Chapter 38

220 7 4
                                    

Chapter 38 - I wish you were here

(NOTE! Kung gusto niyong maging mas emotional ang chapter na ito magplay kayo ng audio na ballad at nakakaiyak-- just a little tip of advice para maging maganda ang takbo ng story)


Stella P.O.V


Nakagising akong sobrang sakit ng ulo ko.. Napamulat ako at nakita kong nakakadena ako at nasa loob ako ng isang parang kulungan.. Pinilit kong igalaw ang aking mga kamay pero diko kaya.. Pati ang aking mga paa ay nakakadena rin.. Biglang sumakit ang aking ulo..


"Sh*t!" Bulalas ko dahil sa sakit..


"Stella! Gising ka na ba?! Okay ka lang ba?!" Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Tiffany na nakakadena din..


"Tiffany! Asan si Aki?!" Agad kong tanong..


"I don't know! Bigla nalang kaming tumilapon ni Aki at napakalas ang hawak kong kamay sa kamay ni Aki at doon na kami nagkahiwalay.." Ang umiiyak niyang sabi..



Parang may nag-uudyok sa aking may nangyareng masama kay Aki pero ayokong magpatalo sa aking kaba..



"Mahahanap natin siya.." Ang pagpapalakas ko ng loob ni Tiffany..


"Alam mo ba kung paano tayo pinasok dito?" tanong ko..


"Hindi ko alam.. Nawalan ako ng malay matapos akong tumilapon.." Ang sagot niya..



Lumapit ako sa pinto ng kulungan at rinig ko ang mga hinagpis ng mga estudyante.. Nakaramdam ako ng malakas na yanig ng kisame.. Kaya napatingin ako sa kisame..


Batid kong nasa underground kami.. At kasalukuyan palang silang nakikipaglaban sa mga monster.. May narinig akong mga naglalakad.. Agad akong bumalik sa pinanggalingan ko..



At kinabahan nalang ako nang tumigil sila sa tapat ng pinto namin.. "Stella De Guzman?" Ang tanong ng lalakeng nakasuit..


Hindi ako umimik.. "Siya nga.." Ang sabi nila saka sila nagpunta sa loob at binuhat ako..


"AAAAAAAAAAAH! Bitawan niyo ako!" Sigaw ko..


"Bitawan niyo siya!" Rinig kong sigaw ni Tiffany..


"Tumahimik ka!" At narinig ko nalang ang malakas na sampal kay Tiffany.. Napatingin ako sakanya at nakahandusay na siya habang nakatingin sa akin na umiiyak..


"I'll be okay." I mouthed..


At dinala na ako ng mga lalakeng ito papunta sa-- "Laboratory?" Takang tanong ko..



Biglang bumukas ang pinto at namangha ako sa nilalaman nito. Napakaraming mga taong naka lab gown at nakamask.. Lahat sila napatingin sa amin nang pumasok kami.. Agad kong dinala sa tuktok at kinalas nila ang kadena ko sa kamay at paa.

KINGDOM HIGHDove le storie prendono vita. Scoprilo ora