"Ouch!" pigil kong tili.

Sumadsad ang tuhod ko sa pader habang bumabagsak. Sumalampak ang pang-upo ko sa semento. Napangiwi ako dahil sa sakit at naramdaman ko rin ang kirot sa tuhod ko. Mali ang naging pagtapak ko. Madilim ang paligid kaya hindi masyadong maaninag lalo na pag nasa may itaas na.

Kinagat ko ang labi at tinignan ang tuhod ko. Buti na lamang at naka-jeans ako. Ngunit napunit ang bahagi sa may tuhod at nagasgasan ang balat ko. May mga maliliit at kaunting dugo rin. Agad akong napaiwas ng tingin doon, iniiwasan na ma-trigger ang kakaibang takot ko sa dugo. Tapos ang sakit pa ng balakang ko. Tss, nakakainis. But I'll try again.

Tumayo ako at nagpagpag ng pwetan. Huminga ako nang malalim at nagsimulang umakyat. Mahigpit ang kapit ko sa naka-usling bato at pinapakiramdaman ang bawat tapak upang hindi na magkamali pa. Ayoko ng mahulog ulit. Ang sakit kaya at isa pa, nasasayang na ang oras.

Ngunit malupit talaga ang tadhana. I ready myself, lalo na ang pang-upo ko sa pagbagsak sa sahig. Mabilis akong napapikit ngunit napamulat rin nang maramdaman ang maiinit na bisig na sumalo sa akin. My heart beat fastly at pakiramdam ko ay maririnig na ng kahit sinong malapit sa akin ang tibok nito. Bumaba ang tingin ko sa aking bewang. Mahigpit ang kapit ng isang braso at nakapulupot sa aking tiyan. Ang isa naman niyang braso ay nasa likod ng tuhod ko. Napalunok ako nang humampas ang malamig na hangin. I can feel his warm breath against my ears.

"What do you think you're doing?" I shivered when his husky manly voice filled my ear.

Natulala ako sa boses na iyon ngunit ng matauhan ay agad akong nagpumiglas. He held me firmly.

"Don't move and I will put you down gently." He said firmly.

Tumigil ako sa pagkilos at tinupad niya ang sinabing ibaba niya ako. He gently put me down. Agad ko siyang hinarap at kinailangan ko pang tumingala nang dibdib niya ang sumalubong sa akin.

He's wearing his jacket with it's hoodie on. Naka-cap rin siya ng itim. Ngunit ang lampost sa 'di kalayuan ay nagbigay ng kaunting liwanag kaya nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang features niya. Hindi malinaw ngunit kitang-kita ko ang hubog ng kaniyang mukha.

He has sharp and proud nose that compliments his clenched and stubborn jaw. Nagtiim-bagang siya habang naka-dungaw sa akin. Napa-atras ako nang tuminding ang aking balahibo sa titig na ibinibigay niya. Malabo at madilim kaya hindi ko makita nang malinaw ang kaniyang mukha ngunit ramdam ko na nakatitig siya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" He asked once again. Napalunok ako. His husky voice sounds sexy. I cleared my throat.

"W-wala ka na roon.." kabadong saad ko at nautal pa.

Tatalikuran ko sana siya ngunit maagap niyang nahawakan ang braso ko. I flinched upon the contact. Nagmumukha akong bata dahil sa tangkad niya. Nagtagis siya ng bagang at kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang pisngi. Humakbang siya palapit and automatically I step backward. Hinuli niya ang aking bewang at nilapit sa kaniya.

Lalong kumabog ang dibdib ko nang magkadikit kami. I'm so nervous. Nakakatakot ang dating niya but somehow it makes me comfortable a little. Pilit ko siyang pinabitaw sa akin ngunit matigas siya at mahigpit ang kapit.

"Let me go.." I whispered.

Nanghihina ako sa lapit ng aming katawan. My chest against his lower chest. Nararamdaman ko ang mabilis niyang paghinga. Nalanghap ko rin ang panlalaki niyang pabango mixed with his natural manly scent. It's addicting...

"No... never," he answered. Bumitaw siya sa braso ko ngunit ang isa niyang braso ay nasa bewang ko pa rin. Inayos niya ang cap niya at lalong dumungaw sa akin. Napalunok ako nang masinagan ng ilaw ang kaniyang napakapulang labi. Napaawang ang bibig ko at napatitig doon. He licked his lips at wala sa loob na napagaya ako.

Natauhan ako sa aking ginawa kaya pilit muli akong kumawala. Ngunit hindi pa rin niya ako pinakawalan.

"Trying to escape, huh?" malamig niyang utas.

Kinabahan ako nang marinig iyon. Of course, he will know. Nakita niya akong umaakyat sa gate at nahulog pa. Kung hindi niya ako nasalo, paniguradong masakit lalo ang pang-upo ko.

"Why? Bakit ka tumatakas?" Tanong niyang muli. Bumagsak ang tingin ko. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga daliri ko at pinisil ang palad.

"Ayoko dito. This is nest of monsters.." I whispered. I felt him stiffened. Maya-maya ay napapikit ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Really? Hmm.." He murmured. I caught my breath and stepped back. Ang lapit namin... pinapabilis nito ang tibok ng puso ko.

"Oo.. kaya palabasin mo ako," bulong ko.

"No... you can't. Deal with the monsters. All I can do is to tame them and never let them hurt my kitten."

Umatras ako at tinulak ang dibdib niya. Nabigla siya sa ginawa ko kaya nabitawan niya ako. Mabilis akong lumayo sa kaniya at aakyat sana muli nang hulihin niya ang bewang ko. And the next thing I knew, my stomach is already on his shoulder. Pinagbabayo ko ang likod niya.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kaniya. Ngunit hindi siya nagpatinag at patuloy na naglakad habang buhat ako na parang sako. Pinunasan ko ang luha na tumulo. I'm so frustrated. Nahuli ako. Mas lalong hindi na ako makalalabas. Hindi na ako makatatakas.

Mabilis at malalaki ang bawat hakbang niya. Malaki siyang tao kaya nakakahilo ang pwesto ko. Napansin ko na lamang na pumasok kami sa puting kwarto. And by the scent of it, nasa clinic na kami.

Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. Yumuko ako at pinalis ang mga luha na kumalat sa pisngi ko at noo.

"Heal her wounds." I heard him said.

Nakita ko ang paglapit ng babaeng naka-puti. She patted my head kaya napatingala ako. I think she's on mid 40's. Tipid siyang ngumiti at walang pasabi na ginunting ang tela ng pantalon ko sa may bandang tuhod.

Nakatalikod na ang lalaki at may kinakalikot sa kaniyang cellphone. I heard him gasped before he removed his cap.

"Take care of her Brenda.." he stated. Tumango ang babae na ginagamot ang sugat ko.

"I will Greg.." sagot niya at tuluyan nang umalis ang lalaki.

*****

Supladdict<3

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now