Chapter 1: Meet Him

27.6K 939 72
                                    

Chapter 1: Meet Him

***

[ Fiera's POV ]



Pagpasok ko sa dorm ko ay nilibot ko ang mata ko sa buong silid. Gold and silver ang theme ng dorm. At yung mga gamit ay halatang mamahalin. Kompleto siya. May room, salas, kitchen and ofcourse cr. And Oh, may veranda pa! Para lang akong nasa Diamond Hotel.



Pumasok ako sa kwarto at nilapag yung bag ko sa kama, itinabi ko naman yung dala kong maleta sa tabi ng cabinet. Mamaya ko nalang aayusin yung mga dala ko.



Naisipan ko munang mag shower kaya naman nag na palit ako ng bathrobe. Pumasok ako sa cr at nag umpisa nang mag shower. Damang dama ko ang lamig ng tubg. Ang sarap sa pakiramdam. After kong maligo ay sinuot ko na yung uniform ng academy na naka patong kanina sa kama na naka fold pa.



Ang cute nga eh. Bagay na bagay sakin. White long sleeves na blouse at nasa upper Left ng uniform yung logo ng academy. Then may color black pang necktie. Yung palda naman ay hanggang above the knee, and yung shoes ko ay may 3 inches heels.



After kong mag bihis at mag ayos ng sarili sa harap ng salamin ay napag desisyunan kong lumabas muna at mag libot-libot sa buong campus. Since late naman na ako kaya bukas nalang ako papasok.



Naisipan kong umakyat muna sa rooftop para magpahangin saglit. Buti nalang class hours ngayon kaya naman ako lang mag isa ang nandito. Ang sarap ngang tumambay dito eh. Tanaw na tanaw mo yung mga kabahayan sa malayo at ang mga nag tataasang puno at mga bundok. Pati yung mga fairies na nag liliparan tanaw na tanaw ko.



May isang magandang ideya na pumasok sa isip ko.



Mag training nalang ako! Tutal ako lang naman mag-isa ang nandito. Tama mag training nalang ako. Para kahit papano ay mapag aralan ko kahit konti ang kapangyarihan ko.



Pumwesto ako sa gitna ng rooftop. Inayos ko ang posisyon ng kamay at paa ko saka sinubukang mag palabas ng fire ball. Napangiti ako nang makitang kalmado lang ang fire ball na tila nakalutang lang sa aking palad.



Unti-unti ko itong pinapalaki. Ito ang una kong kailangan matutunan--- ang kontrolin ang apoy.



Dahan dahan lang...



Habang tumatagal ay palaki na ng palaki ang fire ball sa palad ko. Nanlaki yung mga mata ko ng hindi ko na ito macontrol. Parang nagkaron bigla ng sariling buhay. Hanggang sa lumaki pa ito ng lumaki.



Shit pano to mawawala?!



Napaatras ako habang pinagmamasdan yung fire ball ko na nagiging higante. Anong gagawin ko?! Hindi pwedeng maka agaw ng atensyon ito dahil kung magkakataon lagot ako!



"Shit lumiit ka! Lumiit ka!" Sabi ko at tinapat yung dalawa kong kamay sa fire ball upang paliitin ito. Pero may lumabas lang na apoy sa kamay ko na dumagdag pa sa paglaki ng fire ball!



"Kailangan mawala to! Masusunog ko ang academy kapag---" Biglang may malaking water ball ang tumama sa fire ball ko kaya naman agad iyon na naglaho.



Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at nawala din. Pero teka, kaninong water ball yun?



"Ayos ka lang miss? Mukhang kailangan mo ng tulong ah." Napatingin ako sa lalaking nag salita. Nakatayo siya sa may terrace at nakangiti sakin.



Gwapo siya at mukha namang mabait. Ay tinulungan niya nga pala akong tupukin yung malaki kong fire ball. Malamang mabait talaga siya. Pero wala akong interest sa mga lalaki.



"I'm fine and I don't need your help." Sabi ko at akmang mag lalakad na sana pero mabilis siyang bumaba sa terrace at humarang sa daraanan ko.



"You're welcome." Sarcastic niyang sabi.



Tinaasan ko siya ng kilay. "I didn't ask for you help."



He chuckled. "Kung hindi kita tinulungan baka nasunog mo na ang buong academy."



"Tss. OA mo ah. Kung makapag salita ka para namang walang kapangyarihan ang mga tao dito." Sabi ko.



"Hahaha ang ganda mo sana eh. Kaya lang ang sungit mo." Sabi niya.



Napa-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Duh I'm still a girl! Ang awkward kayang masabihan ng maganda lalo na sa isang lalaki na ngayon ko lang naman nakilala!



"Tss jan ka na nga!" Sabi ko at iniwan siya. Pero mabilis akong napahinto nang mag salita siya.



"Hindi mo kayang kontrolin ang magic mo diba? I can teach you if you want." Sabi niya.



Parang may kung ano sakin na gustong pumayag sa offer niya. Malaking bagay sakin ang pag tetraining para mapabilis ang pag kontrol ko sa kapangyarihan ko. And with that, makakasabay ako sa mga students dito.



"Hindi ko kailangan." Sabi ko.



Actually nahihiya lang talaga ako!



"Saglit lang to promise. Para next time hindi ka na malagay sa panganib dahil jan sa uncontrollable magic mo." Natatawang sabi niya.



Sa bagay may point siya. Kung hindi ko pa matutunan gamitin ang magic ko, maaaring ito pa ang mag pahamak sakin. Katulad na lang ng nangyari kanina na muntikan ko nang masunog ang rooftop ng academy.



"Fine. Ituro mo sakin lahat ng alam mo." Sabi ko at nag iwas ng tingin. Nakangiti kasi siya sakin at hindi ako sanay na nginignitian ng isang gwapong nilala--- wait what?! Kung ano anong lumalabas sa bibig ko bwisit.



Nagulat ako ng matawa siya ng mahina.



"Ang cute mo pala pag nag ba blush."



Nanlaki ang mga mata ko. Me? Blushing? WHAT THE HECK?!



"Shut up! Sadyang mainip lang talaga dito sa rooftop." Palusot ko. Nakakahiya bwisit!



"Pfft. I'm Kaizer Smith, by the way." Pakilala niya.



"I'm Fiera Kim Cress. But call me Fiera nalang for short." Pakilala ko.



"What a beautiful name. Nice to meet you miss. Cress." Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan nang kunin ang kamay ko at hinalikan ito.



What the..........heck




---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote & comment!



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now