Chapter 18: Confetti Manipulator

13K 400 27
                                    

Chapter 18: Confetti Manipulator

***

[ Fiera's POV ]



"Hungry wolf knight? Pfft HAHAHAHAHA!!!!!" Nagulat kami nang biglang natawa si Luke. Feel na feel pa talaga niya ang pagtawa dahil nakahawak pa siya sa tyna niya.



"Ang corny ng pangalan ng grupo niyo! Ano yan samahan ng mga pangit? HAHAHAHAHAHA!" Wala paring humpay ang kanyang tawa.



Napasapo nalang kami sa aming mga noo. Paano niya nagagawang tumawa sa ganitong klase ng sitwasyon? Lalo niya lang ginagalit ang limang nilalang na ito! Baka mas lalo silang ma motivate na kalabanin kami dahil sa ginagawa niya!



"Luke stop it! Baka lalo lang silang magalit!" Saway sa kanya ni Patty.



Nandito parin kaming dalawa ni Patty sa likod ng puno. Nagtatago. I admit natatakot ako. Hindi naman kasi namin sila kilala at hindi namin alam ang mga kaya nilang gawin samin.



"Sige. Itawa mo lang iyan. Iiyak ka mamaya." Sabi ng lalaking red yung buhok na may hawak na wine bottle.



"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ni Kaizer.



"Ang mapatay kayo! Alam namin na hinahanap niyo ang limang espiya na galing sa Mystinious Academy. At hindi namin pahihintulutan na mangyari iyon!" Sigaw ng isang babae na Violet ang buhok.



"Simulan niyo nang mangatog sa takot. Dahil hanggang dito nalang ang inyong mga buhay." Sabi naman ng babaeng pink ang buhok.



Lima sila. Dalawang babae at tatlong lalaki. At hindi parin nawawala ang mga nakakakilabot nilang ngiti sa kanilang mga mukha.



"Bakit hindi pa natin simulan itong laban? Nang magka-alaman na." Sabi ni Ace at ngumisi. Seryoso ba siya? Kami nga dito takot na takot na tapos siya nag hahamon pa?!



"Kung yan ang gusto niyo! Hahaha!" Sigaw ng babaeng violet ang buhok.



"Eshtie mayarli!" Bigkas ng lalaking nakamaskara na mata lang ang nakikita.



Bigla nalang may mga matataas na pader ang tumubo sa lupa. Sa isang iglap ay nag-hiwa hiwalay kami. Nag mistulan kaming nasa isang Maze. Ang bilis ng pangyayari. Parang gumalaw yung lupa at pinag hiwa hiwalay kami. Ngayon ako nalang ang mag isa.



Asan kaya sila?



"Guys?! Patty? Luke? Kaizer? Ace?" Sigaw ko pero ni isa ay walang sumagot.



"Malayo na sila sayo.." Nagulat ako ng biglang sumulpot yung babaeg violet ang buhok.



Tinaasan ko siya ng kilay.



"I'm not talking to you." Sabi ko.



"Well, now we're talking. I'm Megan by the way." Sabi niya at kumindat pa. Eww.



Akala naman niya interesado ako sa kanya. Tsk.



"I'm Fiera, and I'm not interested about your shits. Get out of my way or I'll slap your ugly face... With a chair." Ngumisi ako at nilagpasan siya. Bahala siya jan. Kailangan kong hanapin sila Patty.



"You won't get away!" Sigaw niya at binato ako ng silver confetti. Mabuti nalang ay mabilis ko iyong naiwasan kundi ay nalaslas na ang balat ko. Naging blade kasi at bumaon sa lupa.



Comfirm. Kalaban nga ang mga ito.



"Layuna mo ko. Hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo." Seryosong sabi ko sa kanya.



"Gusto ko yan... PALABAN. Mas lalo tuloy akong nanggigigip na tirisin ka!" Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.



"Wag kang mag salita na akala mo ay kaya mo ako. Hindi mo pa ako kilala." Sabi ko naman.



"Talaga? Sige nga! Ipakita mo ang kaya mo!" Sigaw niya. Hinahamon niya talaga ako? Sige pagbigyan.



"Fire magic, double fire ball!" Bigkas ko at lumabas ang magkasunod na fire ball sa aking kamay. Naiwasan niya yung isang fire ball ngunit pag lingon niya sakin ay sinalubong siya ng isa pang fire ball. Tumama yun sa mukha niya. Tumalsik siya palayo.



Habang hindi pa siya nakakatayo ay tumakbo na ako papalayo sa kanya. Kailangan ko nang mahanap sila Patty. Ayokong lumaban. Ayokong gamitin ang fire element ko. Natatakot ako na baka maulit yung nangyari nuon. Ayokong mawalan ako ng control at magsisi sa huli.



"At saan ka pupunta?" Biglang lumitaw si Megan sa harap ko. Napa-atras ako.



Nasundan niya ako! Pero hindi ko kailangan matakot sa kanya. Mahina lang yan Fiera. Kayang kaya mo na yan.



"Dito na kayo mamamatay!" Sabi niya. Napaatras ako ng maglabas ito ng yellow confetti sa kamay niya.



"Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko.



"I'm gonna kill you!" Mabilis niyang inihagis sakin yung yellow confetti. Nagulat ako ng dumami ang bilang nun at pumalibot sakin. At habang tumatagal ay nag iiba ang itsura nun...



Nagiging...



Lighting. Shit. I'm dead.



"AHHHHH--- UGHHH SHIT ANG SAKIT!" Sigaw ko habang nakukuryente sa lightning niya.



Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa kuryenteng bumabalot sakin. Pakiramdam ko puputok yung mga ugat ko. Sobrang sakit! Siguradong after nito ay mamamanhid na ang buo kong katawan!



"Wahahaha I love that kind of expression! You look so pain! Bwahahaha!" Tuwang tuwa na sabi niya habang pinapanuod lang ako na makuryente.



H-hindi ako makagalaw... Namamanhid yung buong katawan ko.. Fuck! Aaaaah shit! Humanda ka saking babae ka! Kakalbuhin talaga kita!



Napapikit nalang ako dahil sa sobrang sakit...



Nagulat ako ng mag labas ulit siya ng bagong confetti. This time ay silver confetti naman. Yung confetti kaninang binato niya sakin na naiwasan ko!



Agad niya yun hinagis sa direksyon ko. Habang tumitilapon iyon papunta sakin ay dumadagdag ng dumadagdag yung bilang nun.



Napa-upo ako ng maglaho na yung kuryente. Shit.. Ang sakit parin ng katawan ko!



"AAAAAH!" Napasigaw ako ng maging blade yung mga white confetti na binato niya sakin at dinaplisan niyon ang iba't ibang parte ng katawan ko.



Aray! Ang hapdi! Umaagos na ang dugo sa braso ko at pisngi na nadaplisan ng blades niya.



"You like it?" Nakangising tanong niya.



"S-stop this!" Sigaw ko.



Dito na siguro ako mamatay.



Mag babayad talaga ang babaeng to kapag naka laban ako. Hindi lang mukha niya ang susunugin ko! Pati ang katawan at kaluluwa niya!



"Hahaha mukhang ma-eenjoy ko ang laban na ito. Para kang laruan na walang kalaban laban." Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.



Naglabas muli siya ng confetti. This time ay color black naman.



Agad niyang pinalipad iyon sa direksyon ko...




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now