Chapter 30: Dark Side

10.9K 305 3
                                    

Chapter 30: Dark Side

**********

[ King Liardo's POV ]

"King Liardo, alam na po namin kung saang lugar naroroon ang limang bata na pinalabas ng Mystinious Academy upang ipadala sa isang misyon." Sabi ng isang kawal sa'kin.

"Magaling. Mag sama ka ng maraming kawal at puntahan niyo ang limang batang iyon. Dalhin niyo dito si Fiera ng buhay. Patayin niyo naman ang kanyang mga kasama upang hindi na makabalik pa sa Mystinious Academy at ipaalam ang nangyari." Sabi ko sa kawal habang nakatingin sa malaking bintana ng aking palasyo.

"Masusunod King Liardo." Sabi niya bago umalis sa harap ko.

Malapit na. Konti nalang ay mabubuhay na ang aking namatay na anak. Oras na makuha ko na ang element of fire na hawak ni Fiera ay magbabalik na ang Prince of dark kingdom.

Sa oras na magbalik ang aking anak ay sinisigurado ko na maaangkin namin ang buong Magic World at papatayin ang mga tututol samin. Isa na dun ang Mystinious Academy.

Konting panahon na lamang ay kikilos na ang Dark Academy upang wasakin ang Mystinious Academy.

Maikling panahon na lang ang lahat.

[ Fiera's POV ]

"Anong klaseng sign, Ace?" Tanong ni Patty kay Ace.

"I think Ace is right. Sign na 'to na may panganib na paparating." Sabi naman ni Kaizer.

"Sa tingin ko din kaya kailangan natin mag handa." Sambit naman ni Luke.

Bigla tuloy akong kinabahan sa mga pinagsasabi nila. Grabe naman tong mga to, panganib agad?

"Guys baka naman nagkataon lang ang lahat." Sabi ko.

"Nagkataon? Bakit hindi ko mabuhay ang mga halaman gamit ang kapangyarihan ko? Isa lang ang ibig sabihin nito, nag babadya ng panganib ang mga nangyayari ngayon." Sabi ni Luke.

"Guys look..." Napatingin kami kay Patty na kasalukuyang may itinuturo.

Pagtingin naman namin sa itinuturo niya ay pare-pareho kaming nagtaka sa nakita.

Isang malaking itim na usok ang paparating sa direksyon namin ngayon.

"Anong klaseng usok ang mga iyan?" Tanong ni Patty.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga usok na iyan." Kaizer.

"Mag handa kayo." Ace.

Sinunod namin ang sinabi ni Ace. Tumayo na kami at naghanda sakali mang panganib nga ang dala ng usok na iyon.

Biglang nahati yung mga usok sa maraming bilang. Nag hiwa-hiwalay ang mga iyon pero papalapit parin sila samin.

"Nahati sila." Luke.

"Nakikita po namin." Pagtataray ni Patty.

"Wag nga kayong mag bangayan jan!" Ako.

"Water shield." Sabi ni Kaizer at sa isang iglap ay pinalibutan kami ng water shield.

Lahat ng tingin namin ay nakasunod lamang sa mga itim na usok. Sabay sabay naman silang bumaba sa lupa. Biglang may itim na ilaw ang lumabas sa mga usok at sa isang iglap ay naging mga nilalang sila na nakasuot ng itim na maskara at itim na cloak.

"Sabi na nga ba." Mariin na sambit ni Ace.

"Sino ang mga iyan?" Patty.

"Hindi ko sila kilala pero isa lang ang alam ko. Mga kalaban sila." Kaizer.

"Mukhang mapapalaban nanaman tayo." Sabi ko.

Seryoso nakakatakot talaga ang mga nilalang na nasa harap namin ngayon. Mga naka-itim at nakamaskara. Halatang mga lalaki ito dahil malalaki ang katawan niya.

"Ibigay niyo samin ang babaeng iyan kung ayaw niyong masaktan." Sabi ng isang lalaki at tinuro ako.

Wait what?! Bakit nila ako kailangan?!

"Sandali bakit ako? Mahirap lang po ako!" Sabi ko.

"Anong kailangan niyo kay Fiera?" Patty.

"Do what you want, pero hindi niyo makukuha si Fiera samin." Kaizer.

"Hindi kami natatakot sa inyo!" Luke.

"Wala kayong makukuha ni isa samin dito." Ace.

Natawa siya ng mahina. "Matatapang. Pero sige, kung hindi niyo ibibigay ang hinihingi namin ay kakalat ang maraming dugo ngayon dito sa kagubatan." Sambit niya at ngumisi.

Napalunok ako kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you po sa mga nag vovote and comment! Much appreciated ^___^

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now