Chapter 24: Patty vs Rose

8.8K 296 6
                                    

Chapter 24: Patty vs Rose

**********

"Oh ano ka ngayon? Yun na ba yun? Yun na ba yung lakas na sinasabi mo? Hahaha ang hina mo naman pala." Sabi ko sa kanya matapos kong mapatumba yung mga puno.

Sinamaan niya ako tingin. "Wag kang mag saya. Hindi ko pa nailalabas ang lahat ng kapangyarihan ko!"

"Flower bomb!" Sigaw niya.

Bigla nalang may tumubong mga bulaklak sa paligid ko at sunod-sunod na sumabog.

"Shit!" Sigaw ko. Tumalon-talon ako para ma-iwasan yung mga flower bomb.

Kulay pula ang kulay nun kapag sumasabog. Halatang masusunog ka talaga kapag nasabugan ka.

"Wahahaha! Sige lang! Umiwas ka hangga't kaya mo!" Sigaw niya.

Punyeta kang babaeng ka kapag talaga nawala yang mga flower bomb mo ay sasaksakin kita sa ngalangala.

"Aray!" Tumalsik ako nang biglang may malaking kamao ang sumuntok sakin. Pag tingin ko kay Rose ay nakangisi siya habang kinokontrol yung malaking kamao.

Siya pala yung nag cocontrol dun. Malamang siya din ang gumawa nun.

Susuntukin dapat ako ng malaking kamao pero hinarang ko ang ispada ko kaya nahati iyon at naglaho.

"Ang boring na ng laban na 'to. Ang mabuti pa ay tapusin ko na ito..." Sabi niya at biglang yumanig ang lupa at may lumabas na malaking ugat sa lupa at pumulupot iyon sa paa at kamay ko. Nabitawan ko yung ispada ko.

Ugh damn this girl! Paano ako makakalaban sa kanya kung nakatali ako?!

May tumubo ulit na malaking ugat sa lupa. Pero ang pinagkaiba nito ay matulis at matalim. Napalunok ako ng tumutok sakin iyon.

"A-anong binabalak mo?" Tanong ko sa kanya.

"Didn't you see? Papatayin na kita." Sagot niya.

"Hindi ako papayag!" Sigaw ko.

"Angel sword save me!" Sabi ko sa ispada ko.

Biglang lumutang yung ispada ko at nagkaroon ng sariling buhay. Pinagpuputol niya yung mga ugat na naka pulupot sakin. Pati yung matulis na ugat na nakatutok sakin ay pinutol niya.

Sinalo ko yung ispada ko at ngumisi sa kanya.

"NOOOOO! HINDI ITO MAAA---" Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nang bigla nalang itong nawalan ng malay at humandusay sa lupa.

Sinong gumawa nun?

"Magaling Patty my loves." Napatingin ako kay Luke na lumabas sa isang puno na pumapalakpak.

"Kanina ka pa ba jan?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sagot niya.

"Ano?! Kanina ka pa jan pero hindi mo man lang ako tinulungan?!"

"Sorry na my loves. Nag enjoy ako panoorin kayo eh."

"Enjoy your face! Alam mo bang muntik na akong mapatay ng babaeng yan kanina?!"

"Woah easy! Tutulungan naman talaga kita pero alam ko na kaya mo naman ang sarili mo."

Nag cross arms ako at tinarayan siya. Ka-imbyerna itong lalaking to. Kung tinulungan na niya ako kanina edi sana ay kanina pa natalo yung babaeng yun.

"Umalis na tayo dito. Hanapin na natin sila Kaizer, Ace at Fiera." Sabi ni Luke.

"Oo nga pala. Tara na." Umalis na nga kami at hinahanap sila Fiera.

Hope na ayos lang sila.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry kung may typo man. Vote and comment po ^____^

The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon