Chapter 27

212 12 0
                                    

Chapter 27 - The missing truth

Stella P.O.V

Stella.. What have you done? You killed your mother!


"DAD!" sigaw ko at napabangon ako. Napahawak ako sa hita ko dahil natatandaan kong may masakit dito pero nang kinapa ko wala na ang sakit. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makita kundi ang ilaw sa itaas ko na nakatutok lang sa akin. Para bang spot light?


"Asan ako?" Ang tanong ko sa sarili. Biglang may tunog ng pintong parang binuksan. Napalingon ako sa kung saan pero wala akong makita kundi dilim lang.


Mas nangilabot pa ako nang makirinig ako ng mga yabag na animo'y parang may paparating na diko maipaliwanag. Napalunok ako. "Sino yan?" Ang sigaw ko. Pero patuloy parin ang paglapit nito.


"Sino yan sabi eh!" Ang sabi ko saka ako nagtalukbong ng kumot na nasa higaan ko. Napansin ko ring nasa hospital bed pala ako. Agad akong humiga at tumalikod kung nasaan ko naririnig ang mga yabag ng mga paa.


"Please... Wag naman please!" Ang bulong ko at nanginginig na ang kamay ko sa takot.


May naramdaman akong humawak sa bewang ko. "AAAAAH!" Sigaw ko saka ako nagpupumiglas.


"Stella! Stella! Its okay! Its okay.." Natigilan ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Agad kong tinanggal ang talukbong kong kumot at nakita ko si Arnel.


"A-arnel.." Ang utal kong sabi.


"Okay ka na ba? Di na ba masakit ang hita mo?" Ang tanong nito. Agad naman akong umiling.


"Di na.." Ang matipid kong sagot saka ako umupo.


"Thank God. Magpahinga ka muna." Aniya at may lumapit na doctor sa akin kaya bigla akong nangilabot.


"Anong gagawin niya sa akin?" Tanong ko.


"Tuturukan ka lang niya ng pampatulog." Ang sabi nito. Tumango naman ako.


"Sandali ano itong lugar na ito?" Ang tanong ko. Nahalata ko namangnatigilan ang doctor na nasa tabi ko. At nakita kong namilog ang mga mata ni Arnel.


"Arnel." Pagtawag ko sa atensyon niya. Napa-iling naman siya an parang nahimasmasan.


"W-wala.. Di mo na kailangang malaman pa Stella." Aniya.


"Bakit?" Ang agad kong tanong. At napangiwi nalang ako nang maramdaman ko na ang pagturok ng injection sa braso ko.


"Its better for you to forget you were here." Aniya bigla naman akong nakaramdam ng antok. At parang umiikot na ang paningin ko.


"I-ito b-ba a-ng L-abo-r-rat-ory?" Ang utal kon turan at doon na ako natumba at nawalan ng malay.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon