Pagkatapos namin kumain, ako na ang nagprisinta para maghugas ng pinggan. Pero si Bea, nagpupumilit na siya na daw.

"Ako na Jho, please"

"Ano ba yan, Bea?! Don't tell me after three years ngayon ka lang din makakapaghugas ng pinggan?" Tumawa siya bago umiling "Hindi naman pala eh. Doon ka na sa sala. Kanina atat na atat kang magtext, ngayong pwede na nanggugulo ka naman dito"

"I just want to help you" she said then pout. Winisikan ko siya ng tubig sa mukha kaya napasigaw siya.

"Wag kang maginarte. Ikaw na nagluto diba? Kaya ko na to. Doon ka na"

"But, love--"

"Isa" I cut her off kaya napahinga nalang siya.

"Okay. I'll wait for you there"

Nagulat naman ako ng bigla niya kong halikan sa pisngi. Tinignan ko siya ng masama pero tatawa-tawa lang siya.

"Baliw" bulong ko

"Sino kaya? Ikaw nga nakangiti mag-isa eh" nagulat ako ng biglang magsalita si Jia.

"Sa susunod naman malayo ka palang magsalita ka na. Para hindi ako nagugulat"

"Kape pa" natatawang sabi niya "Ano ba talagang gayuma meron sa kape mo?"

"Tigilan mo ko Morado ha. Tapos ka na ba sa ginagawa mo?"

"Hindi pa. Ayoko na. Bukas nalang"

"Oh ikaw na maghugas, wala ka na palang ginagawa eh" humarap ako sa kanya at nagpunas ng kamay.

"Alam mo Jho, kung pwede namang gawin ngayon bakit ipagpapabukas pa? Kaya maiwan na muna kita. Tatapusin ko na yung ginagawa ko"

Mabilis siyang nakatakbo bago ko pa maibato sa kanya yung sponge. Ang dami pang sinabi, ayaw lang naman maghugas.

Pagkatapos kong maghugas, uminom muna ako ng tubig bago pumunga sa sala. Inabutan ko si Jia at Bea na nagtatawanan.

Hindi naman nila ako napansin kaya pinagmasdan ko lang muna sila-- si Bea. Tumatawa siya na halos hindi na makahinga.

Bigla akong napaisip. Kung hindi kaya kami naghiwalay, ano kayang nangyari?

May anak na kaya kami? CHAROT! Asa naman. Pero ano nga kaya ano? Paano kung hindi kami naghiwalay noon? Siguro sobrang strong na ng relationship namin. Ilang taon ba naging kami? Isa? Mas matagal pa yung time na nawala siya eh.

Tatlong taon siyang nawala. Tatlong taon akong umiyak, nagmukmok, nagpaka-bitter, nagdusa. Dapat nagagalit ako sa kanya, pero ng makita ko yung lungkot sa mata niya, wala na akong ibang gusto kundi yakapin siya.

Hindi ko na naisip na pinapahamak ko na naman ang sarili ko. Na pwedeng iwan niya ulit ako at saktan. Nakalimutan ko ng lahat ng makita ko siya.

Ano bang meron sa'yo na kahit pilit kong diktahan yung puso at utak ko, ikaw at ikaw pa rin yung hinahanap hanap nito? Ang cheesy pakinggan, ang corny. Pero wala eh, si Bea yan. Si Bea na nagiisang tao na inimagine kong makakasama ko sa future. Si Bea na sobrang mahal ko.

"Hey, love"

Nabalik ako sa realidad ng tawagin niya ko. Naglakad ako palapit sa kanya. Nagulat pa ata siya ng hawakan ko ang kamay niya.

"Thank you"

"For what?" tanong niya.

"Sa breakfast. Ang galing mo na magluto" Ngumiti siya bago halikan ang kamay ko

"Buti nagustuhan mo"

Ngumiti din ako at hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya sa noo. Nagulat siya, pati si Jia narinig kong nagreact.

Complicated HappinessМесто, где живут истории. Откройте их для себя