Chapter 22

212 13 4
                                    

Hey guys! Malapit na matapos ang story na ito. So sana subaybayan niyo hanggang sa huli.  

-Author

~*~

Chapter 22 - Ivy

Aki P.O.V

"Aki sayaw pa tayo." Pagyaya sa akin ni Tiffany. Umiling ako.

"Ayoko na. Nahihilo na ako kakasayaw eh." Ang pagrason ko.

"Sus! Lasing ka lang eh!" Aniya.

"Ha? Sinong lasing ako? Hahahaha baka ikaw. Tingnan mo mga mata mo oh? Pumupungay na." Ang sabi ko na natatawa. Totoo naman eh.

Umiling nalang ako uli at saka binalingang tingin ko sa dance floor. Lumagok muli ako ng juice na may halong alak tsaka sumubo ng cake. Biglang huminto ang music kaya napatingin ako sa management. Pero napansin kong nakatingin sila sa dance floor kaya napatingin din ako dito. 

Laking gulat ko nang makita si President na buhat buhat si Stella paalis. Nakabridal style sila. 

"Anyare dun?" Tanong ko kay Tiffany.

Pero nagkibit balikat lang siya. "Malay ko. Teka at titingnan ko." Ang pagpapaalam niya tsaka umalis.

"Sama ako." Ang singit ni Brittney kaya kami nalang ni Daniel ang naiwan dito sa gymnasium.

"Okay students let's continue the party!" Ang sigaw ng isang guro sa microphone kaya nagsimula uli ang music.

"Dude!" Napalingon ako sa gawi ni Daniel nang may nagsalita. Isang lalakeng nakabrushed up ang buhok at isang may pulang buhok. 

"Oh! Mga dude!" Ang bati naman ni Daniel sakanila saka nakipagfist bomb.

"Dude si Aki nga pala barkada ko." Ang pagpapakilala niya sa akin. Ngumiti naman ako sakanila saka tumango.

"Aki.." Ang sabi ng isa at nakipagmanly hug sa akin. At ganun din ang pulang buhok.

"Aki this is Arnel Lim from Devil Grave and this is Pula from Hellsing." Ang sabi naman ni Daniel.

"I know him." ang singit naman ni Arnel.

"Really?" ang di makapaniwalang tanong ni Daniel saka tumingin sa akin. Ngumiti naman ako.

"Oo.. Magkakilala kami." Ang pagdugtong ko.

"He's my member." Ang sabi naman ni Arnel.

"Ooooh!" Ang sabi naman ni Daniel out of amazement. Natawa nalang ako.

"Attention!" isang boses ang nagpatigil sa amin kabilang na ang music.

"Now we will be announcing the HIGH TEN of KINGDOM HIGH." Ang dugtong pa niya.

"I, Head Mistress Deanna, had finalized the members of the HIGH TEN." Tinignan niya ang hawak niyang folder. 

"Let's start from the last.." Ang sabi naman nito. "HIGH ten goes to." 

Tumahimik ang buong gymnasium. "HIGH TEN GOES TO Aki Santillan!" Nagulat nalang ako nang marinig ko yun. Nagsitinginan ang mga estudyante sa akin kaya di ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot dahil sa mga mata nilang nanlilisik ang paningin.

KINGDOM HIGHWhere stories live. Discover now