Chapter 21: Kaizer vs Zen

10.4K 348 18
                                    

Chapter 21: Kaizer vs Zen

***

( Kaizer's POV )




"Mag sisimula na ang tunay na laban." Nakangising sambit ko.




Ayoko ng patagilin pa ang laban na ito. Nagsisimula pa lang kami sa mission namin may humahadlang na? Pero kahit sino man sila o gaano pa sila karami ay hindi ang mga katulad nilang insekto ang makakatalo samin. Isa lang ang masasabi ko sa kanila,




Mali sila ng binabangga.




Tumayo naman siya at matalim akong tinitigan. "Easy ka lang bro. Baka hindi mo ko kayanin pag nag seryoso ako sa laban." Mayabang nitong sabi.




"Seryoso man o hindi kayang kaya kitang inguodngod sa kinatatayuan mo ngayon ungas!" Sigaw ko sa kanya.




"Talaga? Okay let see..." Sa isang kurap ko lang ay nawala na siya sa paningin ko. Gumawa ako ng water dagger na mahigpit kong hinawakan saka ko maiging pinakiramdaman ang paligid kung papalapit ba siya sakin.




Kailangan kong maging alerto dahil kung hindi ay baka maunahan niya ako na maaari kong ikatalo. Pero gaya ng sabi ko kanina, hindi ko yon hahayaang mangyari.




Lumakas bigla ang hangin at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Binigyan niya ako ng sunod-sunod na suntok at sa sobrang bilis ng kamao niya ay hindi ko nagawang iwasan lahat ng atakeng yon.




"Water Style!" Bigkas ko. Napahinto siya sa pagsuntok at nanlaki ang mga mata sa gulat nang makita ang nangyari sakin. Naging tubig ako at gumapang papunta sa likuran niya.




Gumawa ako ng dagger at sinubukang isaksak sa kanya ngunit mabilis nanaman siyang naka alis sa paningin ko. Shit bakit ba sobrang bilis niya?!




"Ako ba ang hinahanap mo?" Paglingon ko sa gilid ko ay sinalubong ako ng kamao niya niya. Tumalsik ako at bumagsak sa lupa. Napadaing nalang ako sa sakit. Tangna ang sama ng bagsak ko!




"Yun na yun par? Come on entertain me more! Mahina ka naman pala eh." Nanghahamong sabi niya. Bwisit na to ginagalit talaga ako.




"Wag mo kong hintayin makatayo! Lulumpuhin talaga kita nang hindi ka na makatagpo pa." Sabi ko sa kanya.




"Really? Pano mo magagawa yon eh hindi mo nga ako mahuli huli!" Sambit niya at tumawa ng napaka lakas.




Napayukom ang kamao ko sa galit. Ngunit isang magandang ideya ang pumasok sa utak ko. Napangisi ako. Dahil sa naisip ko, siguradong akin na ang panalo!




I smirked. "Alam mo par hindi ko inakalang ganun ka pala kabilis. Grabe tapos ang lakas mo pa!"




"Buti naman at nagising ka na sa katotohanan par! Sumuko ka na kase. Wala ka namang laban sakin eh." Sabi niya at nagtaas noo pa.




Ngumisi ako at tumayo.




"Naniwala ka naman. Hindi ko alam na uto-uto ka pala na may pagkatanga. Ngayon tignan natin kung sinong mananalo." Sabi ko at lumaki ang ngisi.




"Huh hindi ka parin pala nadala? Sumuko ka nalang kase par. Wala ka namang chance na manalo eh. Sinasayang mo lang lakas mo!" Mayabang na sabi niya.




"Really? Then try to dodge it."




"Water shuriken!" Bigkas ko. May lumabas na tubig sa kamay ko at nag form yun into a three shurikens saka ko pinalipad sa direksyon niya.




"Ang dali-dali lang iwasan--- OUCH!" Napasigaw siya ng magkaron ng tatlong hiwa yung pisngi niya dahil sa pagdaan ng tatlong shurikens ko na hindi niya nagawang iwasan.




He tried to escape pero hindi niya nagawang umalis sa pwesto niya. Gulat na gulat siyang napatingin sa paa niya at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makitang nakabalot ang mga ito sa sa tubig na naka konekta sa ilalim ng lupang tinatayuan niya.




I smirked. "That's what I'm talking about. Sa tulong ng aking water extension hindi mo na magagagamit ang super speed mo. Hindi mo na ako matatakan. Sa madaling salita. Talo ka na."




"Shit! Pano mo to nagawa ng hindi ko nararamdaman?!" Sigaw niya at pilit na kumakawala sa tubig na nakabalot sa mga paa niya.




Umayos ako ng tayo at ngumiti ng nakakaloko.




"Simple lang. Habang nakahiga ako kanina sa lupa ay pasimple kitang dinaldal nang sa ganon ay hindi mo mamalayan ang ginagawa kong plano. Gumawa ako ng water extension na pinadaan ko sa ilalim ng lupa papunta sa tinatayuan mo at maingat kong binalot ang mga paa mo gamit ito. At dahil engot ka hinayaan mong magtagumpay ako." Sabi ko.




Napanganga siya. "Ibang klase. Pero pwede naman nating pag usapan to diba? Pakawalan mo lang ako promise magpapakalayo na ko." Sabi niya.




"Nagmamakaawa ka ba na pakawalan kita?" Mapang asar kong sabi.




"Parang ganun na nga..." Sabi niya at kumamot pa sa batok.




Ano ka ngayon huh? Kanina pa ako nanggigil sayo ngayon lagot ka sakin!



"Sorry par pero ang mga kupal na katulad mo ay dapat binubura na sa mundo." Sabi ko.




"Anong ibig mong sabihin?" Nauutal na sabi niya.



"Ano pa ba edi buburahin ka na sa mundo!"




"Ano?! Puta wag naman ganyan par! Marami pa akong pangarap!"




"Kung hindi ka mawawala, paniguradong marami ka pang buhay na peperwisyuhin."




"Magbabago na nga ako eh! Pakawalan mo lang ako sige na!"




Hindi ko na siya pinansin. Kailangan ko na siyang tapusin dahil masyado na niyang nasasayang ang oras ko.




Tinapat ko ang dalawang kamay ko sa kanya. "Waterfield." Bigkas ko at sa isang iglap ay nakakulong na siya sa waterfield.




"Par anong balak mo?! Bat mo ko kinukulong dito?! Ilabas mo na ako please!" Pagmamakaawa niya na halatang takot na takot na.




"Water poison style." Bigkas ko at unti unting nagkakaron ng poison water yung loob ng waterfield. Hanggang sa maging hanggang leeg na niya yung poison.




"P-par w-wag m-mo k-kong l-lasunin!"




Hanggang sa tuluyan na siyang malunod sa posion. Naging dark violet na yung kulay ng mukha niya. Nalason na ang ungas. Dapat lang sa kanya yan. Tsk.




Ngayon kailangan ko ng hanapin sila Fiera. Asan kaya sila? Sana ayos lang sila.




-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hey sorry kung sobrang tagal ng pag eedit ko. Actually tinamad na talaga akong mag wattpad pero nagbabalik na ako ngayon hahaha! Ayun lang, sana nagustuhan nyo tong edited version.

Wait for the next update nalang po thanks :)




EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin