Ibinaba ko ang bag at tumingala sa kaniya.

"Do you know where you are?" nakangisi niyang tanong. Kinabahan ako sa klase ng ngisi niya. I gulped at nilibot muli ang tingin.

"I didn't know na ganito ang room dito sa Angst Academy. Scholar rin ba kayo?"

Akala ko ay pantay lang ang scholar at regular students na nagbabayad ng tuitions or what. Pero mukhang hindi dahil sa klase ng kwarto na 'to. But it's okay... atleast meron akong katulad na scholar.

Napapitlag ako nang makarinig ng pagkabasag. Napalingon ako sa may bandang likod and I saw the guy holding a bottle at pinukpok ito sa gawa sa grills na bintana. He smirked at me at pinanindigan ako ng balahibo lalo. Napatingin ako kay Elene ng humalakhak siya.

"Silly.." She composed herself at dumungaw sa akin. Humaplos ang kaniyang daliri na may kulay dugong pintura sa kuko sa aking pisngi. Kakulay nito ang kaniyang labi na may bahid ng lipstick.

"This room is especially made for the so called 'rule-breaker'. I know you already knew the purpose of this school, newbie. At kahit ganoon ang mga estudyante na narito, they are well-disciplined. But of course, there are few students like us, na sumalungat. At kami iyon—I mean tayo," humalakhak siya muli.

Nanigas ako at nanlalaki ang mata na napatingin sa kaniya.

"You m-mean.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin, tumango siya. She smiled sweetly at muling hinaplos ang pisngi ko.

"You look so innocent, and I can even feel it. But poor you, you're here." Napa-iling siya nang makita ang naguguluhan kong mukha. She giggled.

"Nakalimutan mo na? You tried to escape last night, right?" Tumaas ang kilay niya. Napaawang ang labi ko at pumasok ang alala sa nangyari akin kagabi.

Akala ko... geez. Silly me. Bakit hindi ko naisip na isusumbong ako ng lalaking 'yon. Mariin akong napapikit at kinusot ang mata. At ngayon, I'm here to face the consequence.

"Dear, you can't just escape that easy. Maraming camera na nagkalat sa paligid. Ang epal na Plus èlèvee pa lang, plus those bunches of bitches and assholes na gagawin ang lahat may maibagsak at mahila paibaba, wala ka ng kawala."

She patted my head bago dinukot sa bulsa ang isang pulang lipstick at nilagyan ang kaniyanv pulang-pula na labi. She winked at me at pumunta sa likod.

Sinundan ko siya ng tingin. Sumulyap siyang muli sa akin kaya natitigan ko muli ang kaniyang mukha. Tila may halong banyaga ang kaniyang features. Ang kaniyang napakatangos na ilong at malalim na mata at makakapal na pilik mata. Israelite? Dunno, pero may pagkakahawig siya sa mga tao sa bansang iyon.

Napa-iwas ako ng tingin nang makitang kumandong siya sa isang lalake sa likod and the next thing I knew, I heard weird sounds. Kinilabutan ako. Narinig ko ang halakhak niya. Pumikit ako nang mariin.

"Looks like there's an innocent here.." Natatawang saad ng isang boses ng lalaki. Sinundan iyon ng halakhak ng dalawa pang lalaki ngunit hindi na ako lumingon. Baka kung ano pa ang makita ko. And God knows, that's one of the least thing I want to see.

Ilang beses akong nagigitla sa kinauupuan nang makarinig ng lagabog, pagkabasag at ano-ano pang ingay. Nanlaki ang mata ko at marahas na napalingon sa may likod nang makarinig ng pagtama ng isang bagay sa pader. Nakita ko ang dalawang lalaki na nagngingisihan at tila nag-rurumble-an. Pagulong-gulong sila at nagkakasira-sira ang arrangement ng mga upuan at lamesa dahil sa pagtama nila doon.

'Yong bagong dating na babae at bakla ay sigaw nang sigaw na tila chini-cheer pa 'to. I felt someone tapped my shoulder kaya napalayo ako. I saw Elene grinning.

"Para kang bata na takot na takot. And also a loving mother na alalang-alala sa dalawa. But don't worry, they're twins by the way. Si Hendrei at Hendrix. Bonding nila iyan," aniya at muling bumaling sa dalawa. Napatili ako nang tumama ang ulo ng isa sa kanto ng lamesa. At lumipas ang ilang segundo ay may dugo ng umaalpas doon. Ang isa naman ay sa ilong.

"Oh fuck, twin! You look like a mess.." Tawang-tawa na saad ng dumudugo ang noo sa nag-nonose bleed. Tumawa ito at tinuro ang kakambal.

"You too, asshole," saad nito at pinahid ang dugo.

"Let's bring them to the clinic.." Nag-aalala kong saad. Humalakhak si Elene.

"Nah, no need. Isa pa, hindi na iyan tatanggapin doon. Lagi na lang ganiyan 'yan."

Hindi ako napalagay at tumingin sa paligid. Mabilis akong tumayo at tinungo ang maliit na aparador na may red cross na sign. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ang first aid kit doon.

Kinakabahang lumapit ako sa kanila. But I need to do this... baka mapaano pa sila. Natigil sila sa pagtawa at tumingala sa akin. Bumaba ang tingin nila sa dala ko. Nagtaas ng kilay ang isa. I sighed at umupo sa harap nila.

"Please... let me clean your wounds. Baka ma-infect," nanginginig kong saad. Nakatitig lamang sila sa akin.

Doon ko napansin ang malaki nilang pagkakahawig. Para silang may lahing Koreano dahil sa mga singkit nilang mata. Mapuputi rin ang balat nila at katamtaman ang katawan. Ngunit alam kong malalakas sila gaya ng nakita ko kanina. Ang pinagkaiba lang, kulay red ang buhok ng isa samantalang light pink ang sa isa. Umusog ako palapit sa kanila at kinuha ang bulak.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at dahan-dahang pinahiran ang sugat nito sa noo. Titig na titig lamang sila sa akin at hindi gumagalaw. Huminga ako nang malalim at sinimulang gamutin ang maliliit pa nilang galos.

Dumako naman ako sa dumugo ang ilong. May sugat rin siya sa pisngi. Naiilang ako sa klase ng tingin na binibigay nito. Malamig at tila inaanalisa ako. Nanigas ako nang hawakan niya ang kamay kong nasa may pisngi niya. Napatingin ako sa kaniyang mga mata.

"Twin," malamig niyang saad.

Punong-puno ng kung anu-anong emosyon ang kaniyang mata at nakikita ko iyon sa kaniyang mata. Halos hindi ako makahinga. Anong gagawin nila? Sabi pa naman ni Elene, ang mga nandito ay rule-breaker.

At baka, isa ako sa bigyan nila ng leksyon. Napalunok ako at titig na titig sa kaniya.

"I think I just fell in love.." Nahulog ang panga ko sa sinabi ng nasa harap ko at humigpit ang hawak sa kamay ko.

"Me too.." At lalo akong nanigas nang yakapin ako ng isa pa mula sa likod ko.

*******

Supladdict<3

Angst Academy: His QueenOn viuen les histories. Descobreix ara