Chapter 52: The rise of The Dark Prince

7.8K 241 3
                                    

Chapter 52: The rise of the Dark Prince

**********

[ Ace's POV ]

"Bilisan natin!" Sigaw ko. Kasama kong lumipad sina Patty, Luke at yung Cyrus the fairy. Tutungo kami sa dark kingdom upang iligtas duon si Fiera. Alam namin na duon siya dinala ng dark king. Oras talaga na may gawin sila sa babaeng mahal ko mapapatay ko silang lahat.

"Ace hinahabol tayo ng mga dark sides!" Sigaw ni Patty. Lumingon ako at tama nga siya. Nakasunod samin ang mga dark sides.

Gumawa ako ng malaking barrier at kinulong sila dun. Dahilan upang hindi na nila masundan. Nakita pa namin na pinipilit nilang basagin ang barrier na ginawa ko.

"Sana ayos lang si Fiera." Nag-aalalang sabi ni Patty.

Sana nga...

[ Kaizer's POV ]

Nag paulan ako ng matutulis na water blades at tanging mga kalaban lang ang natatamaan nun. Nakita ko pa na may limang dark sides ang aatake sakin.

Agad akong gumawa ng shield. Hindi ako tinablan ng dark ball nila. Nahati naman sa marami ang shield ko at sabay sabay na binato yun sa mga dark sides. Nakita ko kung paano sila nalagutan ng hininga bago naglaho.

Pinanuod ko naman sila Ace na lumipad palayo. Alam ko na papunta sila sa Dark Kingdom para isalba si Fiera. Kailangan kong sumunod sa kanila.

Nakapag desisyon na 'ko.

Dinukot ko ang dark elixir sa bulsa ko at binato iyon sa malayo. Hindi ko magagawa ang ano mang iutos sakin ng dark king. Hindi niya magagamit ang tatay ko laban sakin. Ililigtas ko sila ni Fiera sa kahit na anong paraan.

[ Fiera's POV ]

Patuloy parin ang panghihina ng katawan ko. Nakahiga parin ako dito sa magic circle habang pinapanuod ang mga nangyayari.

"Maligayang pagbabalik anak!" Sabi ng dark king at niyakap yung taong bumangon sa kabaong.

Oh my god. A-anak? Ibig sabihin...

Siya ang dark prince?

"Salamat sa muling pag buhay mo sakin aking ama." Sabi namang ng dark prince.

Lumabas na yung dark prince sa kabaong. Napatingin sakin yung dark prince.

"Sino ang babaeng iyan?"

"Siya ang dahilan kung bakit ka nabuhay aking anak. Ginamit ko ang element of fire na nasa katawan niya." Sagot ng dark prince.

Wala akong magawa kundi ang tignan lang sila. Hindi ko magawang tumayo dahil nga sa nanghihina ako.

"Layuan niyo ko..." Yan nalang ang nasabi ko.

"Patayin na natin ang isang iyan." Sabi ng dark prince.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi! Hindi nila ako pwedeng patayin.

*BOOOGSH*

Nagulat kami ng biglang may malakas na sumabog.

Napangiti ako nang makita sila Ace, Patty, Cyrus at Luke.

Andito sila.

"Wag kayong magkakamaling saktan siya." Sambit ni Ace.

"Huli na kayo! Nagawa ko na ang ritual. Nakuha ko na sa babaeng ito ang kanyang element of fire!" Sabi ng dark king at tumawa ng mala demonyo.

Nakita ko ang pagka gulat sa mukha nilang apat. Sorry guys. Wala akong nagawa para iligtas ang sarili ko...

Napayukom ang ni Ace kasabay ng paghangin ng malakas. Ramdam na ramdam ko ang matinding galit niya.

Sa isang iglap ay nagkaroon ng isang malakas na ipo-ipo. Duon na nagkagulo ang lahat. Wala akong makita. Nanlalabo ang mga mata ko. Naramdaman ko nalang na may isang tao ang bumuhat sakin.

Pagtingin ko ay nagulat ako. "Ayos ka lang?"

"K-kaizer..." Sambit ko.

Ngumiti siya sakin. "Tutulungan ko kayo." Sabi niya.

Nakita kong lumapit sakin samin si Cyrus. "Nanghihina pa siya. Kailangan niyang magkaroon ng lakas." Sabi ni Cyrus. Hinawakan niya ang braso ko at pumikit. Nag bigkas siya ng mga salita na hindi ko maintindihan. Then bigla nalang umilaw yung kamay niya na nakawak sa braso ko. Nakaramdam ako ng enerhiya na parang pumapasok sa katawan ko. Naramdaman ko nalang malakas na ulit ako.

Binaba na ako ni Kaizer. "Thank you Cyrus." Sabi ko kay Cyrus.

Ngayon ko lang napagtanto na naglalaban laban na pala ang lahat.

"Cyrus, dalhin mo si Fiera sa ligtas na lugar." Sambit ni Kaizer.

Tumango naman si Cyrus. "Lumabas na tayo ng caslte. Masyadong delikado dito."

Umiling ako. "Hindi. Hindi ko iiwan ang mga taong nag ligtas sakin."

"Pero dark fire na ang kapangyarihan mo! Delika---" Hindi ko na pinatapos mag salita si Cyrus.

"Oo. At ang dark fire na 'to ang mag papabagsak sa Dark King at Dark Prince."

"Hindi mo naiintindihan! Malakas ang kapangyarihan ng dark prince! Mahihirapan kang talunin siya!"

Wala na akong ibang choice. Lalabanan ko ang mag-ama no matter what. Kahit buhay ko pa ang kapalit nito.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dedicated ang chapter na to para sa mga reader na nag hintay sa update ko ^____^ sana nagustuhan niyo dahil para sa inyo talaga to.

Iloveyou all 😙❤

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now