Chapter 37: Escape

8.9K 324 16
                                    

Chapter 37: Escape

**********

Napatango tango naman kami ng sabihin samin ni Laxus ang plano niya. Ang plano kasi ay mag papanggap ako na binubogbog nila at kapag pumasok ang isa sa mga kawal at duon kami kikilos lumabas.

"Simulan na natin." Seryosong sambit ni Macao.

Nakalimutan kong sabihin na nakawala na nga pala kami sa mga kadena. Remember fire user ako, nilusaw ko yung mga kadena na nakapiit samin. Pero kailangan namin mag panggap na nakapadena parin para hindi kami mahuli.

"ARAY! TULONG!" Sigaw ko at sinadyang matumba sa semento.

Acting lang yun noh haha.

"Halika ditong babae ka papatayin kita!" Kunwaring galit na si Evergreen at pilit na nilalapitan ako.

Nakarinig kami ng sunod-sunod na yapak papunta dito sa selda. "Anong kaguluhan ito?" Tanong ng isang kawal.

"T-tulong sinasaktan nila ako..." Sabi ko with matching hawak pa siya tiyan.

"Lagi naman nagkakagulo dito." Inis na sabi ng kawal. Simple akong napangiti nang buksan na niya yung rehas.

Tumingin ako kina Evergreen at tumango sila, sign na na gawin ko na.

Bigla kong sinipa yung kawal sa tiyan kaya napaluhod ito. Sunod ay malakas ko siyang sinuntok sa kanyang mukha dahilan para mawalan ito ng malay at tumumba.

"Lika na." Sabi ko kina Laxus. Sitayuan na sila at inihagis ang mga kadena kung saan.

"Ang galing mo dun ah haha." Sabi ni Jovlin nang makalapit na sila sakin.

"Umalis na tayo dito. Alam ko na sa mga oras na'to ay alam na ng head master ng dark academy ang nangyari dito. Anytime ay mag papadala na iyon ng mga kawal upang hulihin ulit tayo." Sambit ni Laxus.

"Nahuli nila tayo dati kasi pinatulog nila tayo gamit ang isang potion. Tignan natin ngayon kung kakayanin nila tayo." Sambit ni Evergreen.

"Matagal tagal ko na din hindi nagagamit ang kapangyarihan ko." Jovlin.

"Mag babayad ang matandang iyon sa pagkulong niya satin." Dergora.

"Ayun sila!" Napatingin kami sa kanan namin at nakita ang mahigit sampung kawal na papalapit samin. May dala pa itong mga sibat at ispada.

Oh no tama nga si Laxus. Siguro may third eye ang head master at nalaman niya agad ang ganap dito.

"Ako nang bahala sa kanila." Sambit ni Evergreen. Tinanggal niya ang salamin niya at tumitig sa mga kawal na papalapit sa'min. Nagulat kami ng biglang na freeze yung mga kawal at unti-unti naging bato.

Woah. Ang angas ng kapangyarihan niya!

"Iyan ang kapangyarihan ni Evergreen. Kaya ka niyang gawing bato sa pamamagitan ng pag titig niya lang." Sabi ni Jovlin.

Nakakatakot naman pala si Evergreen. Ang ganda pa naman sana niya.

Tumakbo na kami palabas ng kulungan pero pag labas namin sa hall ay pinalibutan kami ng mga dark academy na students at nakatutok samin ang mga kamay nila.

"Sa tingin niyo ba ay hahayaan namin kayong makatakas?" Sabi ng isang estudyante.

Grabe naman ang mga to. Talagang inabangan nila kami?

Biglang lumakas ang hangin at sa isang iglap ay nagkaron ng malakas na tornado at umikot ikot dun ang mga dark academy na student. Kasabay ng pagkawala ng tornado ay nagtalsikan ang mga students sa pader.

"Air element. Kanino iyon?" Tanong ni Macao.

Mula sa likuran ko ay may isang tao ang yumakap sakin ng mahigpit.

"Thanks god you're ok." Sabi ni Ace habang nakasandal pa ang baba niya sa balikat ko.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The Fire Princess [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara