si Aki. Pero laking pagbabago naman ang nangyare sakanya. Kasi natututo na rin siyang pumatay. Nakikisali narin siya paminsan minsan sa hell night pero di ko alam kung bakit ganun nalang siya katapang kung sumabak sa gabing malagim. Minsan iniisip ko nalang na sobrang propesyonal na niya siguro kaya hindi na siya napapahamak.


Ako naman nananatili paring nakakulong sa dorm sa tuwing hell night na. Karamihang mga estudyante  sinasabihan akong duwag kasi nga hindi ko pa nakakayang pumatay. Pero sa nagdaang dalawang buwan ay wala namang nagbubuhat ng kamay sa akin. At laking pasasalamat ko nalang dahil hindi na ako sinusumpong ng karamdaman ko. At dahil kung Oo, malaking gulo ang aabutin ko nito.


Nandito ako ngayon sa office dahil sa dami ng pinapagawa ng president. Secretary niya kasi ako. Malamang ako ang pinakabusy sa office. Nakakainggit na nga si Chead kasi wala siya masyadong ginagawa. Sa tuwing nagpapatulong naman ako sinasabi niyang trabaho ko daw ito kaya wala siyang business dito. Pero madalang ko silang nadadatnang nag-uusap palagi ni Ma'am Vergara. Pero dahil siguro sa mga activities sa school o kaya kung ano nalang.


Nalalapit na rin kasi ang foundation ng school eh. Kaya magkakaroon ng mga booths na aming pinagkakaabalhan na naman ngayon. 


"Ms. De Guzman." Natigilan ako sa pag-aayos ng papers dahil tinawag ako ni Ma'am Vergara.


"Po?" Tanong ko dito at tinaasan ng dalawang kilay na animo'y naghihintay ng sagot niya.


"We will have a short meeting sa Amphitheater mamaya please inform your president.It will start at exactly one pm." Ang sabi nito na agad ko naman tinanguan.


"Does president have any schedules for that time?" Ang tanong naman ni Chead. Inirapan ko naman ito at tinignan ko ang schedule nito.


Umiling ako. "Nope. Hanggang anong oras po ba? Kasi may schedule po kasi siya ng two to three pm." Ang sabi ko naman dito.


"One hour is enough. Pagmemeetingan lang naman natin ang about sa nalalapit na school foundation." Ang sabi naman ni Ma'am Vergara.

"This school is already 30 years old." Ang rinig kong bulong naman ni Chead. Napakunot naman ang noo ko. Ganun katagal? Ano kayang secrets ang nakapaloob sa school na ito? Curious na nama ako.


Di ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-aayos ko.


Bigla namang umalis si Ma'am Vergara. "Stella. Lunch time na. Wala ka pa bang balak maglunch?" Ang biglang tanong sa akin ni Chead. Umiling ako.


"Mamaya na. I'll wait for president nalang and besides malapit na akong matapos oh? Konti nalang. Mauna ka nalang." Ang sagot ko dito.

Tumango naman ito. "Okay. See ya!" Aniya sabaya lakad palabas.


Naiwan naman ako dito sa office. "Ano ba 'tong mga to?" Ang bulong ko sa sarili ko. 


KINGDOM HIGHWhere stories live. Discover now