Chapter 23: Nature Magic

9.4K 324 9
                                    


So ayon napag isipan ko na ipublish nalang muna lahat tapos uunti-untiin ko nalang iedit.

Asahan niyo ang typo errors dito dahil nga hindi ko pa ito na eedit.

Ayun lang, enjoy reading~

========================

Chapter 23: Nature Magic

**********

[ Patty Jane Skealford POV ]

Nagulat ako ng biglang may tumubong sobrang laking bulaklak sa harap ko. Dahan-dahan yun bumuka at mula sa loob nun ay lumabas ang isang babaeng naka-suot ng gown na gawa sa iba't ibang klase ng bulaklak.

Hindi ko siya kilala pero alam kong isa siya sa hungry wolf knight.

"Sino ba kayo? At anong kailangan niyo sa'min?" Matapang na sabi ko sa kanya.

Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng guild nila. Hindi din sila familiar sakin. In short ay hindi sila kilala sa magic world. Kaya mas kailangan namin mag ingat dahil hindi namin sila kilala.

"Ako si Rose. At kami ang papaslang sa inyo!" Sabi niya with her sweet tone.

Ngayon malinaw na sakin. Kalaban sila na kailangan naming kalabanin.

Pinag-dikit ko ang dalawang kamay ko. Umilaw yun at isang iglap ay lumabas ang angel sword ko.

Ang ispadang ito ay makapangyarihan. Galing pa ito sa mga ninuno namin.

"Yun ay kung matatalo mo ako." Sabi ko nginitian siya.

"Hindi niyo kilala ang hungry wolf Knight." Sabi niya.

"Hindi niyo din kami kilala." Sabi ko naman.

"Wala na akong pake-alam kung sino ka man... Ang kailangan ko lang gawin ay patayin ka." Sabi niya nag sweet smile.

Geez. Napaka creepy talaga ng babaeng ito. Hindi ko alam kung may dipirensya sa utak o ano eh.

"Bakit hindi na natin simulan ang laban na ito? Para magka-alaman na." I said then smirked.

"Mabuti pa nga..." - siya.

"Flower gun!" Sigaw niya. Biglang may mga bulaklak ang tumubo sa lupa. Bumuka iyon na nakatutok sa direksyon ko.

Isang iglap ay sabay-sabay na nag labas iyon ng malalaking tinik na pabulusok sa direksyon ko.

Shit. Tumalon talon ako para iwasan iyon. Masyadong madami ang malalaking tinik na iyon plus masyado din silang mabilis. Kaya naman hindi ko iyon naiwasan lahat. Nagkaroon ako ng maliliit na sugat.

Winasiwas ko ang ispada ko bilang proteksyon. Bawat tinik na tumatama sa ispada ko ay nadudurog.

Ibinaba ko na ang ispada ko ng huminto na ang pagbato niya sakin ng tinik.

Pheuw~ napagod ako dun ah.

"Hindi lang iyon ang kaya kong gawin.." Sabi niya.

Tinaas niya ang kamay niya. Kasabay ng pag-ilaw ng kamay niya ang sabay-sabay na nagkaroon ng buhay ang mga punong nasa paligid namin.

Nagkaroon ng paa at kamay ang mga puno.

What the heck?! Nature magic ang kapangyarihan niya!

Pinorma ko na ang ispada ko at nag handa. Sabay-sabay silang lumalapit sakin.

"Katapusan mo na cutie girl." Sabi niya at matamis na ngumiti.

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapann. She's wrong. Hindi ako dito mamamatay.

"RAAAAAR!" Akmang susuntukin ako ng isang buhay na puno pero mabilis akong umiwas sa pamamagitan ng pag talon at buong lakas na hinati ito sa gitna.

Napatingin ako sa mga buhay na puno. Masyado silang marami. Hindi ko sila agad matatalo kapag iisa-isahin ko sila.

"Pag sasabay-sabayin ko na kayo." Sabi ko.

Hinawakan ko ang ispada ko gamit ang dalawang kamay ko. Tinarak ko sa lupa ang ispada ko. Kasabay nun ang malakas na pagsabog sa paligid.

Nakita ko na lang na tumba lahat yung mga punong may buhay.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi pa tapos ang laban ni Patty. Anyway kaway-kaway sa mga fairy tail fan na kilala ang hungry wolf knight!

Vote and comment po :)

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now